LAGUNA – Pansamantalang inilagay sa restrictive custody ang tatlong pulis mula sa San Pedro Police Station bunsod ng reklamong isinampa ng isang indibidwal na inaresto makaraang taniman umano ng droga sa isang operasyon sa nasabing lungsod kamakailan. Kabilang sa mga inisyuhan ng relief order at inilagay restrictive custody sina Lieutenant Jieelson Sierra ng San Pedro PNP Intelligence Unit, Corporal Froilan Flores Mungcal, at Pat Christian Reyes Benitez na kapwa miyembro ng Drug Enforcement Unit, kaugnay ng pagkakaaresto ng isang Rich Mark Hermosa sa Pacita-1 noong ika-23 ng Agosto. Ayon kay…
Read MoreAuthor: admin 2
CHINESE TIKLO SA RAPE SA EMPLEYADO
DINAKIP ng mga pulis ang isang Chinese national dahil sa umano’y pagmolestiya nito sa dati niyang empleyado sa bayan ng Mexico sa lalawigan ng Pampanga. Batay sa naantalang ulat ng Mexico Municipal Police Station sa Pampanga Provincial Police Office, ang suspek na si Yanlong Xu Chen, 36, ay dinakip noong Biyernes, Agosto 27, 2021. Si Chen, isang contractor sa Chinese firm na Nanzhu Construction Company, ay dinakip sa mismong bahay nito sa Barangay Anao sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Richard Gazzingan Evangelista ng Mexico-San Luis Municipal…
Read MoreTruck nawalan ng preno PAHINANTE TUMALON, PATAY
LAGUNA – Binawian ng buhay ang isang pahinante matapos na tumalon mula sa sinasakyang truck na nawalan ng preno sa Manila East Road sa bayan ng Mabitac, sa lalawigang ito, noong Sabado. Kinilala ang namatay na si John Paul V. Lara, 23, residente ng Barangay Mahabang Parang, Angono, Rizal. Ayon sa report, galing sa Rizal ang truck na sinasakyan ng biktima at patungo sa Laguna nang mawalan ito ng preno habang palusong sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Amuyong, Mabitac. Dahil sa takot, tumalon ang biktima ngunit una ang ulong tumama sa konkretong…
Read MorePasyente isusugod sa ospital SENIOR PATAY, 2 SUGATAN SA SUMALPOK NA KOTSE
CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 61-anyos na senior citizen na isusugod sa pagamutan habang sugatan at anak nito at ang driver makaraang bumangga sa poste ng ilaw at pader ang kanilang sasakyan sa Imus City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Imus City ang biktimang si Alejandro Tampus habang nilalapatan ng lunas ang anak nitong si Anna Jane Tampus Lagrio, 24, at ang driver ng Mitsubishi Lancer na may plakang TJS 302, na si Michael Dalida Borsal, 43, dahil sa sugat…
Read MoreIsa sa 3 suspek timbog sa PNP-PRO5 5 PATAY SA MASAKER
LIMANG kasapi ng isang pamilya ang walang-awang pinatay ng hinihinalang mga akyat-bahay noong Sabado ng gabi sa Barangay Tinapian, bayan ng Baleno, lalawigan ng Masbate. Agad namang nadakip nitong Linggo ng umaga ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ang isa sa mga suspek habang target ng malawakang manhunt operation ang dalawa pang suspek. Tigmak ng dugo nang matagpuan ang mag-asawang sina Jesus Adigue y Dino, 70, at Adela Cortes y Adigue, 67-anyos. Nadatnan ding wala nang buhay ang biyudang si Jennifer Adigue y Cortes,…
Read More14 CHINESE DINAMPOT SA SUGAL SA PAMPANGA
PAMPANGA – Labing-apat na Chinese nationals ang inaresto ng pulisya matapos mahuli sa aktong nagsusugal ng Poker sa Angeles City nitong Linggo ng umaga. Ayon kay PRO3 Police regional Director, P/BGen. Valeriano De Leon, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Regional Field Unit-Region 3, CIDG Provincial Field Unit-Pampanga, Police Station 2 & 5 ng Angeles City Police Office ang 2nd Floor ng Seven-Eleven sa Friendship Highway, Brgy. Pampanga, Angeles City, Pampanga makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na pasugalan na nagresulta sa pagkakadakip…
Read More‘Keep Glowing Strong’ with a glow bag and gadget giveaways at SM Aura and SM Southmall!
The pandemic may have gradually diminished your self-confidence, but it’s time to get your inner glow back! SM helps you reclaim your power and let your true beauty shine from within with exciting giveaway promos for selfcare enthusiasts (which should mean all of us!). Tech geeks are in for a special treat too – perfect timing for your online lifestyle upgrade. Drop by SM Aura Premier and SM Southmall and enjoy these special giveaways and exciting promos: Instantly take home a Glow bag. Giving yourself a little tender love and…
Read MoreKauna-unahang kaso sa Zambales 2 YEAR OLD BABY MAY DELTA VARIANT
NAKAPAGTALA ng kauna-unahang kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang lalawigan ng Zambales. Ito ang inihayag ni Governor Hermogenes Ebdane Jr., kasabay ng pagtukoy sa 2 taong gulang na sanggol mula sa bayan ng San Antonio. Ayon sa gobernador, lumalabas na asymptomatic ang sanggol sa kabila ng pagkaka-exposed nito sa kanyang ina, na isang nurse sa ospital sa Iba. Subalit napag-alaman na hindi na-exposed o negatibo sa coronavirus infection ang ina ng bata na siyang ipinagtataka ng mga awtoridad partikular ng provincial IATF. “Dahil meron kakaibang tingin doon sa bata,…
Read MoreTABANG BRIDGE BUBUKSAN NA SA PUBLIKO
INANUNSYO ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Bulacan First District Engineering Office na nakahanda nang buksan sa mga motorista sa Agosto 31 ang Tabang Bridge makaraang matapos na ang isinagawang total replacement and widening nito. Ayon kay Engr. Henry Alcantara, district engineer ng DPWH-Bulacan First District Engineering Office, pormal itong bubuksan sa publiko sa Martes (Agosto 31, 2021) matapos ang mahigit pitong buwang konstruksyon. Paliwanag ni Alcantara, ang pagkabalam ng pagbukas ng nasabing tulay ay sanhi ng nakaraang malakas na pag-ulan dulot ng bagyong “Fabian”, “Ang initial scheduled…
Read More