ABOT-TANAW man ang pasilidad kung saan pwedeng malunasan ang karamdaman, hindi na nakuha pang maghintay ng walo kataong namatay habang nasa parking area ng isang ospital kung saan nakapila ang iba pang dumaranas ng sintomas ng nakahahawang sakit. Pagtatapat ni Dr. Melbril Alonte, medical director ng Ospital ng Biñan, hindi na nila nagawa pang isalba ang buhay ng walo kataong kinailangan pang pumila sa parking area ng nasabing pagamutan dahil aniya sa dami ng kanilang pasyente. Sa kanyang paglalarawan, umaapaw na sa dami ang kanilang kinakalingang COVID-19 patients mula pa…
Read MoreAuthor: admin 2
ECQ EXTENSION SA NCR ‘DI PA TIYAK
HINDI pa masabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kung dapat o hindi na palawigin ang ECQ sa National Capital Region (NCR) na magtatapos sa Biyernes, Agosto 20, 2021. Ang katwiran ni Sec. Roque, may ilang araw pa naman bago makita ang datos na pagbabasehan ng quarantine status sa NCR. “Ang ating objective ay iyong sinasabi nating total health. bawasan iyong kaso pero hindi naman po pupuwedeng dadami iyong hanay ng mga magugutom,” ayon kay Sec. Roque. “So, tingnan po natin ang datos mayroon pa po tayong mga araw noh? At…
Read MoreSa pagtanggap ng foreign donations GABRIELA LUMABAG SA BATAS
NILABAG ng party-list group Gabriela ang Saligang Batas dahil sa diumano’y pagtanggap ng financial assistance at suporta mula sa foreign sources. Ito ang sinabi ni National Security Adviser (NSA), Secretary Hermogenes Esperon, Jr. Bahagi ito ng naging testimonya ni Esperon sa video teleconferencing sa idinaos na 2nd Division of the Commission on Elections (Comelec) noong Agosto 12, bilang pagsuporta sa petisyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kanselasyon ng rehistrasyon ng Gabriela Women’s Party (GWP) at General Assembly of Women and Reforms (GAWR) sa…
Read More16 NPA NAPATAY SA SAMAR ENCOUNTER
SUMIKLAB ang sagupaan sa pagitan ng Philippine Army 8th Infantry Division at communist New People’s Army sa bayan ng Dolores, Eastern Samar ngayong Lunes. Sa inisyal na ulat ay sinasabing nasa 16 rebelde ang napaslang sa isinagawang air at land assault ng militar. Nilinaw ni 8TH Infantry Division Commander Mgen Pio Dinioso na ongoing ang sagupaan kaya hindi masasabing accurate ang lumabas na bilang ng mga casualty hangga’t hindi pa natatapos ang clearing operation sa encounter site. Sa pahayag naman ni AFP Spokesman Col. Ramon P. Zagala, nitong Lunes ay…
Read More10 MIYEMBRO NG AKRHO FRATERNITY, ARESTADO SA HAZING NG PWD SA BATANGAS
HAWAK na ng mga awtoridad ang sampung indibidwal na sangkot umano sa hazing ng Grade 6 na babaeng estudyante na sinasabing may sakit sa pag-iisip sa Lipa City, Batangas. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law at Republic Act 7610 o child abuse. Kabilang sa mga natukoy na suspek ay sina Alma Lanorio, 42 anyos; John James Bordeos, 19 anyos; Patrick Lloyd Aala, 20 anyos; Jay-C Antiguerra, 31 anyos; Earel Manalo, 33 anyos; Angelita Villarin, 41 anyos; Christian Cuerdo, 23 anyos; Romar Soriano,…
Read MoreP1-M SHABU NASABAT SA 3 TULAK SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Juhary Bato, 19; Ronnie Javier, 42, at Marie France Toledo, 41-anyos. Ayon sa ulat ni P/MSgt. George. Fajardo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-10:30 noong Linggo ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. H2 ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakadakip kay Bato. Nakuha sa suspek…
Read MoreBago nakapagpaputok AMOK NASUPIL NG PNP-PRO5
NAGING maagap ang mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, na supilin ang pagwawala at paghahamon ng away ng isang armadong lalaki sa bayan ng Placer, sa lalawigan ng Masbate. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, nangyari ang insidente bandang alas-singko ng hapon noong Sabado sa Sito Gailan, Brgy. Na-inday sa bayan ng Placer. Kinilala ang suspek na si Retson Pepito y Diaz, 37, may asawa, magsasaka, nakatira sa nabanggit na bayan ng Masbate. Armado ng homemade shotgun ang suspek…
Read More23 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA
UMABOT sa 23 ang namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area habang 4,581 na ang active cases, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, 12 ang namatay sa pandemya sa Caloocan sa loob ng 72 oras. Mula 1,164 noong 5 pm ng Agosto 12, umakyat na sa 1,176 ang total deaths sa parehong oras noong Agosto 15, habang umakyat ang active cases sa 1,148 matapos na 185 bagong kaso ang maitala. Umabot na sa 41,972 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay…
Read More2 ITINUMBA SA MALABON
PERSONAL na galit at ilegal na droga ang tinitingnan ng pulisya na posibleng motibo sa pagpatay sa isang lalaki at isang babae na pinagbabaril ng tatlong mga suspek sa Malabon City. Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Geraldine Atanoso, 32, ng Block 20, Lot 8, Phase 2, Area 4, Brgy. Longos, Malabon City, at Rolando Balbas, 25, ng Vitas St., Tondo, Manila. Ayon sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Mardelio Osting, nasa kanto ng Hiwas at Hasa-Hasa streets…
Read More