MPN AARANGKADA NA

AARANGKADA na ang Mobile Number Portability Act (MNPA) simula Setyembre 30. Kasunod nito, pinaalalahanan ni Senador Win Gatchalian ang mga telecommunications companies na ingatan ang mga personal na impormasyon ng mga mobile subscriber, siguruhin ang cybersecurity at maglatag ng sapat na mekanismo para sa kapakanan ng mga konsyumer habang nagpapalit ng service provider. “Sa panahon ngayon na talamak ang iba’t ibang modus gamit ang mga online at mobile application platforms, importante na sinisiguro natin sa mga subscriber na mahigpit ang pagtalima ng telcos sa Data Privacy Act na kaakibat ng…

Read More

FRONTLINE SERVICE NG DPWH REGION 1 KINILALA SA CSC AWARDS

KINILALA ng Civil Service Commission (CSC) at ngayon ay maihahanay na sa mga ahensya ng pamahalaan na tumanggap ng natatanging karangalan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) – Regional Office 1 na nakabase sa San Fernando City, La Union dahil sa natatanging ambag nito sa  public service excellence. Sa isang virtual appreciation program noong Lunes, Sept. 27, 2021, ang DPWH Regional Office 1 sa pamumuno ni Director Ronnel M. Tan ay ginawaran ng Certificate of Appreciation ng CSC sa ika-121 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service. Kinilala rin…

Read More

UMANDAP PAF RESERVIST NA DIN

PORMAL nang tinanggap ni AKO OFW Chairman at SAKSI NGAYON Columnist Doc Chie Umandap ang pagtatalaga sa kanya bilang Major ng Philippine Air Force reserve. Mismong si 520th Air Base Wing Commander Brigadier General Michael Lorenzo ang naggawad ng ng ranggong Major kay Umandap at apat pang iba sa isang simpleng seremonyang ginanap sa Villamor Air Base sa Pasay City. “You also show your willingness and readiness in carrying more demanding responsibilities which I’m confident you will be able to do.  The PAF urges you to continue to fulfill your…

Read More

PASAY ADMINISTRATOR PUMANAW

PUMANAW na sa edad na 51-anyos ang Csi Pasay City Administrator Atty. Dennis Acorda kahapon ng umaga, ayon mismo kay Pasay City Mayor Emi Calixto. “It is with profound sadness that I announce the passing of our beloved City Administrator, Atty. Dennis Acorda. CA Atty. Dennis died this morning of September 29, 2021. Our thoughts are with his wife, Lissa and the entire family during this difficult time. Nabawasan tayo ng katuwang sa Tapat na Paglilingkod ngunit mananatili siya sa ating mga puso at taos puso ang ating pasasalamat sa…

Read More

MILITAR NAKAISKOR KONTRA TERORISTA

CAVINTI, Laguna – Samu’t saring pampasabog na karaniwang gamit sa terror attacks ang nasamsam ng mga militar sa isang operasyon sa liblib na bahagi ng Barangay Umiray sa bayan ng General Nakar, lalawigan ng Quezon. Paniwala ni 202nd Infantry Brigade Commander Colonel Cerilo Balaoro, malaking dagok sa hanay ng New People’s Army ang kanilang nasamsam na mga pampasabog na ayon sa kanya ay nakatakdang gamitin ng mga rebelde sa paghahasik ng terorismo. Kabilang sa kanilang nakumpiska ay 20 anti-personnel mines, 15 anti-vehicle mines, 340 rounds ng mga bala ng caliber…

Read More

PULIS TODAS, 1 PA SUGATAN SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Napatay ang isang operatiba ng Cavite Police habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isa pang pulis makaraan ang isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kapwa isinugod sa Dasmariñas City Medical Center sina P/SSgt. Carl Marte Manzanilla at Pat. Ariel Carlos Maribojo ngunit idineklarang dead on arrival ang una dahil sa tama ng bala sa katawan. Apat katao naman ang naaresto sa nasabing buy-bust operation na kinilalang sina Jesabel Cadag, Jemuel Pillar, John Marco Pacia at John Lloyd Pacia habang pinaghahanap ang tatlong…

Read More

7 SUNDALO, 2 LINEMAN SUGATAN SA PAGSABOG SA NGCP

DALAWANG tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at pitong sundalo ang malubhang nasugatan sa pagsabog ng itinanim na landmine sa bayan ng Buadiposo-Buntong sa Lanao del Sur, ayon sa ulat ng militar at pulisya nitong Miyerkoles. Sa inisyal na ulat ng Philippine Army 103rd Infantry Brigade, isa sa mga sundalo na nagbabantay sa mga manggagawa ng NGCP ang nakatapak ng itinanim na bomba ng hindi pa kilalang grupo sa paanan ng transmission tower sa bayan ng Buadiposo-Buntong, na nagresulta sa nasabing pagsabog. Nangyari ang pagsabog bandang alas-7:00 ng…

Read More

10 POSITIBO SA ANTIPOLO MENTAL HEALTH FACILITY

ANTIPOLO CITY, Rizal – Kinailangang isailalim sa mahigpit na granular lockdown ang isang pribadong mental health facility makaraang magpositibo sa nakamamatay na COVID-19 ang 10 sa 31 empleyado nito. Sa anunsyong ipinaskil sa social media, mananatiling sarado sa loob ng dalawang linggo ang Villa Herzon Mental Health Center sa M. Santos St., Barangay San Roque kung saan nagkahawaan ang mga empleyado nito. Sa 31 kataong isinailalim sa RT-PCR test, 10 ang lumabas na positibo – dahilan para agad na isarado ang nasabing pasilidad. Kasabay nito, agad din pinakilos ang mga…

Read More

1 PATAY, 3 KRITIKAL SA 3 AKSIDENTE SA CAVITE

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang rider habang kritikal ang kalagayan sa ospital ng tatlo pang katao kabilang ang isang pulis sa nangyaring tatlong aksidente sa kalsada sa lalawigang ito. Kinilala ang namatay na biktimang si Joemel Tubay Orlanda, 24, habang hawak na ng pulisya ang driver ng dump truck na may plakang CCN 1344, na si Mark Kevin Valenzuela, 28-anyos. Kritikal ang kalagayan nina Pat. Teodorio Ivan Joseph, 27, nakatalaga sa Naic Police, nilalapatan ng lunas sa Tanza Specialist Hospital, habang sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital dinala ang driver ng…

Read More