KAMPANTE si Philippine National Police chief Guillermo Eleazar sa kalalabasan ng isinasagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng naganap na misencounter sa pagitan ng mga operatiba ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency nito lamang nakaraang Pebrero sa Quezon City. Una nang nagpahayag ang Department of Justice na isasara na nila ang pagsisiyasat hinggil sa madugong enkwentro kung saan nasawi ang apat katao kabilang ang dalawang pulis, isang PDEA agent at ang mismong impormante. Ayon naman sa NBI, isusumite na nila kay Justice Secretary Menardo Guevarra…
Read MoreAuthor: admin 2
AYUDA SA NCR, 70.29% NANG NAIPAMAHAGI
INIULAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyon mula sa P11.25 bilyong ayuda para sa enhanced community quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR). Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals sa Kalakhang Maynila. Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalim ng ECQ, itinuturing na “strictest health protocol”, mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang hawaan ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) Delta variant na sinasabing mapanganib na kumalat sa…
Read MoreWANTED SA LA UNION, TIMBOG SA KYUSI
MULA sa La Union, naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 44-anyos na lalaking 5 taon nang wanted sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, sa pinagtataguan nito sa Quezon City, iniulat ng pulisya. Kinilala ni P/Lt. Col. Evangeline Cayaban, commander ng MPD-Station 5, ang suspek na si Reynaldo Sordilla y Moden, residente ng Jose Caba, La Union. Batay sa ulat ni Lt. Veronica Apresurado ng Warrant and Subpoena Section ng MPD-Station 5, bandang alas-12:10 ng hapon noong Linggo, nang isilbi…
Read More3 BINATILYO NAGUTAY SA TREN NG PNR
PATAY ang tatlong magkakaibigang binatilyo nang masagasaan ng dambuhalang tren, kabilang ang isang naputulan ng ulo, habang binabaybay ang kahabaan ng riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Sta. Mesa, Manila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Alfred Visagar, 17, ng Bagumbayan, Bacood; Jayvee John Luna, 16, ng V. Francisco, at Rico Devilla, 17, ng Peralta St., pawang sa Sta. Mesa, Manila. Base sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), bandang alas-6:25 ng gabi nang mangyari ang insidente sa riles ng PNR na sakop ng Anonas…
Read MoreMas mabuting pakinabangan KUMPISKADONG AKLAT PARA SA MGA MUSLIM
HINDI hinayaan ng Bureau of Customs-Port of Subic na masayang ang mga kumpiskadong kargamentong sa tingin nila’y mas makabubuting ipamahagi na lamang ito sa mga higit na nangangailangan. Katunayan, napagpasyahan ng nasabing kawanihan na ibigay na lamang nito sa National Commission on Muslim Filipinos(NCMF) ang sandamakmak na aklat na tumatalakay sa pananampa latayang Islam para sa mag-aaral na higit na karapat-dapat na makinabang sa mga kumplikadong kargamento. Sa isang kasunduan, inilipat ng BOC-Port of Subic ang iba’t ibang kumpiskadong aklat sa NCMF-North Luzon na siyang mangangasiwa sa pagpapamahagi nito sa…
Read MoreBALIKBAYAN BOXES MAKUKUHA NG MAY-ARI
PITONG buwan mula nang abandonahin ng isang forwarding company ang mga balikbayan boxes, nagpasya ang Bureau of Custom-Port of Manila na himayin ang mga kargamentong naka-consign sa isang Jenrich Fast Cargo sa bilang tugon sa kahilingan ng mga claimants na makuha na ang mga ito. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC-Port of Manila na nagbuo na ang kanilang tanggapan ng isang task group na mangangasiwa sa processing at release ng abandoned shipment ng Jenrich Fast Cargo mula pa noong Pebrero ng kasalukuyang taon. Ayon sa kawanihan, ang stripping activity ay…
Read MoreEXPRESSLANE SA 3.8M BAKUNA
HINDI bababa sa 3.8-milyong bakuna ang dumating sa pambansang paliparan ang agad na nai-proseso at ini-release ng Bureau of Customs upang tiyakin ang mabilis na pagsasakatuparan ng target ng gobyernong herd immunity bago matapos ang taon. Pangako ng BOC-NAIA, hindi mababalam ang pagpasok ng mga bakuna sa bansa, kasabay ng pahayag na nito lamang nakaraang Agusto 18, 19 at 20, mabilis nilang nai-proseso ang mga hindi bababa sa 3.8-milyong doses ng bakuna – kabilang ang 313,560 doses ng Pfizer-BioNTech, 3M doses Sinovac at 582,500 doses ng AstraZeneca para sa Department…
Read MoreMONEY LAUNDERING TUTUTUKAN NG BOC
MAS mahigpit na tututukan ng Bureau of Customs ang Cross-Border Transfer of Local and Foreign Currencies sa layuning tuldukan ang mga tangkang pagpupuslit ng mga perang higit pa sa pinahihintulutan sa batas. Sa isang webinar kaugnay ng “Importation and Exportation of Local and Foreign Currencies” na inorganisa ng Public Information and Assistance Division, tinalakay ng BOC, Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga istratehiyang ipatutupad para palakasin ang kampanya kontra sa tangkang pagpupuslit ng mga local at foreign currencies sa bansa. Anila, higit na…
Read MoreOFW SINUSURENDER SA POLO PARA SA LIBRENG REPATRIATION FLIGHT
SUNOD-SUNOD na sumbong ang aking natanggap mula sa mga OFW na nakatapos na ng kontrata at gustong umuwi sa Pilipinas. Dahil sa napakataas na presyo ng tiket ng eroplano pauwi ng Pilipinas, ay napakaraming mga employer ang hindi pumapayag na umuwi ang kanilang kasambahay. May ilan pa nga na employer na nagbibigay lamang ng halagang 1,500 Saudi Riyals para pambili ng tiket at ang ano mang kulang ay ipinasasagot na sa kanilang kasambahay. Pero may mga employer na kasabwat pa ang kanilang ahensya na sobrang tuso na pinatatakas patungo sa…
Read More