COVID-19 cases patuloy nadaragdagan TIG-ISANG PATAY SA MALABON, VALENZUELA

NAKAPAGTALA ng isang namatay sa COVID 19 sa Malabon City noong Oktubre 2, habang 10 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,300 ang positive cases sa siyudad, 398 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (1), Catmon (2), Concepcion (1), Dampalit (2), Hulong Duhat (2), Longos (1), at Tonsuya (1). Sa kabilang banda, 58 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling, at sa kabuuan ay 19,578 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 624 ang COVID death toll. Isang pasyente…

Read More

Apela ni Defensor sa Senado P1K SOCIAL PENSION NG SENIORS IPASA NA

UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Senado na ipasa na ang kanilang hiwalay na bersyon ng panukalang batas na doblehin ang social pension ng mahihirap na senior citizens. Ginawa ni Defensor ang panawagan sa mga senador kasabay ng paggunita sa Elderly Filipino Week, base sa proklamasyon na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte. “The bill is already with the Senate, after the House passed it in July. In fact, no less than Senate President Vicente Sotto III authored the counterpart Senate bill. Now would be a good time for the…

Read More

Depensa ng PNP sa reklamo ng ina ng visual artist LAMANLOOB NI JONSON NAIBALIK LAHAT

INIHAYAG ng Philippine National Police na naibalik na lahat ng laman-loob ni Bree Jonson kasunod ng ulat na inaantala ng PNP ang pag-turnover ng mga ebidensiya partikular ang ilang lamanloob ng biktima sa National Bureau of Investigation. ‘We understand the sentiments and concerns aired publicly by Bree Jonson’s mother but we would like to assure her and other members of the family that the PNP is not causing any unreasonable delay in the process of investigating Jonson’s death,” ani PNP chief Guillermo T Eleazar. Nabatid na naunang lumabas ang isyu…

Read More

RETIRED LGU ACCOUNTANT PATAY SA AMBUSH

LAGUNA — Patay sa pananambang ang 63-anyos na dating city accountant sa Biñan City Laguna kaninang tanghali. Natukoy ni Biñan City police chief Lt. Col. Giovanni Martinez ang biktimang si Virgilio Dimaranan, ng South City Homes, Sto. Tomas, Biñan City, Biñan. Dating city accountant si Dimaranan sa lokal na pamahalaan ng Biñan bago ito nagretiro. Naganap ang pananambang kaninang alas 12 ng tanghali sa Sitio Pag-asa sa Brgy. Sto.Tomas matapos dumalo sa isang meeting sa kanilang lugar nang bigla itong pagbabarilin ng armadong kalalakihan. Inaalam na ng mga awtoridad kung…

Read More

CPP-NPA MEMBER, PATAY SA ENGKWENTRO

“THESE outlaws did not heed my warning. They get what they asked.” Ito ang pahayag ni PNP-PRO 5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo nang mapatay ng kanyang mga tauhan ang isang kasapi ng Communist Terrorist Group/CPP-NPA-NDFP matapos ang armadong sagupaan sa Tiwi, Albay. Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, pasado alas-12:00 ng madaling araw noong Biyernes nang masabat ng mga operatiba ng 502nd Regional Mobile Force Battalion, na pinamumunuan ni P/Lt. Danilo Capili, ang armadong kalalakihan sa boundary ng Brgy. Joroan, sa bayan ng Tiwi, sa Albay. Sa isinumiteng…

Read More

PAGBAHA NG SMUGGLED NA GULAY, ECONOMIC SABOTAGE

NAIS ni Senadora Imee Marcos na busisiin ang posibleng sabotahe sa ekonomiya ng pagbaha ng mga gulay mula China habang ang mga lokal na produkto galing Benguet at iba pang taniman sa Cordillera ay patuloy na nabubulok. Ihahain ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, ang Senate Resolution para tuntunin ang mga importer at mga opisyal sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa agricultural smuggling. “Wala tayong kadala-dala, nangyari na ito nung 2020, at nabigyan na ang DA ng Kadiwa trucks, tauhan…

Read More

NPA MURDER SUSPECT, LAGLAG SA PNP-PRO5

ISANG aktibong kasapi umano ng communist terrorist group na kabilang sa apat na New People’s Army na responsable sa kidnapping at pagpatay sa inosenteng sibilyan sa San Fernando, Masbate, ang nadakip ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa ikinasang manhunt operation ng Masbate Police Provincial Office sa San Fernando, Masbate. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, unti-unti nang nabibigyan ng linaw ang pagkamatay ng isang lalaking pinaslang sa San Fernando, Masbate nang madakip ng Masbate PPO ang akusadong si Rommel Bona y Ramos, 32-anyos, may asawa,…

Read More

P1.28-B SHABU NASABAT SA CAVITE DRUG BUST

TINATAYANG P1.28 bilyon ang street value ng ilegal na droga na nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation nitong Biyernes ng umaga sa Bacoor City, Cavite. Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Dir. Derrick Carreon, umaabot sa 149 kilos ng shabu ang kanilang nakumpiska matapos ang isinagawang buy-bust operation ng kanilang mga tauhan. Nabatid na matapos ang isinagawang intelligence gathering at case build-up ay inilatag ng mga operatiba ng PDEA Cavite, PDEA IIS, PDEA SES, AFP Task Force Noah, AFP SIF, NICA, BOC, PNP-DEG NCR,…

Read More

BYPASS ROAD SA LA UNION BINUKSAN

PORMAL na binuksan ni Department Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar kahapon ang may 8.72-kilometer San Fernando-San Juan Section ng Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road sa lalawigan ng La Union. Pinangunahan ni Sec. Villar ang ceremonial drive-thru kasama sina La Union 1st District Congressman Pablo C. Ortega at DPWH Region 1 Director Ronnel M. Tan upang pormal na buksan ang bagong Bypass Road na siyang magpapaluwag ng Manila North Road sa San Fernando City at San Juan. Ang pagbubukas ng bagong Bypass Road ay dinaluhan din nina…

Read More