“KUNG ang mga lider nga ninyo ay nahuhuli na namin, paano na lang kayo? Ginagalugad ng ating mga tropa ang kabundukan at sa ibaba naman ay wala na kayong mga mass base na pwedeng pagtaguan. Sumuko na lamang kayo.” Ito ang panawagan kahapon ni PNP-Police Regional Office 5 P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na madakip ang isang high ranking official ng Communist Terrorist Group sa inilunsad na focused military operation ng Joint Task Force Bicolandia. Binalaan ni Gen. Estomo ang mga nalalabi pang kasapi ng komunistang New People’s Army na…
Read MoreAuthor: admin 2
MAGSASAKA ITINUMBA NG KUMPARE
NUEVA ECIJA – Tatlong beses na pinagbabaril nang malapitan ang isang 50-anyos na magsasaka ng kumpare nito noong Linggo ng gabi sa Purok 4, Brgy. Sta. Barbara sa bayan ng San Antonio sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Major Roderick Corpuz sa tanggapan ni Mayor Arvin C. Salonga, kilala ang biktimang si Benito Paderan De Luna, residente ng naturang lugar. Lumitaw sa imbestigasyon ni P/Cpl. Aldrin T. Pe Manuel, dakong alas-8:00 ng gabi, kasama ng biktima sina Wilbert Punzalan, 20; Willie Punzalan, 27, at Catalino Capulong, 61, pawang mga residente ng Purok 1,…
Read MoreHealth protocols muling nilabag sa Maynila AYUDA PAYOUT HIHIGPITAN NG PNP
HINDI na kailangang maulit pa ang pagkakagulo at pagdagsa ng mga tao na hindi masawata sa paglabag sa pinatutupad na health and safety protocols nang halos sabay-sabay na lumusob sa bigayan ng ayuda sa isang public recreation center sa Tondo, Manila. Dahil dito, pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang nakatalagang mga pulis sa National Capital Region na mahigpit na ipatupad ang public health safety protocols habang ipinatutupad ang Alert Level 4 system sa National Capital Region. Ginawa ni Eleazar ang pahayag kasunod ng…
Read MoreSa bakunahan sa 12-17 anyos ONLINE PROFILING LUMARGA SA MALABON
INIHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Malabon na maaari nang iparehistro ng kanilang mga magulang ang mga batang edad 12-17 taon para sa pagbabakuna kontra COVID-19. Hinihikayat ang mga nanay at tatay na sagutan ang online pre-registration form gamit ang link na: https://bit.ly/Malabon12-17Vaccination . Ayon sa City Hall, bahagi ito ng paghahanda habang hinihintay na dumating ang mga supply ng bakuna para sa nasabing age group. Hanggang Setyembre 27 ay 20,364 ang positive cases sa Malabon, 499 dito ang active cases, 19,248 ang recovered patients at 617 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO) 468
Read MorePAGBABAKUNA SA GENERAL PUBLIC IKAKASA SA OCT.
MAGSISIMULA na ang pagbabakuna sa general population sa darating na Oktubre. Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ito’y sang-ayon na rin sa payo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Chief Executive. Bukod dito, magsisimula na rin aniya ang pagbabakuna sa mga kabataan. Kaya, hinihikayat ng gobyerno ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga ito. “Inaasahan natin na magsisimula rin tayo sa buwan ng Oktubre.…
Read More250 KATAO HULI SA ILLEGAL ONLINE SABONG
ARESTADO ang nasa 250 katao matapos salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Office ang isang Online Illegal Sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija. Kabilang sa mga naarestong hindi pa pinangalanan ay ang operator, empleyado at mga mananaya. Ayon kay Atty. Emeterio Dongallo Jr., pinuno ng NBI-Special Project Team, Lunes ng hapon nang isagawa nila ang pagsalakay sa Mavin’s Events Center sa San Leonardo, Nueva Ecija. Aniya, nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa ilang lehitimong operator ng e-sabong sa bansa na may nag-ooperate ng illegal…
Read MorePANUKALANG MENTAL HEALTH CLINIC SA SJDM, BULACAN PASADO SA KAMARA
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagtatayo ng klinika para sa kalusugang pangkaisipan na kauna-unahan sa bansa. Pumabor sa botong 196, wala isa man ang kumontra o kahit na nag-abstain nang ipasa sa Kamara nitong Lunes ang House Bill 9980 na ipinanukala ni SJDM Rep. Florida “Rida” P. Robes na magtayo ng isang klinika para sa kalusugan ng isip na popondohan at pamamahalaan ng pamahalaang lungsod, katuwang ang Department of Health. Sinabi ni Robes na napapanahon ang pagpapasa ng kanyang panukala sa…
Read MoreBangsamoro lauds House, Senate for BARMM Poll extension
COTABATO CITY – With the recent ratification of the Bangsamoro transition extension, which postpones the elections in the autonomous region to 2025 instead of 2022, Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim expressed his gratitude and praises to the House of Representatives and the Senate in a recent statement. Ebrahim, on behalf of the Bangsamoro Transition Authority (BTA), especially appreciated the personalities that supported the bill namely Maguindanao 2nd District representative Toto Mangundadatu, Majority Floor Leader Representative Martin Romualdez,House Speaker Lord Allan Velasco, Senator Francis Tolentino, Majority Floor Leader Senator Juan…
Read More2 BIFF, 1 SUNDALO PATAY SA ENGKWENTRO
PATULOY ang pagtugis ng Philippine Army sa tumakas na mga terorista kasunod ng sagupaan sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao Dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) at isang sundalo ang napatay sa nasabing engkwentro. Ayon sa ulat ng 601st Brigade, nagpapatuloy pa rin ang pursuit operation ng Joint Task Force Central laban sa tumakas na mga BIFF. Sinasabing nagsanga ang landas ng mga terosistang grupo at tropa ng 6th Infantry battalion na nagsasagawa ng routine combat patrol operation sa liblib na bahagi ng nasabing bayan.…
Read More