NAGHAIN na ng kanyang COC si Konsehal PM Vargas ng ika-5 distrito ng Quezon City para sa posisyong congressman. Siya ang nakababatang kapatid ni Congressman Alfred Vargas na patapos na ang termino. Kasama niya sa larawan sina Mayora Joy Belmonte (kaliwa) at Cong. Alfred (kanan) na nagtaas ng kanyang mga kamay bilang suporta. 224
Read MoreAuthor: admin 2
Dugo umagos na sa 2022 elections LIDER NG MAYOR INAMBUS, PATAY
LAGUNA – Patay ang isang tumatayong campaign leader ng ilang politiko sa Laguna matapos tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Biñan City noong Sabado ng tanghali. Kinilala ng Biñan City Police ang biktimang si Virgilio “Ver” Dimaranan, 63-anyos, residente ng South City Homes at dating city accountant ng Biñan LGU. Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinambangan ang biktima pasado alas 12:00 ng tanghali pagkatapos nitong dumalo sa pagpupulong ng mga lider pulitika ni Incumbent Biñan City Mayor Arman Dimaguila. Ngunit ayon sa pulisya, bukod sa pagiging campaign leader nito ng mga…
Read MorePNP BICOL UMARANGKADA, 10 WANTED PERSONS TIMBOG
“TO be a criminal is foolish. To be a fugitive is insane,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang sampung most wanted persons sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa pinaigting na kampanya ng PNP Bicol kontra kriminalidad partikular na ang kampanya laban sa wanted persons. Sa unang bugso ng Oktubre taong kasalukuyan, anim ang nasakote ng mga kawani ng Camarines Sur Police Provincial Office sa inilunsad nitong manhunt operation. Kabilang na rito ang rank 1 city municipal wanted person ng…
Read MoreTAN NAGHAIN NG KANDIDATURA SA PAGKA GOBERNADOR NG QUEZON
PORMAL nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagka gobernador ng lalawigan ng Quezon si 4th District Representative Angelina “Helen Tan” kahapon (Linggo) sa Lucena City sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Kasama niya ang running-mate sa pagka Bise Gobernador na si Third Alcala, Cong. Mark Enverga (Representative, 1st District), Bokal Reynan Arogancia (Representative, 3rd District) at Atorni Mike Tan (Representative, 4th District) na naghain din ng kani-kanilang kandidatura. Sinabi ni Tan na kapag siya ay nahalal na gobernador, ipagpapatuloy nya ang nasimulang HEALING Agenda at lalo pang paiigtingin ang…
Read MorePRES’L ADVISER NI DUTERTE TATAKBONG GOBERNADOR
ANTIPOLO City — Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy para gobernador sa nalalapit na 2022 general elections si Presidential Adviser Sec. Casimiro Ynares Jr. Kasabay ng paghahain ng kandidatura ni Ynares, nagsumite na rin ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa re-election ang kaalyadong 1st district Congressman Michael John Roy Duavit. Sa kabila ng inihaing kandidatura ni Ynares – na dati na rin nanungkulan bilang punong lalawigan, hindi naman kumbinsido ang marami lalo pa’t taliwas sa inaasahan ang pagbabalik nito sa pulitika. Usap-usapan din sa lalawigan ang…
Read MoreSa pagbalewala sa utos ng korte KASO VS QCPD GEN. YARRA NAKAAMBA SA OMBUDSMAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SASAMPAHAN ng patung-patong na kaso ng Globaltech Mobile Online Corporation sa Office of the Ombudsman si Quezon City Police District Director PBGen Antonio C. Yarra kaugnay sa utos nitong pag-aresto umano sa mga kawani ng Peryahan ng Bayan kamakailan sa lungsod. Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo ng Globaltech, ito ay direktang paglabag sa karapatan ng kompanya na ipagpatuloy ang kanilang operasyon. Idinagdag pa nito na may proper identification ang kanilang mga tauhan na nangangasiwa sa palaro kaya’t hindi maituturing na illegal gambling ang kanilang operasyon. Matatandaan…
Read MoreBinabantayan ng PNP SABWATANG POLITIKO AT DRUG SYNDICATE
POSIBLENG kumilos na naman ang mga sindikato ng droga at kanilang mga kakutsabang politiko upang makatiyak ng panalo sa gaganaping May 2022 elections. Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar kaya inalerto ang kanyang mga tauhan. Aniya, posibleng pondohan ng mga sindikato ng ilegal na droga ang kampanya ng ilang kandidato kapalit ang proteksyon sakaling manalo ang mga ito. Inihalimbawa ng heneral ang kaso ng alkalde sa Quezon Province na naaresto noong 2001 dahil sa pagbibiyahe ng halos 500 kilo ng shabu…
Read MoreSa NCR Plus 8 COVID-19 REPRODUCTION NUMBER PATULOY SA PAGBABA
PATULOY ang pagbaba ng ‘reproduction number’ o hawahan ng COVID-19 sa buong National Capital Region at pagliit ng mga bagong kaso ng impeksyon, ayon sa OCTA Research Group. Batay sa ulat ni OCTA member Dr. Guido David, naitala na lamang sa 0.83 ang reproduction number nitong Oktubre 2 mula sa 0.98 noong nakaraang linggo. Mayroon ding 16% positive rate sa National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal. Sa naturang mga lugar, pinakamataas ang reproduction number sa Davao City na naitala sa 0.89 kasunod…
Read More341 NAIA PERSONNEL BINALASA NG BI
SIMULA kahapon, mahigit sa 300 officers ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang pinag-report sa kanilang bagong terminal assignments bilang bahagi ng kampanya ng ahensya para mapigilan ang korapsyon sa kanilang personnel. Ayon kay Atty. Carlos Capulong, BI Acting Port Operations chief, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na inaprubahan nito ang rekomendasyon na ipatupad ang rotation scheme sa nasabing pangunahing pwerto noong Oktubre 3. Sinabi pa ni Capulong, sa 341 BI officers na inilipat, hindi kasama ang 99 newly hired immigration inspectors na kasalukuyang nasa…
Read More