MURDER SUSPECT LAGLAG SA PNP-PRO5

NADAKIP ang isang riding in tandem gunman sa ikinasang law enforcement operation ng mga tauhan ni PNP-Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo sa lalawigan ng Masbate noong Miyerkoles, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nadakip na si Jose Bilbao Jr. y Vasquez, 36-anyos, walang asawa, laborer, at residente ng Brgy. Matiporon, Milagros, Masbate. Ayon kay P/Major Malou Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-PRO5, si Bilbao ang umano’y gunman sa riding in tandem slaying case sa probinsya ng Masbate na ikinamatay ng isang lalaki. Nadakip ng mga kagawad…

Read More

VACCINATION CARDS PINEPEKE SA CABUYAO PINEPEKE SA CABUYAO

LAGUNA – Patuloy ang paglobo ng kaso ng nakahahawang COVID-19 sa lalawigan sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad nang pinahigpit na panuntunan sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine. Sa isang pahayag, bahagyang ibinubunton ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao ang pagkalat ng sakit sa kanilang lokalidad sa naglipanang pekeng vaccination cards na ginagamit ng mga residenteng walang kaalam-alam na maging sila’y kontaminado na. Anila, hindi na kailangan pang magpagawa o gumamit ng mga palsipikadong vaccination cards ang mga residente lalo pa’t patuloy naman anila ang kanilang pagbabakuna…

Read More

LOLO NA AYAW MAGPAUTANG TINAGA

TANGALAN, AKLAN – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 63-anyos na lolo makaraang tagain ng lasenggong kapitbahay nang hindi pautangin ng alak ng biktima sa bayang ito. Kinilala ang biktimang si Renson Templo, 63-anyos, habang nadakip naman ang suspek na si Zandro Dado, 37-anyos, kapwa residente sa Barangay Afga, Tangalan, Aklan. Batay sa report ng Tangalan Municipal Police Station, dakong alas-11:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, lasing na nagtungo ang suspek sa tindahan ng biktima at nagpumilit itong umutang ng alak. Nagalit…

Read More

1,600 GOV’T WORKERS NAMATAY SA COVID-19

MULA nang mag-umpisa ang pandemya, higit sa 1,600 empleyado ng gobyerno na ang naitalang nasawi makaraang mahawahan ng nakamamatay na COVID-19, batay na din sa pinakahuling datos mula sa Civil Service Commission (CSC). Pag-amin ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), lubos silang nalulungkot sa pagpanaw ng mga manggagawa sa pampublikong sector, lalo pa’t pwede naman anilang maiwasan ito kung naging maayos ang pagtugon ng pamahalaan sa national health emergency. Anila, hindi sana umabot sa ganung bilang ang mga nasawi sa kanilang hanay kung pinakinggan ng…

Read More

ECQ O MECQ?

DALAWANG opsyon lamang ang binibigyang bigat ngayon ng COVID-19 task force para sa quarantine level ng Kalakhang Maynila na magsisimula ngayong weekend. “Dalawang option lang naman po ‘yan: mananatili ang ECQ, in which case ang tanong, meron bang pang-ayuda—o ibababa sa MECQ (modified ECQ),” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Nauna nang nagpulong kahapon ang inter-agency task force para pag-usapan ang susunod na lockdown level para sa Metro Manila. Inaasahan naman na magde-deliver ng kanyang talumpati si Pangulong Duterte ngayong Biyernes para ihayag ang bagong quarantine levels, “unless he will…

Read More

DIGITAL VAX CERTIFICATES ILALABAS

TARGET ng pamahalaan na magpalabas ng digital COVID-19 vaccination certificates sa susunod na buwan. Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Emmanuel Caintic sa Laging Handa public briefing na ang sertipikong ito ay sumunod sa pamantayan ng World Health Organization at kikilalanin sa ibang bansa. Magbubukas ang DICT ng online portal kung saan maaaring ilagay ng publiko ang kanilang vaccination details. Kapag nagtugma aniya ang vaccination details na ibinigay ng isang indibidwal sa impormasyon sa database ng gobyerno, ang inoculation certificate ay kaagad na maipalalabas. Nasa ikatlong…

Read More

Pinatitiyak ng solon sa PNP HUSTISYA SA PINATAY NA TABLOID EXEC

KAILANGANG tiyakin ng Philippine National Police (PNP) na magkakaroon ng hustisya ang pagpatay sa tabloid executive na si Gwenn Salamida. Ito ang panawagan ni ACT-CIS Party-list Representative at dating mamamahayag na si Nina Taduran sa PNP kaugnay ng pagpaslang sa dating editor at advertising manager ng Saksi Ngayon na si Salamida. “Huwag sanang tigilan ang imbestigasyon at pagtugis sa mga may kinalaman sa pagkamatay ni Salamida. Alamin din kung talagang pagnanakaw lang ang motibo o may iba pang dahilan ang pagkakabaril sa kapatid natin sa media,” ani Taduran. Ginawa ng mambabatas ang…

Read More

SCAMMER TIMBOG SA NCRPO

NATIMBOG ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang mga miyembro ng Cerbito – Fernandez organized crime group matapos maglunsad ng malawakang operasyon laban sa mga ito. Ayon kay NCRPO chief P/MGen. Vicente D. Danao Jr., sumuko noong Hunyo 30 sa NCRPO ang kanilang ‘person of interest’ na umano’y gumagamit sa pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa pangangalap ng pondo para umano sa kanyang kampanya sa eleksyon sa 2022. Sa pahayag, sinabi ni Danao na nagpapanggap bilang si Davao City Assistant Administrator…

Read More

19 PULIS MAYNILA SIBAK SA KOTONG

PORMAL nang sinibak ng liderato ng Manila Police District (MPD) ang 19 nilang tauhan dahil sa talamak na pangongotong sa mga truck driver sa bahagi ng Quiapo, Maynila. Sa ipinarating na report kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar,  bukod sa 19 tauhan ng Carlos Palanca Police Community Precinct (PCP), laglag din sa pwesto ang station commander na si Police Major Bernardino Diaz Venturina. Ang ginawang hakbang ni MPD Director Police Brig. General Leo Francisco ay tugon sa kahilingan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na…

Read More