BAKUNADONG OFWs PWEDE NA SA HK

TULUYAN nang pinahintulutan ng pamahalaan ng Hong Kong ang pagpasok ng mga overseas Filipino workers sa kondisyong fully-vaccinated na ang mga ito. Kinumpirma mismo ng Department of Labor and Employment ang naging pasya ng pamahalaan ng Hong Kong bagamat may mahigpit na kundisyon – kailangan makapagprisinta ang isang OFW ng COVID-19 vaccine certificate na mula sa Bureau of Quarantine. Ani Bello, simula Agosto 30, mag-uumpisa nang tumanggap ang nasabing bansa ng mga manggagawang Pilipino. Sa tantiya ng Kalihim, hindi bababa sa 3,000 OFWs ang nakatakda na sanang bumalik sa Hong…

Read More

AUDIT REPORT NG COA PINABABAGO NI DUTERTE

PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) na “reconfigure” o muling ayusin ang audit reports nito hinggil sa mga ahensiya ng pamahalaan matapos na agarang magpahayag na mayroong nagyaring iregularidad o kaduda-dudang paggasta. Natuklasan kasi ng COA ang paraan ng pamamahala ng Department of Health sa P67.32 bilyon sa mga pondo ng pagtugon sa COVID-19. “Alam ko walang malisya. You are just doing your duty,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, araw ng Sabado. “But in making the report, kindly reconfigure everything and…

Read More

70M Pinoy pa hindi bakunado PINAS NGANGA SA HERD IMMUNITY

INAMIN ni Presidential spokesperson Harry Roque na malayo pa ang tatahakin ng bansa bago makamit ang herd immunity. Ito’y dahil sa may 70 milyon pang mga Filipino ang kinakailangang bakunahan. “At ang ating leksyon na natutunan sa mga nakalipas na limang taon, kapit-bisig, bayanihan, kakayanin natin ito,” ani Sec. Roque sa kanyang naging mensahe sa idinaos na 30 Million Jabs and Counting, An Update on the National Vaccination Rollout na isinagawa sa 3rd Level ng SM City sa San Mateo, Rizal. Aniya, noong unang araw ng Marso nang magsimula ang…

Read More

Sa daming mga nasasawi CREMATION PILA NA RIN

LAGUNA – Kasabay ng paglobo ng bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19, dumarami na din ang mga pumapanaw, sukdulang hindi na ito kayanin ng mga crematorium sa lungsod ng Biñan kung saan pila na din maging ang pagsunog sa mga bangkay. Bilang tugon ng pamahalaang lungsod ng Biñan, agad naman itong bumili ng isang dambuhalang freezer kung saan umano pansamantalang ilalagak ang mga labi ng mga pumanaw dahil sa COVID-19. Paliwanag ni Mayor Alfredo Dimaguila, hindi na kinakaya ng kanilang crematorium ang mabilis na pagdating ng mga labing…

Read More

LALAKING BEDRIDDEN NATUSTA SA SUNOG

QUEZON – Halos hindi na makilala ang isang lalaking bed ridden makaraang makulong sa nasunog niyang kubo sa Brgy. Villa Ibaba, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Atimonan Police, mag-isang natutulog sa kanyang kubo ang biktimang si Francisco Gonzales Ortiz nang makita ng mga kapitbahay na nagliliyab ito. Mabilis na natupok ang kubo na gawa lamang sa pawid at kawayan. Nang maapula ang apoy ay nadiskubre ang sunog na katawan ng biktima. Isang improvised flashlight na ginagamit ng biktima ang pinaniniwalaang…

Read More

SANGKOT SA PAIHI MODUS, ITINUMBA

LUCENA CITY – Patay ang isang lalaking ay sangkot umano sa ilegal na pagbebenta ng diesel o krudo matapos tambangan ng riding in tandem suspects habang sakay ng kanyang kotse sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ng pinatay na si Ferdinand Gerbas Gallioso, 40-anyos, residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City. Batay sa report ni P/SSgt. Jeruel Siorez ng Lucena PNP, minamaneho ng biktima ang kanyang puting kotseng Mitsubishi Lancer may plate TJA 631, at tinatahak ang ECO Tourism Road patungo sa direksyon ng Batangas ngunit pagsapit sa…

Read More

MAG-IINA PINATAY SA SELOS, AMA NAGBARIL SA SARILI

NEGROS OCCIDENTAL – Kaawa-awa ang mag-iina nang pagbabarilin ng kanilang padre de pamilya dahil sa matinding selos at pagkaraan ay nagbaril din sa kanyang sarili sa lungsod ng Himamaylan sa lalawigang ito, iniulat ng pulisya nitong Lunes. Kinilala ang mga biktimang sina Mary Rose Egca, 24; anak niyang isang taon gulang na babae at pitong buwang sanggol na lalaki, habang ang ama ay si Raymundo Diaz, 59-anyos, negosyante, pawang mga residente sa Greenland Subdivision, Brgy. 4, Himamaylan City, Negros Occidental. Batay sa report ng Himamaylan City Police Station, dakong alas-6:00…

Read More

NPA ASST. SQUAD LEADER SUMUKO SA SAMAR

MAKARAAN ang engkwentro kamakailan sa pagitan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at teroristang/komunistang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Osmeña, Dolores, isang sugatang NPA assistant squad leader ang sumuko sa mga awtoridad sa nasabing lalawigan. Kinilala ang sumuko na si Norie Pacismos y Abadiado, alyas “Good”, miyembro ng Squad 1 ng ELCON Platoon, F3, SRC SESAME, EVRPC, at tubong Brgy. Ang Can-aponte, San Jose De Buan, Samar. Sa pamamagitan ng aktibong suporta ng pamayanan sa Dolores, Eastern Samar sa mga awtoridad, kusang sumuko ang nasabing…

Read More

LAGUNA GOV, SEN. LAPID, USEC CANDA NA-COVID

PAWANG nagpositibo sa COVID-19 sina Laguna Governor Ramil Hernandez, Senador Manuel “Lito” Lapid at Department of Budget and Management (DBM) officer in charge, Usec. Tina Rose Marie Canda. Sa isang social media post, inamin ni Hernandez na maging siya ay kinapitan ng nakamamatay na virus base na rin sa resulta ng kanyang RT-PCR test. Aniya, bagamat asymptomatic ang kanyang estado, mas minabuti pa rin umano niyang mag self-quarantine nang sa gayon ay wala nang iba pang dapuan ng sakit na mayroon siya ngayon. Gayunpaman, tuloy pa rin ang kanyang trabaho…

Read More