ILOCOS REGION NANGUNA SA DEPED VACCINATION

MAKARAAN ang opisyal na paglulunsad ng platform noong kalagitnaan ng Hulyo, ang Region 1 (Ilocos Region) ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng teaching and non-teaching personnel na kusang nag-ulat gamit ang DepEd Mobile App vaccination tracker, base sa August 9 initial summary report. Mula sa 142,463 total self-reports, ang DepEd – Ilocos Region ang nakapag-log ng 14,670 teaching at 1,863 non-teaching personnel na nakapag-ulat ng kanilang vaccination status sa pamamagitan ng mobile app. “I am delighted to share that the number of personnel who are participating in this initiative throughout…

Read More

MGA PASAWAY SA MECQ SA CAVITE, UMABOT SA 7,885

CAVITE – Umabot sa 7,885 na indibidwal ang naitalang sumuway sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na pinaiiral sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa nasabing bilang ay 790 ang hindi nagsuot ng face mask; 1,193 ay hindi tama ang pagsuot ng face mask o nakababa; 3,402 naman ang hindi nagsuot ng face shield; 1,942 ang hindi tama ang pagsuot ng face shield o nakataas lamang; 158 ang hindi sumunod sa social distancing at 400 ay hinuli dahil sa paglabag sa…

Read More

BUMITBIT NG 12 SAKO NG SEMENTO, 2 ARESTADO

CAVITE – Arestado ang dalawang lalaki makaraang tumangay ng 12 sako ng semento mula sa isang construction site sa Gen. Trias City noong Biyernes ng gabi. Lasing pa nang arestuhin ang mga suspek na sina Emil Martinez, 40, at Reynaldo Jose Jr., 51, sa Brgy. San Jose, Gen. Trias City dahil sa reklamo nina Rodolfo Redin, 30; Freddie Salas, 38, at Mike Mahilum, mga kinatawan ng VRP Builders na may-ari ng tinangay na mga semento. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police Station, dakong…

Read More

BINUNDOL SA GILID NG KALSADA, DEDBOL

CAVITE – Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang lalaking namatay makaraang nabundol ng isang motorcycle rider habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, nitong Sabado ng madaling araw. Inilarawan ang biktimang nakasuot ng pulang t-shirt, puting pajama at may tattoo sa kanan at kaliwang kamay Kinilala naman ang suspek na si Jerome Melendrez, 29, binata, pedicab driver, ng Rosario, Cavite, na nagmamaneho ng isang itim na motorsiklong Rusi. Ayon sa ulat ni Corporal Rolando Mendoza ng Rosario Police Station, naglalakad ang biktima sa gilid…

Read More

PUTOL-KURYENTE NG MERALCO STOP MUNA NGAYONG AGOSTO

TIGIL muna ang Manila Electric Co. (Meralco) sa pagpuputol ng kuryente o service disconnection activities sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang katapusan ng Agosto. Partikular na hindi muna magpuputol ng suplay ng kuryente sa National Capital Region (NCR) at Laguna. “Disconnection activities are also suspended in other areas earlier placed under MECQ particularly Bulacan, Cavite, Rizal, and Lucena City until August 31, 2021,” dagdag pa ng abiso nito. Para sa mga kostumer ng Meralco sa mga lugar na nasa ilalim ng general community…

Read More

HARDWARE NA BINILHAN NG HYGIENE KITS NG OWWA NATAGPUAN NA

NATAGPUAN na ang tindahan na pinagbilhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng P1.269 milyong halaga ng hygiene kits kabilang ang sanitary napkins, na kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA), sa lungsod ng Pasay. Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, nasa Pasay City pa rin ang MRCJP Construction and Trading ngunit lumipat ng ibang puwesto sa pareho pa ring barangay. Unang sinabi ng COA na pinuntahan nila ang address ng tindahan sa #80 M. Cornejo Street, Malibay, Barangay 161, Pasay City ngunit hindi ito matagpuan. Gayunman, napag-alaman umano kay Cacdac…

Read More

OUTDOOR EXERCISES PWEDE NA – MMDA

TULUYAN nang pinayagan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasagawa ng exercise sa mga pampublikong lugar habang patuloy na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila. Ayon sa MMDA, pwede na ang outdoor exercises sa panahon ng MECQ base sa IATF Omnibus Guidelines. Nasa kapangyarihan naman umano ng local government unit kung magpapatupad ng limitasyon sa galaw, aktibidad o oras sa pagsasagawa ng ehersisyo o outdoor exercises sa kani-kanilang hurisdiksyon. “The Metro Manila LGUs, however, can set limitations on the movement or the time period of outdoor exercises, in…

Read More

7 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng pitong namatay sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela dahil sa COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, apat ang binawian ng buhay sa Malabon City at umakyat na sa 520 ang COVID death toll ng lungsod.  Ayon sa City Health Department, 153 ang nadagdag na confirmed cases noong Agosto 20 at sa kabuuan ay 15,921 ang positive cases sa Malabon, 874 dito ang active cases. Umabot naman sa 81 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila…

Read More

VIRTUAL JOURNALISM TRAINING INILUNSAD NG DEPED

NAGSAGAWA ang Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Bureau of Curriculum Development, ng kauna-unahang virtual National Schools Press Conference (NSPC) noong Agosto 11-13, 2021 upang pagyamanin ang kaalaman at masustenahan ang social consciousness ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya. Tinagurian bilang National Conference on Campus Journalism in the 21st Century, layunin ng 2021 National Schools Press Conference (NSPC) na mapagbuti ang kakayahan ng mga mag-aaral, school paper advisers, at relevant personnel sa kahalagahan ng responsible journalism at fair and ethical na paggamit ng social media. “Campus journalism empowers…

Read More