MIYEMBRO NG CRIMINAL GANG, ARESTADO

CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang isang miyembro ng Untawar criminal gang matapos na nakumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa Dasmariñas City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Henry Taveso, 42, ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni Corporal Lorenzo Cawaling ng Dasmariñas City Police, dakong alas-11:30 noong Biyernes ng gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang Dasmariñas CPS sa Brgy. Burol 3 ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. Nakuha sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, isang…

Read More

BATANGAS INUGA NG MAGNITUDE 5.8 EARTHQUAKE

MULING niyanig ng magnitude 5.8 earthquake ang bayan ng Calatagan sa Batangas bago maghatinggabi noong Biyernes, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang 5.8 na lindol sa bayan ng Calatagan, dakong alas-11:08 noong Biyernes ng gabi, Agosto 13. Sinabi ng Phivolcs, ito ay aftershock ng magnitude 6.6 earthquake na tumama sa Calatagan noong Hulyo 24. Ang sentro ng lindol ay may lalim na 113 kilometers at tectonic ang origin ng pag-uga. Naramdaman ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental…

Read More

Apela sa mga bakunado GOV’T FACILITIES IPAUBAYA SA SEVERE PATIENTS

NAKIUSAP ang Malakanyang sa mga bakunadong indibidwal na ipaubaya na lamang ang pasilidad ng pamahalaan at mga pagamutan sa mga tinamaan ng COVID na nasa severe at critical stage. Ito’y kung sakali’t tamaan sila ng Delta variant. Ang pakiusap ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bunsod ng tumataas na health care utilization rate dahil na rin sa pag-akyat ng kaso ng COVID-19. Aniya, kung ang isang indibidwal ay bakunado na, maaaring mag-quarantine na lang sa mga lugar gaya ng tahanan kung mayroon namang toilet sa sariling kuwarto nito. At kung…

Read More

65-ANYOS PATAAS PWEDENG LUMABAS, KUNG…

PINAPAYAGAN naman ng IATF ang mga indibidwal na may edad 65 pataas na makalabas ng kanilang bahay para personal na makapaghain ng kanilang certificates of candidacy sa national office at mga itinalagang field office ng Commission on Elections (Comelec). Ang mga naturang indibidwal ay kikilalanin bilang Authorized Persons Outside of Residence mula Oktubre 1 hanggang 8, 2021, “regardless of community quarantine classification and vaccination status.” Inaprubahan din ang naging kahilingan ng airlines na i-resume o ipagpatuloy na ang international transit hub operations. Ang nabanggit na international transit hub operations ay…

Read More

TRAVEL RESTRICTIONS SA 10 BANSA EXTENDED

EXTENDED ang travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Agosto 16 hanggang Agosto 31, 2021. Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang kasalukuyang travel restrictions ng mga nasabing bansa. Kaugnay na rin ito ng mataas na banta ng COVID-19 partikular ng Delta variants sa mga nasabing lugar. (CHRISTIAN DALE) 245

Read More

LISTAHAN NG ‘GREEN COUNTRIES’ IN-UPDATE

INILABAS ng Malakanyang ang aprubado at updated list ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng mga kinukonsiderang “Green” countries/jurisdictions/territories. Ito’y kinabibilangan ng Albania, American Samoa, Anguilla, Australia, Benin, Bosnia and Herzegovina, Brunei, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Grenada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat (British Overseas Territory), New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Romania, Saint Pierre and Miquelon, Slovakia, Sudan at Taiwan. Ang mga…

Read More

27M PINOY BABAKUNAHAN NGAYONG AGOSTO

TARGET ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 27 milyong Filipino laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng buwan. Isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., siya ring chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na hangad ng gobyerno na gawing bakunado o fully vaccinated ang limang milyong Filipino kada linggo sa natitirang tatlong linggo o 15 milyon sa katapusan ng Agosto. As of Aug. may kabuuang 12,282,006 indibidwal o 17.19 porsiyento ng eligible target population ng bansa na ang fully vaccinated. “Hopefully ma-breach natin…

Read More

BOC COLLECTION TARGET, SAPUL NG MINDA PORTS

NILAGPASAN ng mga re­venue collection districts ng Bureau of Customs Collection sa Mindanao ang itinakdang target ng kani-kanilang tanggapan para sa buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon. Base sa tala ng BOC, muling nagawang kumo­lekta ng District X na nasa pangangasiwa ni Atty. Elvira Cruz ng higit pa sa kanilang nakatakdang target. Para sa buwan ng Hulyo, nakapagtala ng P3,254,579,366.35 kita ang nasabing BOC District Collection Office. Ang nasabing halaga ay higit pa sa kanilang target collection na P3,254,150,000.00. Kinilala naman ni Atty. Cruz ang sikap at katapatan ng mga…

Read More

BAKUNA PRE-CLEARED NA PAGLAPAG SA NAIA

TINIYAK ng Bureau of Customs na walang dahi­lan upang maantala ang paglabas ng mga luma­lapag na bakuna kontra COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport bunsod na rin ng One-Stop-Shop policy na magkatuwang na ipinatutupad ng kanilang ahensya at ng pangasiwaan ng nasabing paliparan. Partikular na tinukoy ng BOC ang 326,400 doses ng Moderna COVID-19 vaccines na lumapag sa bansa nito lamang nakaraang Linggo. Anila, ang mga nasabing bakuna ay mayroon nang pre-clearance dalawang araw bago pa ito dumating sa NAIA – kaya naman mabilis itong ini-release para maiturok na sa…

Read More