PATAY ang 16-anyos na binatilyong naki-birthday lang makaraang pasukin at paulanan ng bala ang masayang inuman kahapon ng madaling araw sa Quezon City. Ang biktima ay nakilalang si Mico Gracia Balosa, 16, estudyante at residente ng Alley 6, Brgy. Batasan Hills, QC. Sugatan naman ang kaibigang si John Paul De Juan, 19, binata, construction worker at nakatira sa Sitio 3, ng nasabi ring barangay. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang insidente ay naganap bandang alas- 12:40 kahapon ng madaling araw. Sa…
Read MoreAuthor: admin 2
ZERO-TAX PARA SA BALIKBAYAN BOXES
HANDANG-handa na ang Bureau of Customs (BOC) sa inaasahang pagdagsa ng mga balikbayan boxes na padala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang mga pamilya kaugnay ng papalapit na Kapaskuhan. Maging ang magandang balita para sa OFWs, handa na rin ayon sa BOC. Kasabay nito, nagpalabas din ng paalala ang BOC sa mga OFWs kaugnay ng mga Balikbayan Boxes na karaniwan nilang ipinapadala sa mga kani-kanilang mahal sa buhay. Para iwas abala at masiguro ang isang masayang pasko, hiling ng kawanihan sa mga nagnanais magpadala na alamin muna ang…
Read MoreIWAS KORAP SA ZERO-CONTACT
KUMPIYANSA ang Bureau of Customs (BOC) na mababawasan, kung hindi man tuluyang matutuldukan, ang katiwalian sa ilalim ng isang sistemang zero-contact sa proseso ng kawanihan. Agresibo na rin isinusulong ng Port of Limay ang pagpapalawak ng zero-contact policy bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na siyang nagsulong sa limitadong “face-to-face transactions” sa pagitan ng kanilang kawani at mga stakeholders ng import-export industry. Sa ilalim ng CCC service center, maipo-proseso ang centralized document receiving at releasing, pagbabayad ng kaukulang buwis, pagkuha ng mga pass control at iba…
Read MoreTUKO, GAGAMBA NASILAT SA NAIA
MAS pinahigpit na inspeksyong pinaiiral ng Bureau of Customs (BOC) ang naging susi sa pagkakasabat ng mga tuko at gagamba na kapwa tinangkang ipuslit sa bansa sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon. Unang nahagip ng mga tauhan ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pambihirang uri ng tukong kilala bilang Leopard Gecko na inangkat pa mula sa bansang Thailand. Sa pagrerebisa ng mga dokumentong kalakip ng nasabing bagaheng dumating sa Paircargo warehouse, lumabas na wala itong import permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya…
Read MoreRICE SMUGGLING BULILYASO
HINDI na nagawang makadaong pa ng isang barkong may lulang 20,000 sako ng bigas na plano sanang dalhin sa Zamboanga, kamakailan. Sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs- Port of Zamboanga (BOC-POZ) at Philippine Coast Guard (PCG), nasabat sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi ang isang sasakyang dagat na una nang itinimbreng may lulang libo-libong sako ng bigas na tinatayang nagkakahalaga ng P15 milyon. Ayon pa sa BOC, Setyembre 12 pa nang makatanggap ang kanilang tanggapan ng impormasyon hinggil sa paparating na kargamentong ipupuslit sa bansa sa hangaring makaiwas sa…
Read MoreDFPC SHOPS PINALAWIG
SA hangaring palakasin ang operasyon ng mga establisimyento sa ilalim ng Duty Free Philippines Corporation (DFPC), nagpalabas ang Bureau of Customs (BOC) ng mga bagong panuntunang inaasahang kakikitaan ng mas malawak na abot at karagdagang benepisyo sa gobyerno at sa mga kwalipikadong indibidwal na nakikinabang dito. Sa inilabas na Administrative Order 05-2021, pasok na sa mga benepisyo maging ang mga tindahang nagbebenta ng mga imported goods na mula sa DFPC para sa mga kwalipikadong indibidwal, kabilang na ang mga balikbayan. Sa ilalim ng Amended Rules, Regulations and Procedures kaugnay ng…
Read MoreP7.48-M DROGA HULI SA CLARK
TIMBOG sa pinaigting na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clark International Airport ang P7.48 milyong halaga ng shabu na ikinubli sa loob ng isang bagaheng idineklara bilang termos. Sa isang pahayag, muling nagbabala si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga sindikatong nagpipilit magpuslit ng iligal na droga sa bansa. Binigyang pagkilala rin ni Guerrero ang sigasig na ipinamalas ng mga kawani at operatiba mula sa PDEA, Enforcement and Security Service (ESS), at Customs Anti- Illegal Drug Task Force (CAIDTF), sa…
Read More1 PATAY, 7 SUGATAN SA DATU PIANG BLAST
MAGKATUWANG na tinutugis ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police ang grupong responsable sa pagpapasabog ng cellphone detonated improvised explosive device na ikinamatay ng isang lalaki at ikinasugat ng pitong iba pa noong Sabado ng hapon sa Barangay Poblacion sa Datu Piang. Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, spokesman ng 6th Infantry Division, nangyari ang pagsabog bandang alas-3:39 ng hapon sa covered court ng Poblacion Datu Piang sa kasagsagan ng volleyball match. “It was confirmed na IED ‘yung nilagay, component na na-recover ng ating mga EOD…
Read MoreWANTED RAPIST INARESTO NG PNP-PRO5 SA NBI JAIL
“WE are not men in uniforms just to be outsmarted,” ani PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na dakpin ng kanyang mga tauhan ang isang pugante sa kasong statutory rape. Ito ay makaraang matunton ang suspek na si Rolly Selos Olaybal alyas “Raul” ng Sitio Libis, San Ysidro, Brgy. San Joseph, Antipolo City, na kasalukuyang hawak ng National Bureau of Investigation dahil naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o anti-gambling law. Nang iparating ng Albay Police Provincial Office base sa datos ng Oas Municipal Police Office, sa NBI…
Read More