HINDI ang public school teachers ang makikinabang sa mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) kundi ang mga boss ng mga ito sa regional at district offices ng ahensya. Ito ang nilalaman, ayon kay ACT Party-list Rep. France Castro, ng DepEd Memorandum 00-0821-0062 kung saan nakasaad kung sino ang prayoridad sa mga bibigyan ng laptop “Maraming nagtanong, bakit si teacher ang naghirap pero si bossing ang nakinabang?” ani Castro, gayung nang gawin ang Republic Act (RA) 11494 o Bayanihan 2 at bigyan ng P4 billion na pondo ang…
Read MoreAuthor: admin 2
PAGBILI NG COVID VAX PASPASAN – BONGBONG MARCOS
PINASISIMPLEHAN ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang proseso sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 upang bumilis ang importasyon ng supply nito sa gitna ng pinaigting na vaccination rollout ng pamahalaan. “To ensure enough and continuous stocks of vaccines, the government procurement agency must simply cut through the red tape,” pahayag ni Marcos bilang tugon sa panawagan ng iba’t ibang local government units para sa sapat na suplay ng bakuna. Naalarma rin ang dating senador sa babala ng World Health Organization (WHO) na dominante na ngayon sa bansa…
Read MorePRICE CAP SA COVID-19 TESTS IBABABA
IBABABA sa murang halaga ang mga COVID-19 test kasunod ng pagdami ng mga indibidwal na sumasalang sa pagsusuri upang mabatid kung nahawahan ng virus. Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, napag-usapan ito sa pinakahuling pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases. Gayunman, hindi pa umano maaaring sabihin kung magkano ang magiging presyo ng tests. “I just can’t announce it yet kung magkano and all. It’s going to be IATF and the concerned agencies, DTI and DOH, to release the policy, pero naibaba nila ‘yung…
Read MoreDuterte sa kaso ng COVID-19 ‘TAYO HAWA LANG, SILA PATAY’
IBINIDA ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mababa ang local deaths ng Pilipinas dahil sa respiratory disease kumpara sa ibang bansa. Ito’y sa kabila ng naitalang bagong record ng COVID-19 cases ng Pilipinas. “Hirap ang America ngayon. Ang Europe is suffering from a—maraming mas namatay; Turkey, marami ang patay; Saudi Arabia, mas marami ang patay,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address. “Ito, atin, hawa lang. Ang patay natin, hindi masyado ganoon karami,” aniya pa rin. Tinatayang may 33,333 katao na sa Pilipinas ang sumuko sa COVID-19. Kinumpirma…
Read MoreBanat ni Digong sa mga senador PURO DALDAL, YABANG ‘WAG IBALIK SA SENADO
NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na talunin o huwag iboto ang lahat ng mga tumatakbo sa pagka-senador lalo na iyong mga nagbabalik Senado dahil walang gagawin ang mga ito kundi ang dumaldal at mag-show off. Sa kanyang taped address, sinabi ng pangulo na malinaw naman ang intensyon ng mga kandidato na magbabalik-senado at iyon ay para magyabang lang. Partikular na tinukoy ng pangulo si Senador Richard Gordon. Inihalintulad pa ni Pangulong Duterte si Gordon sa German interrogator ng Nazi. Kapag nagsalita na aniya ang senador ay nawawala na ang…
Read MoreDUTERTE: AKO IKULONG, ‘WAG SI DUQUE
“AKO ang nag-utos, ako ipakulong nila.” Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos kay Health Secretary Francisco Duque III na laktawan ang bidding process sa pagbili ng personal protective equipment (PPE) sa panahon ng COVID-19 pandemic. “Ako ang nag-utos kay Duque. Noong nandito kami, ginanun ko ..I want it done immediately.. sabi ko sa kanya it’s not a month, it’s one day, two days ka lang. Ako ang nagsabi sa kanya.. I am sure there is a law which would exempt you from bidding. Madalian ito, pandemic eh,”…
Read MoreDOH FACILITIES SA CALABARZON HALOS PUNO NA
SA kabila ng paghihigpit ng pamahalaan sa mga residente, patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng mga tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon batay na din sa datos na inilabas ng Department of Health Region IV-A. Sa isang pahayag, sinabi ng DOH-Calabarzon na halos puno na din maging ang kanilang regional government center isolation facility sa Calamba City, dahil sa patuloy na pagdating ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19. Anila, 57 beds na lamang ang inilaan para sa mga nagpositibo…
Read More3 BEBOT TIMBOG SA P3.4-M SHABU
CAVITE – Mahigit P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam at nadakip ang tatlong babae sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Jean Llianes, 36; Devielyn Gammad, 32, at Ma. Lourdes Enriquez, 28-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 noong Lunes ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A at Dasmariñas City Police Station sa parking lot ng isang mall sa nabanggit na lungsod kung…
Read More100K J&J vax para sa isang LGU? CABUYAO SAPUL SA FAKE NEWS
LAGUNA – Mistulang superspreader event ang maaaring kahantungan sa isang ospital sa lungsod ng Cabuyao kung hindi naagapan ang kumalat na balita hinggil sa pagdating ng 100,000 doses ng J&J’s Janssen COVID-19 vaccines sa nasabing lokalidad. Paglilinaw ng Cabuyao City government, fake news ang kumalat sa social media hinggil sa umano’y pagdagsa ng single-dose Janssen vaccines sa lungsod. Sa pahayag na lumabas sa official Facebook page ng Cabuyao City Information Office, mariing itinanggi ng Ospital ng Cabuyao ang maling impormasyong ipinakalat ng isang fake FB account na anila’y hangad lamang guluhin ang programa ng pamahalaan…
Read More