P1.61-B deal sa 2022 election hihimayin sa Senado ‘BATA’ NI DU30 PASOK NA SA COMELEC

LUBHANG naalarma ang oposisyon sa kahihinatnan ng 2022 general elections makaraang maibuslo ng kumpanyang pag-aari ng isang campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata para sa procurement at deployment ng election equipment na gagamitin sa darating na halalan. Bagamat nakapiit pa rin sa kasong may kaugnayan sa droga, nakuha pa ring maghain ng isang resolusyon ni Senator Leila de Lima na ang hangad ay ipabusisi sa mga kapwa senador ang aniya’y transaksyong maglalagay bahid sa integridad ng halalan. Partikular na pinabubusisi ni de Lima sa Senado ang pinasok na…

Read More

PACMAN KAMPEON PA RIN

MANANATILING “People’s Champ” si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao kahit natalo siya sa kanyang laban kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mananatiling matatag at hindi matitinag ang suporta ng publiko sa boxing career ng tinaguriang Pambansang Kamao. “The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ayon kay Sec. Roque. Samantala, pinasalamatan naman ni Senador Bong Go si Pacquiao sa ipinamalas nitong tapang sa laban nito kay…

Read More

Pinatitiyak ng solon sa PNP MABILIS NA HUSTISYA SA SALAMIDA MURDER

IPINATITIYAK ng isang senador kay Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar na makakamit ng pamilya ng pinaslang na dating tabloid editor ang hustisya at agad madakip ang mga nasa likod ng krimen. Kasabay nito, kinondena ni Senador Leila M. de Lima ang brutal na pagpatay kay Gwen Salamida sa loob ng pag-aari nitong salon noong Martes sa lungsod Quezon. Si Salamida ay bahagi ng pahayagang SAKSI Ngayon bilang advertising manager. “Mariin nating kinokondena ang isa na namang karumal-dumal na pagpatay sa kawani ng media. Kailangang magsagawa ng mabilis at…

Read More

Execs palulutangin ni Defensor sa Kamara FB ‘BATTLEGROUND’ SA 2022 ELECTION

IPATATAWAG ni Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor ang mga executive ng Facebook (FB) sa Pilipinas para linawin ang censorship guideline na ipinatutupad ng mga ito. Sa ilalim ng House Resolution (HR) 2112 na inakda ni Defensor, nakasaad na magiging battleground ng mga politiko ang social media lalo na ang Facebook sa paparating na halalan dahil limitado ang pangangampanya dulot ng pandemya. Dahil dito, kailangan aniyang linawin ng FB ang mga polisiya sa pag-censor sa mga post ng FB user’s dahil posibleng nasasagasaan ng mga ito ang freedom of expression. “We…

Read More

SIPAG WEBINARS NAGHAHATID NG PAG-ASA SA PANAHON NG PANDEMYA

DAHIL sa mga hamon ng pandemya, gumagamit ang Villar SIPAG ng social media platforms para makonek at maabot ang mas maraming tao sa pagtuturo at pagbibigay ng kaalaman sa native animal production. Nakipag-partner ang Villar SIPAG,  kung saan director si Sen. Cynthia Villar, sa Bureau of Animal Industry (BAI) at National Swine Poultry Research and Development Center (NSPRDC ) para sa proyektong ito. Sa kabila ng maraming hamon sanhi ng pandemya, sinabi ni Villar na kailangan nating maging “creative” upang magkaroon tayo ng sariling pagkain. Idinaos ang katatapos lamang na…

Read More

MANNY PACQUIAO: THE GREATEST BOXER

NABIGO man na mabawi ang WBA super-welterweight belt mula kay Yordenis Ugas ng Cuba, para sa kolumnistang ito at sa halos lahat ng mga Pilipino, mananatili si eight-division champ Manny Pacquiao bilang ‘The Greastest Boxer’ sa kasaysayan ng isport. Sabi ng ilang kritiko, ang resulta ng laban nina Pacquiao at Ugas ang magpapatibay sa pamanang iiwan ng Pambansang Kamao. Na para bang ang mga nagawa ng Fighting Senator sa nagdaang mahigit dalawang dekada  ay hindi pa sapat para siya ay ibilang sa mga dakilang boksingero sa mundo. Sino bang boksingero,…

Read More

MAGSAYO ‘MAGNIFICO’ SA KO SA MEHIKANO

NAG-IPON ng lakas at hangin si Mark “Magnifico” Magsayo upang umiskor ng 10th round knockout laban kay Julio Ceja ng Mexico sa undercard ng Pacquiao-Ugas fight. Bumagsak si Ceja sa first round mula sa straight ni Magsayo. Nakatayo ang Mexican at sinimulang targetin ang bodega ng Pinoy boxer. Pagdating sa 5th round, habang bumabato ng suntok sa katawan si Ceja, nabigwasan nito si Magsayo sa panga, bagsak ang Pinoy. Hindi nagbago ang takbo ng laban hanggang 9th round, kung saan panay ang sundot ni Ceja sa katawan ni Magsayo. Matapos…

Read More

PH PARALYMPIANS NALAGASAN AGAD

ANIM lang ang Pilipinong para-athletes na nag-qualify sa Tokyo Paralympic Games na magsisimula bukas (Agosto 31). At hindi pa man nagsisimula ang Games ay nabawasan na agad ng isang medal hopeful ang bansa nang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa anim na Paralympians. Maliban sa atleta, nagpositibo rin sa ­virus ang ilang officials at coaches, ayon kay Philippine ­Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo. “It is unfortunate for us to inform the public that some officials, coaches, and a para-athlete of our Philippine delegation bound for Tokyo to participate in…

Read More

PACQUIAO NA-UPSET NI UGAS

LAS VEGAS — Umiskor ng malaking upset win si Yordenis Ugas nang talunin via unanimous decision si Manny Pacquiao, Linggo sa T-Mobile Arena rito. Bunga ng panalo, si Ugas, late substitute kay Errol Spence Jr. na nagtamo ng eye injury, ay ­naging lehitimong WBA super welterweight champion. Narito ang iskor ng tatlong hurado: Dave Moretti (116-112), Patricia Morse Jarman (115-113) at Steve Weisfeld (116-112). Nagpamalas si Ugas ng tiyaga sa pagbato ng jabs na madalas sinusundan ng kanyang kanan bilang pang-counter sa suntok ni Pacquiao sa halos kabuuan ng 12-round…

Read More