COA MULING BINAKBAKAN NI DUTERTE

BINAKBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) dahil sa biglang pagpasok sa “giyera” sa pagitan ng virus at government’s vaccine sa pamamagitan ng pagpapalutang ng audit observation nito na may natuklasang ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng DOH. Bagaman hindi pa masasabing anomalya ang COA Audit Observation ay dapat pa ring maipaliwanag at masagot ang mga hinala sa paggamit ng pampublikong pondo. Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte ngayong Sabado ay binira nito ang COA sa paga-audit sa gastusin na “ongoing” pa…

Read More

DBM, DOH BINIGYAN NG 10 ARAW PARA BAYARAN ANG HEALTH WORKERS

BINIGYAN lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DoH) at Department of Budget and Management (DBM) ng 10 araw para bayaran ang benepisyo ng health workers. May ilan na kasi sa hanay ng health workers ang kinukonsidera ang mass resignation dahil sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng karagdagang bayad para sa mahigit isang taon nang paglaban sa COVID-19 crisis. Libo-libong medical workers ang napaulat na nagbitiw umano sa panahon ng pandemya dahil sa reklamo ng “low pay and poor working conditions.” May ilan naman ang naghanap na ng…

Read More

MAAGANG PAGBUBUNTIS AT PAGPAPAKASAL NG KABATAAN, NAKAAALARMA – SOLON

NAALARMA ang isang mambabatas sa mababang kapulungan sa mabilis na paglobo ng maagang pagbubuntis at pagpapakasal ng mga kabataan. Ayon kay Anak Mindanao Party-list Rep. Amihilda Sangcopan, ang usaping ito ay maituturing na “national social emergency”na dapat kagyat tugunan ng pamahalaan. Kasabay nito, muling nanawagan ang mambabatas na ipasa na ang mga panukalang nakabinbin sa Kongreso ukol sa pagsugpo sa maagang pagbubuntis at maagang pag-aasawa ng mga kabataan. “What is more alarming is the fact that girls in the Philippines aged 10 to 14 are already giving birth at a…

Read More

VACCINATION DATABASE, PINAMAMADALI

PINAMAMADALI na ni Senador Leila de Lima sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbuo ng national vaccine database ng COVID-19 vaccines sa bansa. Iginiit ni de Lima sa kanyang Senate Resolution 857 na dapat magtulungan ang DICT, Department of Health (DOH) at mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng national vaccine database upang maiwasan ang pamemeke ng vaccination cards at matiyak na hindi mahihirapan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Ipinaliwanag ng senadora na dahil sa kawalan ng central at national database at ng maayos na sistema…

Read More

LENDING COMPANY COLLECTOR PATAY SA HOLDAP

PATAY ang isang 34-anyos na kolektor ng lending company matapos pagbabarilin ng holdaper sa Midsayap, North Cotabato. Sa lugar ng krimen binawian ng buhay ang biktima na si Romnick Raro, naninirahan sa Barangay Ines bunsod ng dalawang tama ng bala sa katawan. Sa inisyal na report ng Midsayap Municipal Police Station, nangyari ang pamamaril sa bahagi ng national highway sakop ng Barangay Ines pasado alas-10 ng umaga ng Biyernes, August 20, 2021. Patungo na umano ang biktima sa kanyang kumpanya sakay sa motorsiklo nang pahintuin siya ng riding in tandem…

Read More

BLACKOUT SA VISAYAS DAHIL SA KIDLAT

NARANASAN ang blackout sa ilang lalawigan sa Visayas kabilang ang Cebu, Leyte-Samar at Bohol dahil umano sa kidlat, Biyernes ng gabi. Gayunman, unti-unti nang naibalik kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang power transmission services nito sa mga apektadong kostumer. Ayon sa NGCP, batay sa kanilang paunang pagsisiyasat ay tinamaan ng kidlat ang pasilidad nito kaya’t naapektuhan ang suplay sa apat na probinsiya na nagsimula dakong alas-11:56 ng gabi ng Biyernes. “A lightning strike caused the simultaneous tripping of the Colon-Cebu 138kV Lines 1, 2 and 3…

Read More

SUNDALO, 2 NPA PATAY SA ENGKWENTRO

ITINANGHAL na bayani ang isang sundalo ng Philippine Army matapos itong ideklarang ‘killed in action’ kasunod ng halos isang oras na pakikisagupa ng Philippine Army sa CPP-New People’s Army na ikinamatay rin ng dalawang communist terrorist sa Brgy. Kapitan Ramon, Silay City, Negros Occidental. Ayon sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Metro Manila nitong Sabado ng umaga, kinilala ang napatay na sundalo na si PFC Christopher Alada habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang NPA na napatay rin sa bakbakan. Nabatid na nagsasagawa…

Read More

4 ARMADONG CPP-NPA TERRORISTS HULI SA ARMY

APAT na CPP-NPA terrorists (CNTs) na armado ng matataas na kalibre ng baril ang nahuli ng mga kagawad ng Army’s 11th Infantry (Lapu-Lapu) Battalion at Philippine National Police sa Sitio, Tamlang, Barangay Talalak, Sta. Catalina, Negros Oriental. Kasunod ito ng inilunsad na AFP-PNP joint strike operation bilang pagtugon sa sumbong ng mga residente hinggil sa presensiya ng mga armadong CTGs sa area. Kinilala ni Lieutenant Colonel Roderick Salayo, Acting Commanding Officer, 11IB, ang nadakip na communist terrorists na sina Roel Casilao alias “Garry,” commanding officer; Allan Ybañez alias “Ban,” Joselie…

Read More

PATONG-PATONG NA KASO SA 10 FRAT MEMBERS

MAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang sampung miyembro ng fraternity na itinuturong sangkot sa hazing sa babaeng menor de edad sa Lipa City, Batangas. Sa ulat kay Lipa City Police Station chief Lt. Col. Lory Tarrazona, kabilang sa mga inaresto nina Police Corporals Bernard Bryan Leynes at Davidson Areta sina Alma Lanorio, John James Bordeos, Patrick Lloyd Aala, Jay-C Antiguerra, Earel Manalo, Angelita Villarin, Christian Cuerdo, Romar Soriano, alias “Ken,” at alias “Kier Vincent” kaugnay sa hazing ng biktimang si “Ellyse”. Sa salaysay ng biktima, alas-5 ng madaling araw noong…

Read More