3 SABUNGERO NABITAG SA MALABON

ARESTADO ang tatlong sabungero nang salakayin ng mga pulis ang isang tupadahan sa Malabon City nitong Martes ng umaga. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang mga arestado na sina Heroly Magmay, 53, tricycle driver; Armando Malate, 39, fish vendor, at Joshua Bondad, 21, batilyo, pawang ng Barangay Longos. Ayon sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Michael Oben, nakatanggap ng ulat ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon Police mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) informant hinggil sa illegal cockfighting activities na kilala…

Read More

DRUG GROUP LEADER NALAMBAT SA NAVOTAS

NASAKOTE ng Navotas City Police ang sinasabing lider ng isang drug group at nangunguna sa talaan ng most wanted persons ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Kinilala ang dinakip na si Ryan Jay C. Castillo alyas Bandam, binata, 25, istambay, ng Sitio Greenhills, Brgy. Balinggayan, Calapan Oriental Mindoro. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon noong Agosto 18 nang madakip si Castillo sa Sitio Greenhills, Barangay Balinggayan, matapos ang ilang linggong masusing pagmamatyag. Bukod sa pagiging pinuno ng Castillo drug group at most wanted person ng DILG, suspek…

Read More

Natakasan ng 3 preso KAWIT POLICE CHIEF, TAUHAN SIBAK

CAVITE – Nahaharap sa kasong command responsibility, administratibo at kriminal ang hepe ng Kawit Police Station at duty jailer makaraang makapuga ang tatlong preso mula sa Custodial Center ng Kawit Police Station sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ipinag-utos ni Regional Director B/Gen. Eliseo Cruz ang pagsibak kina P/Major Joel Palmares, chief of police ng Kawit MPS, at P/SSgt. Ryan de Guzman, duty jailer, dahil sa insidente. Bukod sa pagkakasibak sa pwesto, mahaharap din si Palmares sa kasong administratibo para sa command responsibility habang kasong…

Read More

KAMPANYA VS KRIMINALIDAD PINAIGTING NG PNP-PRO5

MAS pinaigting ng PNP Police Regional Office 5 ang kampanya kontra kriminalidad bunsod nang matinding pagnanais na isulong ang mas ligtas at progresibong komunidad sa iba’t ibang lugar sa rehiyong Bicol. Ayon kay Bicol PNP Regional Director Police Brig. General Jonnel C. Estomo, mas bibigyan ng tuon ang paglulunsad ng iba’t ibang inisyatibo upang supilin ang kasamaan at karahasan sa buong rehiyon. Patunay rito ang mga natatanging tagumpay na nakamit ng PNP Bicol noong nakaraang linggo, Agosto 15 hanggang 21, 2021 sa kampanya kontra kriminalidad. Kabilang dito ang kampanya kontra…

Read More

PASLIT NATUSTA SA POSPORO

LAPU-LAPU CITY – Natusta ang isang 4-anyos na babaeng paslit nang sumiklab ang apoy dahil sa pinaglaruan nitong posporo sa kanilang bahay sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Candice Pailden, 4, residente sa Sitio Cadurong Suba Masulog, Barangay Basak, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng Lapu-Lapu City Fire District, nagsimula ang apoy sa bahay ng pamilya Pailden noong Lunes ng madaling-araw. Kuwento ng ina na si Malou Pailden, huli niyang nakita ang anak na may hawak na posporo at nilalaro nito hanggang sa nakatulog. Ngunit makalipas ang…

Read More

KUYA TIGOK SA SUNTOK

CEBU – Basag ang bungo ng isang lalaki nang humampas sa semento ang ulo makaraang bumagsak dahil sa suntok ng kanyang kapatid habang nagtatalo sa bayan ng Labangon, iniulat ng pulisya nitong Martes. Kinilala ang biktimang namatay na si Michael Cabansay, 52, habang nadakip naman ang suspek at kapatid na si Cromwell Cabansay, 50, kapwa residente sa Upper Greenbelt, Quiot ng nasabing bayan. Batay sa report ng Labangon Police Station, dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa bahay ng magkapatid na Cabansay. Ayon sa ulat, nagkaroon ng hindi…

Read More

LOCKDOWN

IKA-five hundred twenty-eight (528) community quarantine days na ngayon ngayong araw mula nang magpatupad ng iba’t ibang uri ng quarantine measures ang gobyerno noong Marso 17, 2020 dahil sa pandemya sa COVID-19. Tayo na ang may pinakamahabang lockdown sa buong mundo at tayo ang may pinakamahigpit na health protocols dahil tayo lamang ang nagsusuot ng face shield sa balat ng lupa. Warat na warat na talaga ang mga tao sa pandemyang ito lalo na ang mga manggagawa sa pribadong sektor dahil sa on and off na pagtatrabaho nila at on…

Read More

KUNG MAY SOLID NORTH SA ILOCANDIA, MAY SOLID WARAY NAMAN SA SAMAR AT LEYTE

KUNG sa Ilocandia ay may Solid North sila, mayroon din namang ipinagmamalaki ang mga taga-Samar at Leyte na Solid Waray para kay Bongbong Marcos (BBM). Hindi po lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na ina ni BBM, ay nagmula sa Olot, Leyte na Waray rin ang lengguwahe. Ang Samar ay binubuo ng Eastern, ­Northern at ­Western Samar na ­naidugtong sa Tacloban, Leyte sa pamamagitan ng San Juanico Bridge na ipinagawa ni ­Pangulong Ferdinand Marcos. Kaya ang Samar at ilang parte ng Leyte…

Read More

20-DAY BREAK NG MALAMPAYA KASADO NA

HANDA ang pamahalaan sa 20-day break ng Malampaya Gas Field simula Oktubre 2 hanggang 22. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa kabila ng kahandaan ay may kaakibat naman itong magandang balita na sa pagsasara ng Malampaya sa Oktubre ay hindi naman aniya nasa “peak” ang demand ng elektrisidad dahil ang mataas aniyang demand ng elektrisidad ay sa panahon ng tag-init kung saan ay gumagamit ng airconditioning at mga bentilador. “So, inaasahan po natin na hindi naman po maaapektuhan ang ating supply ng ating kuryente at dahil dito, hindi maaapektuhan…

Read More