QUEZON – Namatay ang isang 15-anyos na dalagita at isang 4-anyos na batang babae sa nangyaring sunog na tumupok sa 39 bahay sa bayan ng Guinayangan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa report ng BFP Guinayangan, nangyari ang sunog pasado ala-1:00 ng madaling araw sa Barangay Manggagawa. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na pinagtulung-tulungang puksain ng mga kagawad ng BFP ng Guinayangan at ng mga karatig bayan. Ayon pa sa report, sa bahay ng mga biktima nagsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay dahil…
Read MoreAuthor: admin 2
BABAENG DRUG HIGH VALUE TARGET, LAGLAG SA PNP BICOL
NADAKIP ang isang babaeng drug high value target sa pinaigting na anti-narcotics operation ng PNP Bicol, sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (RPDEU5), sa isang videoke bar sa Purok 1, Barangay Masalong, Labo, Camarines. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, isang lady floor manager na kinilalang si Rosemarie Sevillena Padolina, 33-anyos, ng nabangit na lugar, ang nadakip ng kanyang mga tauhan sa isinagawang buy-bust operation. Nakuha mula kay Padolina ang isang pirasong selyadong pakete ng plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu na itinulak…
Read More2 RAPE SUSPECTS NALAMBAT NG PNP-PRO5
NALAMBAT ang isang truck driver na suspek sa panggagahasa sa isang 3-anyos na babaeng paslit, at isang magsasaka na ilang ulit umanong gumahasa sa isang dalagita, sa ikinasang magkahiwalay na manhunt operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5. Winakasan ng mga operatiba ng Naga City Police Office (NCPO) ang pagtatago sa batas ng suspek na kinilalang si Christian Clemente y Garia, 40-anyos, truck driver, binata, at residente ng Poblacion, Ragay, Camarines Sur. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, base sa record ng pulisya, iniwan umano…
Read More120 OCD staff, naka-quarantine USEC JALAD SAPUL SA COVID-19
HINDI pinalampas ng nakamamatay ng coronavirus disease maging ang opisyal at mga kawaning bahagi ng ahensiyang may mandatong tumugon sa oras ng kagipitan. Bukod kay National Disaster Risk Reduction Management Council executive director Undersecretary Ricardo Jalad, isinailalim na din sa mahigpit na quarantine ang 120 kawani ng Office of Civil Defense na pinangangasiwaan din ni Jalad. Sa isang pahayag, inamin ng Jalad na siya ding OCD administrator na siya’y nagpositibo, bagamat tiniyak ng opisyal na hindi maaapektuhan ang operasyon ng dalawang tanggapang kanyang pinamumunuan sa kabila pa ng pagliban ng…
Read MoreSa hostage taking sa Marikina jail JAIL OFFICER NA BINARIL NG 2 PRESO, PATAY NA
NAMATAY na ang jail officer na binaril ng dalawang preso sa nangyaring hostage taking sa Marikina City Jail noong Huwebes. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ang jail officer na hindi muna pinangalanan ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ayon kay Marikina City Police Office Director Police Col. Benliner Capili, tinamaan ng bala sa tiyan ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito. Isa pang jail officer na binaril din ng dalawang hostage taker ang patuloy na ginagamot…
Read MoreSa anomalya sa SAP distribution TSERMAN, KAGAWAD, EX-O, DRIVER ARESTADO
NAHAHARAP sa kasong malversation of public funds ang isang barangay chairman, ang isang kagawad, ang barangay Ex-O, at ang kanilang driver, dahil umano sa paglustay sa Social Amelioration Program (SAP) cash aid at pamemeke ng mga dokumento sa Sta. Mesa, Manila. Bunsod nito, inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District- Special Mayor’s and Reaction Team (SMaRT), kasama ang mga tauhan ng MPD-Station 8, si Mario Simbulan y Ferrales, 73, punong barangay sa Brgy. 608, Zone 61, sa Distrito VI, at residente ng 217-C Bagumbayan St., Sta. Mesa. Timbog din ang mga kasabwat…
Read More50% ng POPULASYON NG ILANG BARANGAY SA QC, NAGLAHO?
UMAPELA ang Quezon City government noong Huwebes sa Philippine Statistics Authority (PSA) para i-validate ang kanilang 2020 census matapos iulat ng ahensya na ang populasyon ng siyudad ay tumaas lamang ng 23,932 mula 2015 hanggang noong nakaraang taon. “Napaka-imposible ng resulta ng census na ito. Paanong nangyari na ganun lang ang itinaas ng aming populasyon, na malayung-malayo sa datos na nakalap ng aming Civil Registry Department,” ani Mayor Joy Belmonte. Tinutukoy ni Belmonte ang 2020 census ng PSA, na kung saan ay nakalagay na ang city’s population ay tumaas lamang…
Read MoreBAWAT PINOY MAY UTANG NA P102K
BAWAT Filipino ay may utang na P102,400 kasama na ang mga bagong silang, matapos mabaon sa utang ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang nabatid mula kay House Deputy Minority Leader Carlos Zarate matapos kumpirmahin ng economic managers ni Duterte sa pagdinig ng House Committee on Appropriation sa P5.024 trillion na pondo ng gobyerno sa 2022, na umabot na sa P11 trillion ang utang ng bansa. “The Philippines has a National Debt Record of P11.071 trillion as of May 2020, may P102,440 na pagkakautang ang bawat…
Read MoreILANG QC HOSPITAL FULL CAPACITY NA
ILANG mga pampublikong ospital sa lungsod ng Quezon ang nagdeklara na ng full capacity dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease sa Metro Manila. Kabilang sa mga ospital na nagdeklara ng full capacity ay ang Rosario Maclang Bautista na sumunod sa Quezon City General Hospital. Sumirit naman sa 135 porsyento ang occupancy rate ng COVID-19 ward ng Novaliches Hospital. Kasalukuyang may 62 kumpirmadong COVID-19 patients ang nasabing ospital at punuan na rin maging sa wards nila para sa COVID-19 persons under investigation (PUIs). Sa abiso na inilabas ng…
Read More