IPINAGDIWANG nina Senator Cynthia A. Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar ang 115th Death Anniversary ni San Ezekiel Moreno noong August 19 sa pamamagitan ng misa na idinaos sa San Ezekiel Moreno Oratory sa Villar SIPAG compound sa C-5 Road, Las Piñas City. Itinaguyod ang misa sa Zoom at Facebook ng Villar SIPAG na nagpatayo rin noong 2014 ng Spanish Baroque-inspired Oratory sa compound nito. Sa simbahan ding ito iniingatan ang bone relics ni San Ezekiel. Nangako sina Sen. Villar at Rep. Villar na taunang magpapamisa bilang pagkilala sa…
Read MoreAuthor: admin 2
Babala kontra denggoy AYUDA FORMS BINEBENTA
TAYTAY, Rizal – Nagpalabas ng isang babala sa publiko ang lokal na pamahalaan laban sa mga umano’y nananabotahe sa isinisagawang pagpapamahagi ng ayuda ng gobyerno sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine. Makaraang makatanggap ng ulat hinggil sa pag-iikot ng isang grupong nagpapamahagi ng mga forms para sa umano’y “national cash assistance,” nilinaw ni Mayor Joric Gacula na hindi kabilang ang mga bayan mula sa lalawigan ng Rizal sa talaan ng pagbabahagi ng ayuda kaya naman panawagan niya sa mga residente – maging mapanuri. Paliwanag pa ng…
Read MoreKALITUHAN DULOT NG BALIK-BAWI
SUKDULANG kalituhan naman ang kinakaharap ng mga residente ng iba’t ibang bayan sa Laguna bunsod ng balik-bawing pasya ng Malakanyang kaugnay ng pagsasailalim muli sa lalawigan sa ilalim ng MECQ, ilang araw matapos itong ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) status. Gayunpaman, nilinaw ng Malakanyang na maaari pa rin umanong maghain ng apela ang local government units kung sa tingin ng mga ito’y hindi angkop ang antas ng seguridad na inilapat sa kanilang lokalidad. Sa pinakahuling anunsyo, isinailalim muli ang Laguna sa MECQ simula Agosto 21 hanggang sa matapos ang…
Read MoreMAS MAHIGPIT NA CHECKPOINT SA BORDER NG BATANGAS AT LAGUNA
CAMP VICENTE LIM – Sa hangaring tiyaking hindi na makakatawid pa ang peligrong dala ng nakakahawang COVID-19, mas mahigpit na border control ang ipinatutupad ngayon sa hangganan ng mga lalawigan ng Batangas at Laguna. Bahagi ng pinaigting na border control na ipinatutupad ng Regional Highway Patrol Group ay ang “Oplan Habol” kung saan itinalaga ang mga motorcycle units sa mga checkpoints upang tugisin ang magpipilit makaalpas sa checkpoint. Bukod sa hangganan ng dalawang lalawigan, nagtalaga din ng bukod na pulutong ang HRP region IV-A sa Barangay Makiling. Sa pamumuno ni…
Read MoreSARA NANGUNGUNA RIN SA RPMD SURVEY
NANATILING top 1 si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at ama nito na si President Rodrigo Duterte, na gusto ng publiko na maging susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo sa darating na eleksyon. Ito ang lumitaw sa latest RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) non- commissioned survey na isinagawa nationwide nitong Agosto 1 hanggang 10 ng taong kasalukuyan mula sa 10,000 respondent. Base sa survey, si Mayor Sara ay nakakuha ng 32.25%, sumunod si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (14.21%), Senator Manny Pacquiao (11.95%), former Senator Ferdinand Marcos,…
Read MoreLaguna pa lang yan! 10K ECQ VIOLATORS SILAT SA LOOB LANG NG 24-ORAS
CAMP Vicente Lim – Pumalo na 10,000 ang tinatayang bilang ng mga nahuli sa paglabag ng enhanced community quarantine guidelines sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Laguna Provincial Police Office. Gayunpaman, parusang community service lamang ang ipinataw na parusa sa 132. Multa naman ang katumbas sa paglabag ng 162 katao samantalang first warning naman ang sa nalalabi pang nasita sa patuloy na paghihigpit ng Laguna PNP sa buong lalawigan. Kabilang ang Laguna sa mga isinailalim sa mahigpit na ECQ bunsod na din ng patuloy na paglobo ng mga kaso…
Read MoreSENADO, BALIK SESYON NA SA LUNES
PALAWIGIN man o hindi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Enhance Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, balik sesyon na ang mga senador sa susunod na linggo. Sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na magsisimula muli ang kanilang sesyon sa Lunes, Agosto 23. Patuloy naman anyang ipatutupad ang hybrid session o papayagan ang ibang mambabatas na naka-online. Idinagdag pa ni Sotto na mananatiling limitado ang papayagang pumasok na empleyado at posibleng agahan nila ang pagsisimula ng sesyon. Idinagdag pa ng lider ng Senado na lilimitahan nila ang oras…
Read MorePRE-AUDIT ITINUTULAK NG SOLON
ANG pre-audit system o sistema ng maagang pagsusuri sa paggastos ng pondo ng pamahalaan ang paraan upang maiwasan ang kontrobersiyang matutuklasan ng Commission on Audit (COA) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito ang mungkahi ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes na nagsaad na bagama’t mahaba ang magiging proseso ng pre-audit, mabisang paraan ito upang maiwasan ang mga katanungan sa pagkakaloob at paggamit ng pondo ng bayan dahil ang mga proyekto at kontratang paglalaanan nito ay nauna nang nasuri bago pa man ilabas ang salapi…
Read More8 TIMBOG SA PNP-PRO5 ALL-OUT OPS VS DRUGS
ALINSUNOD sa hangarin ng gobyerno na masawata ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa, walong drug personalities ang arestado sa inilunsad na all-out operation kontra droga ng mga tauhan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, PNP-Police Regional Office 5 Director. Sa Naga City, naglunsad ng apat na magkakahiwalay na buy-bust operation ang Naga City Police Office (NCRPO) na nagresulta sa pagkakadakip sa walong hinihinalang tulak ng ilegal na droga noong Agosto 16. Alas-tres y medya ng hapon sa Zone 4, Brgy. Balatas, Naga City, nahulog sa bitag ng pulisya ang isang…
Read More