BABAENG NANGIKIL KAY MAYOR, KULONG

SORSOGON – Dinakip ng mga pulis ang isang 18-anyos na babae na umano’y nangikil ng pera sa mismong mayor ng bayan ng Juban sa lalawigang ito, noong Martes. Hindi nakapalag nang posasan ang suspek na si Kristine Kate Rivera, residente ng Housing Project, Barangay Bibincahan, East District. Ang biktima naman ng insidente ay ang 56-anyos na alkalde ng Juban na si Antonio Alindogan, residente ng Barangay Poblacion. Batay sa report kay Sorsogon City Police Station (SCPS) commander, Police Major Jeric Don Sadia, nahuli si Rivera sa inilatag na entrapment operation sa Barangay…

Read More

Nagutom sa bundok, nangikil NPA NAKASAGUPA NG ARMY SA QUEZON

QUEZON – Gutom ang nagtulak upang bumaba mula sa kabundukan at mangikil ng pagkain ang mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga residente ng Barangay Llavac, sa bayan ng Real sa lalawigang ito. Nakasagupa ng 1st Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division ang grupo ng Platun Laguna-Quezon ng Main Regional Guerilla Unit ng Southern Tagalog Regional Party Committee na NPA noong Linggo sa Sitio Lalawinan. Ito ay makaraang isumbong ng isang residente ang pangingikil ng mga rebelde sa mga naninirahan sa nabanggit na lugar. Makaraan ang 10-minutong palitan ng putok,…

Read More

PAGSABOG SA MILITARY CHECKPOINT, 1 PATAY

BASILAN – Patay ang isang miyembro ng Philippine Army habang malubhang nasugatan ang isa pa na kabilang sa nagmamantina ng temporary checkpoint na pinasabog ng isang improvised explosive device sa Campo Uno, Lamitan City sa nabanggit na lalawigan. Ayon kay Western Mindanao Command Acting Commander MGen. Generoso Ponio, base sa inisyal na pagsisiyasat, may tatlong lalaking sakay ng motorsiklo ang nakita sa lugar nang mangyari ang pagsabog bandang alas-8:50 ng umaga noong Martes. Ang dalawang sundalo na mga kagawad ng Army 68th Infantry Battalion na nagbibigay seguridad sa lugar, ay sinasabing pinaputukan pa ng…

Read More

1 missing, 3 sugatan 6 PATAY SA SUNOG SA CEBU CITY

CEBU CITY – Anim katao ang namatay, kabilang ang apat na mga bata, nang makulong sa kanilang bahay sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Osmeña Blvd., Barangay Sta. Cruz sa lungsod na ito, noong Martes ng hapon. Bukod sa anim na namatay, may isa pang hinahanap sa clearing operation matapos na magdeklara ang Bureau of Fire Protection na fire-out na ang sunog bandang alas-3:41 ng hapon, mahigit isang oras makaraang ihayag ng mga bumbero na ‘fire under-control’ ang sunog na nagsimula pasado alas-2:00 ng hapon. Dalawang kasapi ng pamatay sunog…

Read More

Kwentong ‘nanlaban’ di kinagat 15 PULIS SIBAK SA PEKENG DRUG BUST

HINDI lumusot kay Philippine National Police director general Guillermo Eleazar ang depensang “nanlaban” ng 15 pulis na sangkot sa isang pekeng anti-illegal drug operation kunsaan anim katao ang patay sa lalawigan ng Bulacan. Bunsod nito, sibak sa serbisyo ang mga operatibang bahagi ng aniya’y fabricated rug operations nito lamang Pebrero. Sa 15 sinibak na pulis, pito ang nahaharap din sa kasong multiple murder at arbitrary detention ng magkakaibigang napatay sa aniya’y gawa-gawang kwentong “nanlaban.” Ayon kay Eleazar, buwan pa ng Hunyo nang ibinaba ang desisyon na alisin na sa serbisyo…

Read More

Sa pagpaslang sa totoy na may autism VALENZUELA COP, ‘DI PA LUSOT

HINDI ikinalugod ni Philippine National Police (PNP) director-general Guillermo Eleazar ang rekomendasyong 40-day suspension ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) para sa isang pulis na nakapatay ng binatilyong autistic nito lamang nakaraang Mayo. Ayon kay Eleazar, hindi pa lusot sa kaso si Senior Master Sergeant Christopher Salcedo ng Valenzuela PNP kaugnay ng pagpatay sa 18-anyos na si Erwin Arnigo, kasabay ng pahayag na kailangan pang pag-aaralan ng Discipline, Law and Order Division, na nasa ilalim ng Directorate for Personnel and Records Management ang lahat ng mga resolusyon ng IAS na may…

Read More

NURSES WANTED SA VALENZUELA

NAGHAHANAP ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng mga rehistradong nurse na itatalaga sa isolation facilities, City Epidemiology and Surveillance Unit, at vaccination centers. Ang interesadong mga aplikante ay hinikayat na magpadala ng kanilang resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com at bernadeth.bartolo@gmail.com. Samantala, bumibyahe na ang Valenzuela City Bakuna Shuttle para sa mga magpapabakuna sa Valenzuela City Astrodome. Maaaring sumakay sa shuttle nang libre, puntahan lamang ang pick-up point sa Wilcon Depot papunta sa drop-off point sa Valenzuela City Astrodome. Nagpaalala ang pamahalaang lungsod na walang walk-in sa Valenzuela City Astrodome at sa vaccination centers ng lungsod,…

Read More

21 PATAY SA COVID SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 21 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, batay sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Mula sa 1,255 total deaths noong Agosto 28, umakyat sa 1,270 ang bilang ng mga namatay sa COVID sa Caloocan City hanggang 5 pm noong Agosto 31 o karagdagang 15 casualties, habang 2,564 naman ang active cases. Pumalo na sa 46,488 ang total confirmed cases sa siyudad at 42,654 naman ang total recoveries. Apat na COVID patients naman ang binawian ng buhay sa Valenzuela City noong Agosto…

Read More

PONDO SA BOOSTER SHOTS IAASA LANG SA UTANG

IAASA lang sa utang ang pondo para sa booster shots o third shot ng COVID-19 vaccines ng mga Filipino upang magkaroon ang mga ito ng pangmatagalang proteksyon laban sa nasabing virus. Ito ang lumabas sa budget briefing ng Department of Health (DOH) sa House Committee on Health kahapon matapos uriratin ng mga kongresista ang ahensya kung bakit walang regular fund sa bakuna sa susunod na taon. “Mayroon po tayo under unprogrammed funds,” ani DOH Secretary Francisco Duque III, na nagkakahalaga ng P45 billion subalit desisyon aniya ng DBM na ilagay…

Read More