PAGTUGON SA LAMBDA PAREHO LANG SA DELTA

MABILIS na aksyon pa rin ang nakikitang paraan ng isang government infectious disease expert sa paglaban kontra sa higit na mabagsik na Lambda variant sa bansa. Ayon kay Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital, higit na mahalagang mabilis na matukoy ng pamahalaan ang mga taong positibo sa COVID-19, kasabay na din ng agarang pagsasalang sa mga positibong indibidwal sa genome testing. Ayon kay Solante, nakapagsumite na din aniya sila ng istratehiyang wala naman halos pinag-iba sa paraang ginamit sa pagtugon sa Delta variant.  Aniya, kapwa mabilis makahawa ang dalawang…

Read More

2 MANILA TOP OFFICIALS POSITIBO SA COVID-19

INIHAYAG kahapon ng dating konsehal at ngayon ay negosyanteng si Don Ramon Bagatsing na nagdarasal ang mga Manilenyo para sa mabilis na kagalingan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna. Kasalukuyang naka-confine sa Santa Ana Hospital sina Mayor Isko at Vice Mayor Honey dahil sa COVID-19. “Sila talaga ang nangunguna sa laban kontra Covid, I’ve seen them in action myself, silang dalawa yung starter na lumalaban, ayaw nila magpahinga. They lead by example. Kaya lahat ng frontliners sa Maynila ganado magtrabaho at handang isabak ang kanilang sarili…

Read More

P4.5M UKAY-UKAY KUMPISKADO SA ILOILO

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Ilo­ilo ang bulto-bultong ukay-ukay na nadiskubre sa isang storage facility sa Jaro, Iloilo City kamakailan. Bitbit ang Letter of Authority na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, isang composite team sa pangunguna ni Port of Iloilo Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) Field Station Chief, IO1 Lot K. Abordo, sa pakikipagtulungan sa Enforcement and Security Service – Customs Police Division (ESS-CPD), Customs and Border Protection (CBP) -District VI and Barangay Officials, ay nag-inspeksyon sa nasabing…

Read More

Air cargo? No problemo! PANGAKO NG BOC AT DHL, WALANG DELAY

TULUYAN nang nawaglit ang karaniwang dahilan ng matagal na release ng air cargo sa pangunahing paliparan sa bansa bunsod ng unawaan sa pagitan ng Bureau of Customs at DHL Global Forwarding (Phils.), Inc. Sa isang online discussion sa pagitan ng BOC at  DHL, bumalangkas ng mga angkop na hakbang ang kanilang mga kinatawan sa layong pabilisin ang proseso sa pagkuha ng air cargo clearance. Ayon sa BOC, hangad nilang paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa stakeholders at pagpapaunlad ng  public service sa ilalim ng pamumuno ni   Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Ang online…

Read More

DROGA SILAT SA BOC, PDEA

TIMBOG sa pinagsanib na operasyon sa pagitan ng Bureau of Customs at Phi­lippine Drug Enforcement Agency ang P3 milyong halaga ng drogang nakatakdang dalhin sa Baguio City nito lamang nakaraang linggo. Arestado sa joint controlled delivery operation sa Baguio City ang claimant ng 1,783 tablets ng Ecstasy o “party drugs” na ikinubli sa mga kobre-kama.Ang nasabing operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng BOC-NAIA, PDEA-Cordillera Administrative Region, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at  Customs Anti-Illegal Drug Task Force Enforcement and Security Service (CAIDTF-ESS) sa tulong ng Customs Intelligence and…

Read More

Mula sa 2 nag-aalburotong bulkan VOLCANIC SMOG UMABOT SA NORTHERN LUZON

UMABOT sa bahagi ng Northern Luzon ang volcanic ‘smog’ na nagmumula sa dalawang nag-aalburotong bulkan, ang Taal Volcano at ang submarine volcano na “Fukutoku-Okanoba” ng Japan. Kabilang sa apektadong mga lugar sa Luzon ang Zambales, Olongapo, Bataan, Pampanga, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Baguio City,  Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Romblon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang volcanic smog ay binubuo ng…

Read More

LAGUNA ECQ HANGGANG AGOSTO 20

PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Laguna hanggang Agosto 20, 2021. Ito’y batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at matapos ang konsultasyon sa lokal na pamahalaan ng naturang lalawigan. Nauna nang inilagay ang Laguna sa ilalim ng ECQ hanggang Agosto 15, 2021, at napagdesisyunang ibaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Agosto 16 hanggang 31, 2021, hanggang sa susugan na ibalik sa ECQ status. Ang pinakabagong ECQ re-classification ay ginawa upang ma-maximize ang epekto, pababain…

Read More

MURDER, RAPE SUSPECTS NATUNTON NG PNP-PRO5 SA CAVITE

WINAKASAN ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang 16 taong taong pagtatago ng isang puganteng rapist matapos na matunton ng PNP Bicol sa Cavite. Habang isang pang murder suspect na nasa number 7 most wanted list ng Sorsogon City at pinaghahanap ng batas, ang nahuli rin noong Sabado ng mga operatiba sa Amadeo, Cavite Ayon kay PNP-PRO5, Regional Director Jonnel C Estomo, isang joint law enforcement operation ang inilunsad ng mga tauhan ng PNP Bicol at Cavite PPO laban sa tinaguriang rank 6 municipal most wanted person ng Donsol…

Read More

Mga suspek tinutugis ng PNP-PRO5 3 SIBILYAN MINASAKER NG NPA

ALL-OUT manhunt operation ang inilunsad ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 laban sa hinihinalang grupo ng komunistang New People’s Army na nasa likod ng pagdukot at paglikida sa tatlong sibilyan sa lalawigan ng Masbate. Sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO 5 Regional Director Jonnel C. Estomo walang awang pinatay ng hinihinalang mga NPA ang tatlong kalalakihan na kanilang dinukot noong Sabado. Ayon kay PNP-PRO5 Spokesperson P/Major Malou Calubaquib, base sa ulat na isinumite kay Bicol PNP chief, P/Brig. Gen. Estomo ng Masbate Police Provincial Office, alas-dos ng hapon…

Read More