HINDI bababa sa halagang P2.267 milyong misdeclared shipment na naglalaman ng mga brand new heavy equipment at spare parts mula sa bansang Tsina ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-POC) nito lamang nakaraang linggo. Hindi na nakuha pang makalayo ng nasabing kargamentong idineklarang segunda manong heavy equipment nang dumaan ito sa isang masusing inspeksyon gamit ang x-ray scanner ng kawanihan. Ayon kay acting District Collector Charlito Martin Mendoza, dumating sa bansa ang nasabing kargamentong mula pa sa bansang Tsina noong ika-17 ng Agosto. Aniya, agad naman…
Read MoreAuthor: admin 2
BODY CAMS KONTRA AREGLO
SA masidhing paghahangad na tuldukan ang sabwatan ng mga smugglers at ilang tiwali sa kanilang ahensya, minabuti ng Bureau of Customs (BOC) na gumamit ng mga body cameras para sa kanilang mga operatiba nang sa gayon ay matiyak ang integridad ng bawat operasyon ng naturang kawanihan. Sa isang symbolic turnover ceremony na ginanap sa Customs Operation Center kamakailan, binalaan din ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang sinumang magtatangkang umareglo o magpa-areglo sa mga operasyon ng kanilang kawanihan. Pormal na rin tinanggap ni Guerrero ang hindi bababa sa 200 body-worn…
Read MoreDROGA, NO WAY SA DAVAO PORT Ni JOEL O. AMONGO
SA layuning paigtingin ang kampanya ng administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot, nagsanib pwersa ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa isang joint surveillance inspection sa karagatan upang tiyaking walang droga o anumang iligal na kargamento ang maipupuslit sa rehiyon. Partikular na binabantayan ng Task Force Aduana na kinabibilangan ng tatlong nasabing ahensya ang Davao City Gulf hanggang sa karagatang sakop ng bayan ng Mati sa lalawigan ng Davao Oriental. Sa ilalim kasunduan, magkatuwang na nagpapatrolya ang BOC, PCG at…
Read MoreSinita ng COA GOV. SUAREZ TAGILID SA P102-M MISSING FUND
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KASONG malversation of public funds ang posibleng kaharapin ni Quezon Governor Danilo “Danny” Suarez makaraang lumabas sa ulat ng Commission on Audit (COA) na may nawawalang 102 milyong pisong pondo na dapat sana’y ginamit upang sugpuin ang pagtaas ng COVID-19 sa nasabing lalawigan. Kung mapatutunayang nawawala ang nasabing pondo, maaaring si Suarez ang kauna-unahang local chief executive na maparusahan ng pandarambong na naging dahilan ng paglala ng sitwasyon ng COVID-19 sa lalawigan. Sa tala ng Department of Health, nananatiling may pinakamataas na bilang ng biktima ng…
Read MoreOBRERO PINATAY SA KOTSE
CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang 39-anyos na construction worker na binaril sa loob ng kanyang kotse sa Bacoor City noong Linggo ng hapon. Isinugod sa Las Piñas City Medical Center ang biktimang si Ato Macalanga Abdullah, ng Brgy. Hagunog, Taguig City habang pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Jerome Mendoza, alyas “Jam Muslim” nasa hustong edad, ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalculin ng Bacoor City Police, dumating ang biktima sa Latero Greenvalley lulan ng puting…
Read More2 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MISAMIS ORIENTAL
DALAWANG kasapi ng communist New People’s Army ang napatay ng mga tauhan ni Philippine Army 4th Infantry Division commander, MGen. Romeo Brawner matapos ang kalahating oras na bakbakan noong Linggo sa Misamis Oriental. Bukod sa dalawang bangkay ng NPA na natagpuan sa encounter site ay may tatlong high powered firearms ang nasamsam makaraang masabat ng mga elemento ng 42nd Division Reconnaissance Company (DRC) na nasa ilalim ng 58th Infantry (Dimalulupig) Battalion ng 402nd Infantry Brigade, ang sampung armadong CPP-NPA members. Nabatid sa impormasyong ipinarating sa tanggapan ni MGen. Brawner, pinaniniwalaang mga miyembro ng…
Read MoreKAALITAN, NAPATAY NG KAGAWAD
CAVITE – Sumuko sa mga awtoridad ang isang barangay kagawad makaraang mapatay ang kanyang kaalitan nang pumutok ang baril habang pinag-aagawan nila sa Gen. Trias City noong Linggo ng hapon. Isinugod sa Gen. Trias Doctors Medical Hospital ang biktimang si Isaac Yusores Carallas, 33, ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Herminio Feranil, 43, ng Brgy. Buenavista 2, Gen. Trias City, isang incumbent barangay kagawad sa kanilang lugar. Ayon sa ulat ni Corporal Ruelord Magbitang ng Gen. Trias City Police…
Read More13,228 HULI SA PAGLABAG SA MECQ SA MAGHAPON
LAGUNA – Pumalo sa record-high na 13,288 ang kabuuang bilang ng mga nahuli sa loob lamang ng isang maghapon kaugnay ng samu’t saring paglabag sa modified enhanced community quarantine (MECQ) guidelines sa lalawigan. Kabilang sa mga nahuli ang 1,535 indibidwal na walang suot na protective face masks; 2,164 naman ang mga silat dahil sa hindi tamang pagsuot nito habang 4,262 ang walang face shields at 3,472 naman ang nasita dahil mistulang headband ang paraan ng pagkakasukbit nito sa ulo. Hindi pa rin naiiwasan ang pagsasagawa ng mass gathering sa probinsya…
Read MoreMGA NEGOSYANTE NAGKAISA PARA SA ‘BAKUNA BUBBLE’
NAGKAISA ang mga kinatawan ng mga negosyante sa planong pagpapatupad ng “Bakuna Bubble” na maaaring makatulong sa mga nagnenegosyo na hindi sila tuluyang bumagsak dahil sa epekto ng COVID-19 sa halos dalawang taong pananalasa nito. Ang meeting sa pamamagitan ng zoom nitong Lunes na pinangunahan ni Josephine Romero ng Go-Negosyo, ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang negosyo sa bansa. Kabilang sa mga ito ay mula business processing outsourcing (BPO), electronics, fast foods, malls, transport, retails, restaurant at maraming iba pa. Ayon kay Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship ni…
Read More