Pinangunahan nina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, at MMDA Chairman Benjamin Abalos, Jr., ang isang talakayan kaugnay sa pinakahuling ulat sa lockdown na ipinapatupad sa National Capital Region (NCR) upang epektibong magamit ang modified enhanced community quarantine (MECQ) nang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa Metro Manila. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal sa pamahalaan at mga alkalde sa Metro Manila, at pinanuod ng humigit sa 100,000 na mga audience sa iba’t ibang online platforms. Kamakailan, ipinanukala ni Concepcion na payagan lamang ang mga…
Read MoreAuthor: admin 2
OCD CENTRAL OFFICE SA CAMP AGUINALDO NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM sa lockdown ang tanggapan ng Office of the Civil Defense (OCD) sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City matapos magpositibo sa COVID-19 ang mahigit 100 tauhan. As of 7pm Huwebes ng gabi, kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal na nasa kabuuang 116 na tauhan ng OCD ang nagtataglay ng nakamamatay na virus infection. Ayon kay Timbal, ang 116 na nagpositibo ay mula sa 218 na kanilang isinalang sa covid test makaraang unang magpositibo ang dalawa nilang tauhan. Nasa 80 percent naman…
Read MoreBANTANG PAGBIBITIW ITINULOY NG MGA NARS
HINDI nagpatinag ang mga healthcare worker sa pakiusap ng Department of Health kaugnay ng kabiguan ng nasabing kagawaran na ibigay ang kanila matagal nang hinihintay na hazard pay at special risk allowances. Bilang pambungad, 23 nurse na nakatalaga sa Emergency Department ng Saint Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City ang sabayang nagbitiw na lubhang ikinabahala ng mga namamahala sa nasabing pribadong pagamutan. Mula sa 66 na nars sa kanilang ER, 43 na lamang ang naiwanan, dahilan upang lubos na mangamba ang pamunuan ng naturang ospital na hindi na halos…
Read MoreDahil sa budget cut sa Comelec SAHOD NG BEI SASABIT
DISMAYADO ang Commission on Elections (Comelec) na ginawang pagtapyas ng kanilang operating budget para sa 2022 general elections. Mula sa panukalang P41.992 bilyon, nauwi sa P26.497 bilyon lamang ang ipinasok ng Department of Budget and Management (DBM) sa isinumiteng 2022 National Expenditure Program. Ayon kay Director James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, isang malaking dagok ang pwedeng idulot ng pagbabawas sa kanilang P41.992 bilyong proposed budget sa darating na eleksyon lalo pa’t masyado aniyang malaki ang kailangan para matustusan ang Board of Election Inspectors (BEI) na pangunahing maaapektuhan ng naturang budget…
Read MoreMASONGSONG KASUHAN
IPINAG-UTOS ng Office of the President (OP) sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na sampahan ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman ang sinibak sa puwestong si National Electrification Administration (NEA) administrator Edgardo Masongsong. Ito’y may kaugnayan sa diumano’y paggamit ng public funds para sa pulitikal na hangarin. Nagbigay ng direktiba ang OP sa PACC matapos na matuklasan na si Masongsong “acted in flagrant disregard of rules” nang makailang ulit itong mabigo na tutulan ang patuloy na financial support ng mga electric cooperatives para sa political activities ng Philippine Rural…
Read MoreAngara sa DOH BENEPISYO NG HEALTH WORKERS IBIGAY
IPINALIWANAG ni Senador Sonny Angara sa Department of Health (DOH) na bukod sa special risk allowance, mayroon pang hazard allowance ang lahat ng healthcare workers na nakatakda sa batas bilang frontliners sa paglaban sa COVID-19. Sa pahayag, tinukoy ni Angara ang Section 21 ng Republic Act 7305 o ang Magna Carta of Public Health Workers, na nagsasabing tuwing may pandemya, mayroong hazard allowance ang health frontliner sa pamahalaan na katumbas ng 25% ng buwang sahod nila sa tumatanggap ng salary grade 19 at pababa at 5% sa health workers na…
Read MoreMALABO NA SI SARA
“ONLY one Duterte will run.” Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa sinabi ni Pangulong Duterte na tatakbo na siya bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022. “Because, you know, the President’s stand remains – delicadeza dictates that only one Duterte will run. So, since only one Duterte will run and in his perception, Mayor Sara will not run, then he can run for vice president,” ayon kay Sec. Roque. Subalit, biglang bawi naman ito nang sabihin na “nothing is final until October” kung talaga ngayong itutuloy ng pangulo ang…
Read MoreVP RUN NI DIGONG TINIYAK NG PALASYO
TATAKBO na bilang bise-presidente si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Eleksyon 2022. Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang virtual press briefing nitong Huwebes. “As of 5:46 kahapon po ng hapon ito po ang huling mensahe ng presidente tungkol sa issue ng pulitika, “things are clear now, will run as vice president,” diing pahayag ni Sec. Roque. Sinabi ni Sec. Roque na tatakbo ang pangulo bilang bise presidente dahil sa kanyang mga unfinished business, laban sa korapsyon at ilegal na droga. Nauna rito, kinumpirma ng Malakanyang base…
Read MoreQC BUSINESSMEN PABOR SA BAKUNA BUBBLE
UMANI ng suporta sa grupo ng mga negosyante sa Quezon City ang panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na magtalaga ng COVID-19 safe zones kung saan tanging mga bakunado ang papayagang pumasok sa malls, restaurants at iba pang business establishments. Ayon sa QC Advocates for Responsible Entertainment and Sports + Gaming and Wellness (QCARES+GaW), hindi na kailangan ng batas sa usapin na mga bakunado lang ang papayagang pumasok sa isang establisimyento. “Any establishment has the right to reject customers. Usapan lang ‘yan walang papel. Dapat police own ranks…
Read More