National Heroes’ Day sinabayan ng protesta HEALTH WORKERS GALIT NA

SINABAYAN ng malawakang kilos protesta ang National Heroes’ Day sa pamamagitan ng noise barrage ng health workers mula sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City at sa iba’t ibang mga pampublikong ospital sa National Capital Region (NCR) nitong Lunes ng tanghali. Sabay-sabay na naglabasan sa kani-kanilang pinapasukang mga ospital ang health workers upang ilabas ang kanilang sama ng loob sa pamunuan ng Department of Health (DOH) at sa administrasyong Duterte dahil sa matagal nang pagkaantala ng kanilang Special Risk Allowances (SRA) at iba pang mga benepisyo sa ilalim…

Read More

PROSESO NG PHILHEALTH SA CLAIMS NG MGA OSPITAL, MAPAPABILIS NA

NAGPAHAYAG ng katuwaan si Senadora Grace Poe sa desisyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin ang memorandum circular na pumipigil sa pagbabayad ng hospital claim na sangkot sa fraud o dayaan. “The suspension of the PhilHealth circular is a puny step to the pressing situation threatening the delivery of healthcare services due to unpaid obligations to hospitals,” saad ni Poe. “What we’ve been wanting all along is for the state health insurer to declare that it has reimbursed all valid claims of our hospitals,” dagdag ng senadora. Ipinaliwanag…

Read More

MAS MALAKING ALLOWANCE, HAZARD PAY SA HCWs

NANAWAGAN si Senator Joel Villanueva na palawigin pa sa susunod na taon ang pagbibigay ng dalawang special allowances para sa medical frontliners ng bansa sa ilalim ng 2022 national budget. Ayon kay Villanueva, nais niyang taasan pa ang alokasyon para sa Special Risk Allowance (SRA) at ang COVID-19 Active Hazard Duty Pay (AHDP) sa 2022 national budget para mas malaki ang mauuwing salapi ng mga healthcare workers na kumakalinga sa mga may sakit ngayong panahon ng pandemya. Kapag tinaasan ang laang pondo para sa SRA at AHDP, matatanggap ng mga…

Read More

Sa pagbawi ni Duterte sa moratorium PINOY MAPUPURDOY SA CASINO

HINDI malayong huhuthutin lang ng mga casino operator ang savings ng mga Filipino sa panahon ng pandemya matapos tapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang moratorium sa pagbibigay ng mga bagong lisensya sa mga casino. Ito ang ikinababahala ni Deputy Speaker Eddie Villanueva matapos kumpirmahin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tapos na ang tatlong taong moratorium sa pagbibigay ng lisensya sa mga bagong casino. Sinabi ng mambabatas na sobra ang pagtitipid ng mga Filipino sa panahon ng pandemya dahil walang kasiguraduhan kung kailan ito matatapos. “Sadly, allowing casinos…

Read More

KAHANDAAN SA ‘INDUSTRY 4.0’ MAHALAGA SA PAGBANGON NG BANSA

UPANG paigtingin ang pagbangon ng ekonomiya mula sa pinsala ng COVID-19, isinusulong ni Senador Win Gatchalian na maiangat ang kakayahan at kahandaan ng mga mag-aaral at manggagawa ng bansa para sa Fourth Industrial Revolution o Industry 4.0. Ani Gatchalian, dapat itong tutukan ng sektor ng edukasyon, kabilang ang mga paaralan sa K to 12, upang matiyak na may sapat na kakayahan ang mga mag-aaral para sa mga itinuturing na “jobs of the future,” lalo na’t maraming mga industriya ang gumagamit ng mas maraming teknolohiya para sa automation at digitalization. Ayon…

Read More

PAGLAGO NG PRODUKSYON NG NIYOG ISINUSULONG

DAHIL sa “matatandang” puno ng niyog na may bungang 40 nuts kada puno sa isang taon, isinusulong ni Senator Cynthia A. Villar na madagdagan ang produksyon nito. Iginiit ni Villar, chairperson ng Senate agriculture and food committee, na mas maraming niyog ang mae-export kapag tumaas ang produksyon nito. Upang makamit ang adhikaing ito, sinabi ng senador na naglaan ng P1 billion sa pagpapaunlad ng hybrid coconut seed farms at  nursery para sa pagtatanim at replanting. Ipatutupad ito ng Philippine Coconut Authority at ng Department of Science and Technology- Philippine Council…

Read More

ALVAREZ MAGTATAYO NG LONELY HEARTS CLUB

UPANG matukoy kung gaano karami ang mga Pinoy na hindi masaya sa kanilang buhay-may asawa, plano ng isang kongresista na magtatag ng grupo na tatawagin aniyang ‘Lonely Hearts Club’. Sa panayam ng mga mamamahayag sa Kamara kay dating Speaker Pantaleon Alvarez, kasunod ng matagumpay na annulment case na isinampa nito sa dating asawang si Emelita Apostol Alvarez, sinabi ng Davao del Norte 1st District Rep. na nais niyang malaman kung ilang Filipino ang hindi masaya sa pag-aasawa bilang suporta sa “absolute divorce” na ipinasa na sa committee level sa Kamara.…

Read More

P3-TRILLION ‘DI NAGAMIT NG GOBYERNO MULA 2017

HALOS tatlong trilyong piso ang hindi nagamit ng Duterte administration mula 2017. Ito ang napag-alaman mula kay House Deputy Minority Leader Carlos Zarate subalit ibinabaon umano ng gobyerno ang taumbayan sa utang tulad ng P200 billion na inutang noong 2020 para tugunan ang COVID-19 pandemic. Ayon sa mambabatas, umabot sa P334 billion ang savings o pondong hindi nagamit ng Duterte administration noong 2017; P373 billion noong 2019 at karagdang P286 billion noong 2020. Gayunpaman, noong 2020 ay umutang ang gobyerno ng $4 billion sa iba’t ibang financial institution tulad ng World Bank…

Read More

Babala ng BOC, hindi joke only KUMPISKADO NA, MAY ASUNTO PA!

MULING nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga magtatangkang magpalusot ng mga kargamento mula sa ibang bansa, kasunod ng pormal na pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga importers at customs brokers na pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng hindi bababa sa halagang P21.3-milyong imported na sasakyan sa bansa. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na bukod sa kumpiskadong kargamento, isinampa na din ng kanilang tanggapan sa Department of Justice ang kasong kriminal laban sa Desmo Trading kaugnay ng pagpasok ng dalawang jet skis, pitong mamahaling motorsiklo at dalawang…

Read More