BISTADO ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark sa Pampanga ang P6 milyong halaga ng umano’y shabu na isiniksik sa isang package ng mga pang-export na CCTV cameras noong nakaraang Biyernes. Base sa report ng BoC, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa isang ‘export shipment’ na idineklarang “CCTV Camera at Video Recorder” subalit nadiskubreng naglalaman rin ito ng ilegal na droga na ipadadala sa Auckland, New Zealand. Dahil dito, hinarang ang naturang shipment at isinailalim sa pisikal na inspeksyon. Hanggang sa makita ang anim na pakete na naglalaman ng tinatayang…
Read MoreAuthor: admin 2
5th MOST WANTED NG MUNTI NASAKOTE
ARESTADO ang isang tsuper na wanted sa kasong robbery holdup sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Unit kasama ang Anti-Carnapping Unit at Intelligence Unit ng Muntinlupa City Police Station. Swak sa kamay ng mga operatiba ang isang Lloyd Villaspin nang matiyempuhan ito sa harap ng isang fast food restaurant sa border ng National Capital Region at lalawigan ng Laguna. Ang suspek, ayon sa pulisya ay kabilang sa most wanted person sa lungsod ng Muntinlupa para sa 3rd quarter ngayong taon. Inaresto si…
Read More‘OLYMPIAN MUSEUM’ HANGAD NG KAMARA
ISANG Olympian Museum ang isinusulong ngayon sa Kamara bilang pagkilala sa ibinigay na karangalan ng mga atletang Pinoy na sumabak sa 2021 Olympics kung saan humakot ng apat na medalya ang mga delegadong Pilipino. Sa panukalang House Bill No. 10096, o ang “Philippine Olympian Memorial Act” na inihain ni Deputy Speaker at Valenzuela City 2nd Dist. Rep. Eri Martinez, marapat lamang aniyang bigyan ng angkop na pagkilala sa karangalang naiuwi ng mga Pilipinong atleta tulad ni Hidilyn Diaz na nagbuslo ng kauna-unahang gintong medalya sa bansa bunsod ng panalo sa…
Read More9 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA
SIYAM ang patay sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area dahil sa pandemya sa COVID-19 batay sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, pito ang patay sa Malabon City at umakyat na sa 550 ang COVID death toll ng lungsod. Habang 145 ang nadagdag na confirmed cases noong Agosto 29 at sa kabuuan ay 17,020 ang positive cases sa lungsod, 1,083 dito ang active cases. Sa kabilang banda, 102 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 15,387 ang recovered patients ng Malabon. Isang COVID…
Read More2.3M QCITIZENS NAAYUDAHAN SA ECQ
NAKUMPLETO na ng Quezon City government ang kanilang distribusyon ng P2.48 bilyong financial assistance mula sa national government noong nakaraang Huwebes matapos magbigay ng limang araw na palugit sa deadline ang Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon sa lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon, ‘as of August 28, may kabuuang 2,339,420 individuals o 747,520 pamilya ang nakakuha ng kanilang P1,000 to P4,000 aid mula sa iba’t ibang distribution centers sa siyudad. Ang siyudad ay nagsimula na ring mamigay ng ayuda sa mga benepisyaryo na hindi pa nakakuha ang…
Read MoreLAHAT NG BENEPISYO NG HCWs IBIGAY NA – MARCOS
UPANG maiwasan ang malawakang pagbibitiw ng mga healthcare workers, marapat lamang na ibigay na ng pamahalaan hindi lamang ang special risk allowances (SRA) nila kundi ang lahat ng iba pang benepisyong sadya namang para sa kanila. Sa isang pahayag, naging masidhi ang pakiusap ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bunsod na rin bantang mass resignation ng Alliance of Health Workers (AHW). Ani Marcos, Jr., higit na kailangan ngayong tugunan ng gobyerno ang mga isyung kinasasadlakan ng mga HCW. Aniya, bagama’t ni-release na ng Department of Budget and Management (DBM)…
Read MoreCommunity quarantine naaabuso ng ilang pulis ‘SEX-FOR-PASS’ NAULIT SA BATAAN
INILARAWAN bilang ‘predators in uniform” ng isang mambabatas ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nanggagahasa umano ng mga quarantine violator tulad ng kaso sa Bataan. Bagama’t iniutos na ni PNP Director General Guillermo Eleazar ang pag-aresto at imbestigasyon, hiniling ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na gawin itong transparent lalo na’t marami umano sa “predators in uniform” ang hindi nakakasuhan. “While the investigation is a welcome development, we call on the Philippine National Police to be transparent in investigating VAW cases perpetrated by men in uniform. Hindi…
Read More2 arestado sa QC DANAO ‘OPS’ VS ILEGAL NA SUGAL
ARESTADO ang dalawang suspek sa dalawang magkahiwalay na operasyon kontra sa lahat ng uri ng ilegal na sugal sa Quezon City batay sa malawakang kampanya na inilunsad ng National Capital Region Police Office sa Metro Manila. Matatandaan, iniutos ni NCRPO chief, P/MGen. Vicente D. Danao Jr. ang pagtutok sa operasyon kontra ilegal na sugal bilang bahagi ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad habang patuloy na kumikilos ang pamahalaan kontra pandemya. Nagsagawa ng magkakahiwalay na operasyon ang Quezon City Police District Special Operation Unit (DSOU) sa nasasakupan…
Read MoreActive cases lagpas 7K 20 PATAY SA COVID SA CAMANAVA
NAKAPAGTALA ng 20 namatay dahil sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod, habang umabot na sa 7,139 ang active cases sa nasabing bahagi ng Metro Manila. Sumipa sa 1,255 ang total deaths sa Caloocan City hanggang 5 pm noong Agosto 28 mula sa 1,240, parehong oras noong Agosto 25, o karagdagang 15 casualties sa loob ng tatlong araw. Umigkas naman sa 2,841 ang active cases mula sa 2,521 sa loob din ng tatlong araw, o karagdagang 320 kaso.…
Read More