NANANAWAGAN ang mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Pinugay, Baras, Rizal kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila sa kanilang lugar na sa kasalukuyan ay nakararanas umano ng harassment mula sa isang nagpapakilalang tagapangalaga ng kalikasan. Sa panayam ng programang The Observer/Pusong Minero sa DZRJ Radyo Bandido TV, inihayag ng ilang residente ang ginagawang pagbabakod sa kanilang sinasakang lupain ng Masungi Georeserve Foundation, isang multi-awarded environment group. Tinuran pa ng ilang residente na may 30 taon na nilang sinasaka ang nasabing lupain subalit biglang sinakop at binakuran ng Masungi…
Read MoreAuthor: admin 2
DENR, DILG KINALAMPAG SA ILLEGAL LOGGING
PINAIIMBESTIGAHAN ni Surigao del Sur Governor Alexander “Ayek” Pimentel sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang illegal logging activities umano sa bayan ng Cantilan sa naturang lalawigan. Nais ipasilip ng gobernador ang reklamong pagkakadawit umano ng ilang lokal na opisyal sa nasabing ilegal na gawain makaraan niyang pamunuan ang pagsalakay sa isang lumber yard sa nasabing bayan. Nitong nakaraang Biyernes (Agosto 20), bandang alas-3:00 ng hapon, kasama sina Surigao del Sur Police Provincial Office chief, Police Col. James Goforth, mga…
Read MoreP126K SHABU NASABAT SA BUY-BUST, 6 TIKLO
CAVITE – Mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska habang anim katao ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Bacoor City nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang arestado na sina Beverly Sarinas, Nino Devara, Jayson Halog, Edison Villamero, 39; Eyasa Mahilon, 43, at Joselindo Aguilar, 33-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng Bacoor City Police Station, dakong alas-5:45 noong Sabado ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Seneguelasan, Bacoor City kung saan nakipagtransaksiyon sina Sarinas, Devara at Halog sa poseur…
Read MoreMANGINGISDA NATAGPUANG PATAY SA LAOT
CAMARINES NORTE – Natagpuan ng kapwa mangingisda ang bangkay ng isang lalaki habang nakalutang sa karagatang sakop ng bayan ng Mercedes sa nasabing lalawigan. Kinilala ang biktimang si Chito Diaz, nasa hustong gulang at residente ng Purok 1, Barangay 4, ng naturang bayan. Batay sa report ng Mercedes Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima noong Huwebes na nakalutang sa dagat sa nasabing lugar. Kuwento ng isang Ronald Vitalicio, nagkukumpuni siya ng kanyang bangka ilang metro ang layo sa kinaroroonan ng bangka ng biktima nang matanaw niya ito. Sinubukan niyang…
Read MoreHIGH VALUE TARGET SA DROGA NABITAG NG PNP-PRO5
“PRO 5’s mission is not merely to survive, but to thrive” ani Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo makaraaang mahuli ng kanyang mga tauhan ang isang high value individual sa ikinasang anti-narcotics operation sa Camarines Norte. Ayon sa ulat, nadakip sa buy-bust operation ang isang Renan Vega y Factor at kasama sa Provincial Recalibrated Database on illegal drugs/HVI), residente ng Purok 4, Brgy. Gahonon, bayan ng Daet, sa lalawigan ng Camarines Norte. Una rito, sadyang pinagtuunan ng atensyon ng mga awtoridad ang suspek kaya matapos ang isinagawang case build-up at test buy sa…
Read MoreKahit natalo kay Ugas PALASYO IPINAGDASAL ANG PANALO NI PACMAN
KAPWA ipinagdasal nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Bong Go ang tagumpay ng Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao sa laban nito kay Cuban boxer na si Yordenis Ugas, ngayong araw ng Linggo, Agosto 22. Ayon kay Go, umaasa sila ni Pangulong Duterte na muling makapag-uuwi ng karangalan sa bansa si Pacquiao at ligtas na magagawa ito. “Bilang Pilipino, I wish him luck sa kanyang laban. Good luck, Senator Manny, at isang karangalan para sa ating bayan at bandila kung manalo ka. Magdarasal din kami ni Pangulong Rodrigo Duterte…
Read MoreDUTERTE TINIYAK NA WALANG KORAPSYON SA PAGBILI NG FACE MASKS AT FACE SHIELDS
ITINANGGI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may korapsyon sa ginawang pagbili ng pamahalaan sa anti-coronavirus masks at face shields, na hayagang kinuwestiyon ng mga mambabatas ngayong linggo. May ilang senador kasi ang nagpahayag na kulang sa memorandum of agreement nang ilipat ng Department of Health ang P42 bilyong piso sa Department of Budget and Management (DBM). Tinanong din ng mga mambatatas kung bakit may ilang items ang nabili nang overpriced, kabilang na ang anti-virus masks sa halagang P27 kada piraso at face shields na nagkakahalaga ng P122 kada piraso.…
Read MorePUBLIKO DAPAT TUMULONG SA GOBYERNO LABAN SA COVID-19
HINIMOK ni ACT-CIS Rep. Eric Yap ang publiko na tulungan ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19. Ayon kay Cong. Yap, kung patuloy na hindi susunod sa health protocols ang ilang mamamayan ay hindi bababa ang hawaan ng virus sa ating bansa. “Kapag tumaas ang COVID-19 sa ating lugar tayo din ang kawawa dahil ila-lockdown ang ating mga tinitirhan,” sabi ni Cong. Yap. Pakiusap ng mambabatas sa bawat indibidwal na palagiang magsuot ng face mask, maghugas at dumistansya sa ibang tao kapag lalabas ng bahay. Sinabi ni Cong. Yap, kahit bakunado…
Read MoreMEDICAL ASSISTANCE SA BAWAT PINOY PINAGAAN
MAGIGING kombinyente ang pagbibigay ng medical assistance sa bawat Filipino na may karamdaman at kailangan magpa-ospital. Ito ang pahayag ni Sen. Christopher Bong Go sa pagbubukas ng ika-137 Malasakit Center sa Western Leyte, Provincial Hospital sa Baybay City, Leyte noong Biyernes. Tiniyak ng senador na ang Duterte administration ay nananatiling committed sa pagbibigay ng makabuluhang serbisyo publiko, episyente, responsable at kombinyente. “Tulad ng sabi ni Pangulong Duterte, sa Malasakit Center, hindi na po kailangan pumila at umikot sa iba’t ibang opisina para lang humingi ng tulong pampagamot. Ang gobyerno na…
Read More