AWOL NA PARAK, 7 PA HULI SA DROGA

CAVITE – Tinatayang P170,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam makaraang madakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad ang walo katao, kabilang ang isang dating pulis, sa Bacoor City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Wilson Sabado, dating pulis na nakatalaga sa Southern Police District (SPD) ngunit nag-AWOL (Absence Without Official Leave) noong 2016; Jessie Aquino, 54; Alfredo Toledo, 50; Paul Harris Odivila, 36; Denmark Santianes, 23; Dennis Ayeras, 35; William Ducalang, 39, at Alexander Sementina, 33-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng…

Read More

COVID-19 PATIENTS, APAW NA SA LAGUNA

UMAAPAW na ang mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 sa Laguna, ayon sa Provincial Health Office. Sinabi ni Dr. Rene Bagamasbad ng PHO, halos tatlong beses o triple na ang itinaas nitong buwan ng Agosto ng bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit. Umabot na aniya sa 7,800 ang active cases mula 2,400 hanggang 2,500 kumpara noong mga nakaraang buwan. Nasa 80 porsyento ng may mild symptoms ang nananatili lamang sa kani-kanilang bahay na naging dahilan ng hawaan sa kanilang pamilya. Punong-puno na rin ng mga pasyente ang Regional Isolation Facility sa…

Read More

P1.7-M SHABU TIMBOG SA 2 BABAENG TULAK

ARESTADO ang dalawang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng nagsanib na mga operatiba ng PNP-DEG, RDEU5, Zapote sub-station at Las Piñas City Police sa Manuyo Uno, Las Piñas City noong Agosto 27. Kinilala ni Las Piñas City chief of police, P/Col. Rodel A. Pastor ang dalawang suspek na sina Kimberly Cruz Teves, 19, at Christine Joy Magdatu Caballero, 18, kapwa residente ng Las Piñas City. Nakumpiska sa dalawang suspek ang tinatayang 100 gramo ng shabu na P1,700,000 ang market value. Ayon sa report ni…

Read More

12-ANYOS NASAGIP SA HOSTAGE TAKER

NASAGIP ang isang 12-anyos na hostage mula sa isang lalaking armado ng patalim noong Biyernes ng gabi sa Caloocan City. Arestado naman ang suspek na kinilalang si Anthony Soriano y Ramos, 32, binata, ng Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan. Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi, nakatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya mula sa isang concern citizen hinggil sa hostage taking sa C3 Road, Barangay 14, Lungsod ng Caloocan. Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad at sa gitna ng negosasyon ay nakasilip ng pagkakataon ang isang pulis na maagaw ang…

Read More

9 PATAY SA COVID SA MALABON, NAVOTAS

LIMA ang binawian ng buhay sa Navotas City habang apat naman ang namatay sa Malabon City dahil sa COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Hanggang alas-11:59 ng gabi noong Agosto 26 ay 437 na ang COVID casualties ng Navotas, habang 1,265 ang active cases matapos na 53 ang gumaling ngunit 135 naman ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 13,963 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa naturang bilang ay 12,261 na ang gumaling. Umakyat naman sa 543 ang pandemic fatalities ng Malabon…

Read More

28 kawani positibo sa COVID NAVOTAS CITY HALL, 3 PANG GUSALI ISINARA

NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-196 Series of 2021 kaugnay sa pagpapatupad ng building lockdowns sa mga opisina ng pamahalaang lungsod kabilang ang city hall. Ito ay matapos matanggap noong Agosto 26 ang mga resulta ng malawakang COVID-19 swab testing ng mga kawani mula Agosto 23-28 at nabatid na umabot sa 28 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa pitong departamento, at posible pa umano itong madagdagan base sa dumarating na test results. Bunsod nito, ikinandado mula Agosto 27 dakong alas-12:00 ng madaling araw…

Read More

Binabalewala sa request na bakuna CAVITE GOB SUKO NA!

DISMAYADO na si Cavite Governor Jonvic Remulla kaugnay ng tila kawalan ng suporta ng national government hinggil sa hiling na bakuna para sa lalawigan. “I’am already beyond frustrated. Naka-ilang meeting na pero everytime we ask for vaccine support the answer is “we will get back to you”. Puro ganyan” pahayag ni Remulla sa kanyang social media post. “Matira ang matibay?  Beyond frustrated with low vaccine support from national government” ayon pa sa gobernador. Una nang sinabi ni Remulla na kung siya lang ang masusunod, mas nanaisin niyang karguhin ng lalawigan…

Read More

2 BOMBA NATAGPUAN SA CAVITE

CAVITE – Dalawang bomba ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Napag-alaman, natagpuan ang isang bomba sa bayan ng Amadeo habang sa bayan ng Maragondon naman ang isa pa. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Arvin Balbuena, isang tawag ang natanggap ng Amadeo Police Station mula kay Kagawad Noel Advincula Salaban at sinabing isang bomba ang natagpuang sa isang bakanteng lote sa Brgy. Salaban ng naturang bayan dakong alas-10:00 noong Huwebes ng umaga. Habang nahukay naman sa isang bahagi ng kalsada sa Brgy. Bucal 1,…

Read More

ISA NA NAMANG ABOGADO NILIKIDA

ISA na namang abogado ang hinihinalang nilikida ng mga hired killer makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanyang kotse sa Cebu City. Ayon sa ulat ng Cebu City Police Office, agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Atty. Rex Jose Mario Fernandez makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat, sakay ng kanyang kotse ang 64-anyos na abogado ngunit pagsapit sa R. Duterte St. sa Barangay Guadalupe ay dinikitan ito ng mga suspek at saka ilang ulit na pinaputukan. Hinihinalang biktima ng hired…

Read More