Drug personalities hindi nakasuhan POLICE CHIEF SINIBAK

DINAKIP ng mga operatiba ng PNP-Inter Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang chief of police sa Zamboanga dahil sa kapabayaan nitong makapag-build up ng kaso laban sa nahuhuling illegal drug personalities. Sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Office 9 (CIDG-9) ikinostudiya si Police Lt. Col. Nonito Pangilison Asdai, hepe ng Zamboanga City Police Station. Nabatid sa report kay Police Regional Office-9 Director Brig. General Ronaldo Ylagan, sinampahan ng kasong paglabag sa Article 92 ng Republic Act 9165 o  “Delay and bungling in prosecution of drug cases” si Asdai…

Read More

ULO NG TOTOY, NATAPYAS SA ELISE NG BANGKA

QUEZON – Binawian ng buhay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na mahulog mula sa bangka at tamaan ng elise nito sa bayan ng Perez sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ronnel Pelin, residente ng Barangay Pagkakaisa. Ayon sa Perez Police, pauwi na ang biktima kasama ang dalawang kaibigan galing sa picnic nang mahulog ito habang nakatayo sa unahang bahagi ng bangka sa bahagi ng karagatan ng Barangay Pagkakaisa sa bayan ng Perez. Ngunit dahil mabilis ang takbo ng bangka, nahagip ng elise nito ang biktima…

Read More

2 PANG SUSPEK SA MASAKER TIMBOG SA PNP-PRO5

NADAKIP na rin ang dalawa pang suspek sa malagim na Masbate massacre na ikinamatay ng lima katao at ikinasugat ng isang dalagita, makaraan ang isinagawang follow-up operation ng PNP-Police Regional Office 5 sa Barangay Eastern Capsay sa nasabing lalawigan. Base sa ulat na isinumite kay Bicol PNP Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, naaresto ng kanyang mga tauhan ang ama at tiyuhin ng 16-anyos na binatilyo na nagsilbing look-out sa krimen at naunang naaresto ng mga tauhan ng Baleno Municipal Police Station. Ayon kay P/Capt. Ronnie Corral, hepe ng Baleno…

Read More

Pamilya ng napatay na 18-anyos dismayado 40 DAYS SUSPENSION PARUSA SA PULIS

DISMAYADO ang pamilya ng isang special child na napatay ng pulis sa kasagsagan ng kanilang police operation kontra tupada sa Valenzuela City, sa ibinabang desisyon ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na patawan lamang ng 40 araw na suspensyon nang walang sahod ang akusado. Noong nakalipas na linggo ay inirekomenda ng IAS ang pagpapataw ng parusang 40 araw na suspensyon kay Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo, isa sa apat na mga pulis na sangkot sa pagbaril kay Erwin Arnigo na may autism spectrum disorder. Ayon…

Read More

Na-high blood dinala sa ospital PARAK NAGWALA NANG ‘DI IDINIRETSO SA ER

KINASUHAN ng two counts ng grave threat ang isang na-high blood na bagitong pulis matapos na umano’y pagbantaang babarilin ang nurse at security guard ng isang ospital sa Valenzuela City nang hindi siya idiretso sa emergency room. Dinakip si Patrolman Angelo Abalos, 37, matapos na humingi ng tulong sa barangay at pulisya ang gwardyang si Gilbert Belmonte at nurse na si Simon De Galicia ng Valenzuela Emergency Hospital, na pinagbantaan umanong babarilin ni Abalos. Nabatid, ala-1:00 ng madaling araw noong Linggo, Agosto 29, itinakbo si Abalos ng kanyang asawang si…

Read More

Hostage taking maaaring maging COVID superspreader CONTACT TRACING INIUTOS SA CALOOCAN

PINANGANGAMBAHAN na maging COVID-19 superspreader ang nangyaring hostage drama noong nakalipas na linggo sa lungsod ng Caloocan kaya ipinag-utos ang malawakang contact tracing sa mga usisero na nagdagsaan nang maganap ang insidente. Kaugnay nito, inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang Caloocan City Police Office na tumulong sa ikakasang contact tracing kasunod ng nangyaring insidente ng hostage taking sa lungsod. Bunsod ng nasabing insidente, inihayag ni P/Gen. Eleazar na magbababa rin siya ng memorandum para paalalahanan ang mga tauhan ng pulisya hinggil sa…

Read More

DAGDAG NA HONORARIA NG MGA GURO SA 2022 ELECTION, IKINAKASA

IKINAKASA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dagdag na honoraria ng public school teachers na magsisilbi sa 2022 elections dahil mas mahaba ang trabaho ng mga ito dahil sa pandemya. Base sa House Resolution (HR) 2181 na inakda ng Makabayan bloc sa Kamara, inatasan din ng mga ito ang Commission on Election (Comelec) na ipatupad ang Section 4 ng Republic Act (RA) 10756 o Election Service Reform Act (ESRA) na nagsasabi na rebyuhin ang kompensasyon ng mga guro kada tatlong taon para itaas ang kompensasyon ng mga ito. Inihain ng nasabing grupo…

Read More

5 PULIS SA CALBAYOG MAYOR SLAY, SISIBAKIN

INIREKOMENDA kay PNP chief, Gen. Guillermo T. Eleazar na sibakin sa serbisyo ang limang pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino. Ayon kay PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, lumitaw sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng IAS na ambush ang nangyaring pagpaslang sa alkalde at hindi shootout. Ang mga pulis na inirekomenda ng IAS kay PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar na sibakin sa serbisyo ay sina P/Lt. Col. Harry Sucayre, P/Lt. Col. Shyrile Tan, P/Lt. Julio Armeza Jr., pawang nakatalaga sa PNP-IMEG; P/SSgt. Neil Cebu ng…

Read More

MANILA WATER AT MAYNILAD, GIGISAHIN NG SENADO

MAGSASAGAWA ng pagdinig ang Senate committee on public services sa pangunguna ni Sen. Grace Poe kaugnay sa aplikasyon para sa prangkisa ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc., ngayong Miyerkoles, Setyembre 1, ganap na alas-10:30 ng umaga. “Layon ng aming kumite na matiyak na ang kapakanan ng taumbayan ang mangunguna sa interes ng mga franchise applicants,” pahayag ni Poe. Una nang tiniyak ng senadora na daraan sa matinding pagbusisi ang aplikasyon ng mga kumpanya kasabay ng hamon sa mga ito na huwag lamang tumutok sa pagbibigay ng…

Read More