PATAKARAN SA FOOD AT AGRI SHIPMENT SA CEBU

UPANG maiwasan ang agam-agam sa polisiya ng pamahalaan, minabuti ng Bureau of Customs – Port of Cebu na iprisinta ang mga takdang alituntunin at umiiral na proseso hinggil sa pagpasok ng mga pagkain at produktong pang-agrikultura sa bansa. Sa ginanap na virtual Agri and Food Committee Conference na pinangunahan ng Dutch Chamber of Commerce in the Philippines, inilatag ng BOC-Port of Cebu ang proseso sa pagkuha ng clearance para sa mga inaangkat na pagkain at produktong pang-agrikultura. Mismong si Deputy District Collector for Assessment Lemuel Erwin Romero ang nanguna sa…

Read More

DROGA WALANG LUSOT SA BOC-NAIA

KUNG ang kakayahan lang sa pagsala ng mga pumapasok na epektos ang pag-uusapan, bilib ang Philippine Drug Enforcement Agency sa mga kawani ng Bureau of Customs na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport. Sa isang pahayag, kini­lala ni PDEA-NCR Regional Director Christian Frivaldo ang sigasig ng BOC-NAIA at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG)sa pagsugpo sa pagpasok ng droga sa pangunahing paliparan sa bansa. “I greatly commend each and every one of you for doing a job well done… The best accomplishment under your leadership, BOC-NAIA District Collector…

Read More

Paalala sa PNP GUIDELINES SA PAG-ARESTO SUNDIN

HINDI dahilan ang umiiral na lockdown upang ipagwalang-bahala ng kapulisan ang itinakdang alituntunin sa paraan ng pag-aresto sa mga mahuhuling lumalabag sa community quarantine protocols. Sa isang pahayag, sinabi Philippine National Police (PNP) director-general Guillermo Eleazar na hindi niya palalampasin ang anumang pag-abuso ng mga pulis kaugnay ng pagpapatupad ng mga itinakdang guidelines sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine at Modified ECQ. Aniya, lockdown man o hindi ay kailangan pa ding panatilihin ang kaayusan sa paraang naaayon sa itinatadhana ng batas. Unang nanawagan si Justice Secretary…

Read More

OCTA ‘DI IPASASARA NG KAMARA

WALANG plano ang Kongreso na ipasara ang OCTA Research group na pinaiimbestigahan ng ilang kongresista para malaman kung saan galing ang mga datos nito sa COVID-19 cases na nagiging dahilan ng pagpa-panic ng mga tao. Sa lingguhang Ugnayan sa Batasan, kapwa sinabi nina Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay at Deputy Speaker Bernadette Herrera na malayo sa katotohanan ang mga ikinatatakot umano ng ilang sektor na magagaya ang OCTA sa ABS-CBN na naipasara ng Kongreso. “Nagulat kami that some sector wants to make it appear that this (investigation) is some…

Read More

Apela sa metro mayors BAN SA OUTDOOR EXERCISE IREKONSIDERA – DEFENSOR

UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Metro Manila mayors na irekonsidera ang kanilang desisyon na ipagbawal ang outdoor exercise sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon sa mambabatas, hindi ‘reasonable’ ang ipagbawal ng Metro Manila mayors ang paglabas ng mga tao sa kanilang tahanan upang mag-exercise dahil kailangan nilang magpalakas ngayong panahon ng pandemya. “There is no rhyme or reason or science in that prohibition. It is uncalled for and unreasonable. People, including the elderly, need to exercise even under the strictest of lockdowns because exercise boosts…

Read More

JOBLESS NAKORNER SA DRUG BUY-BUST

NASAKOTE sa ikinasang anti-illegal drugs operation ang isang umano’y drug pusher sa Manggahan St., Lakeview Homes. Brgy. Tunasan, Muntinlupa City noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Leo Romasanta, walang hanapbuhay, residente ng Maple St., Agro Homes, Brgy. Putatan, Muntinlupa City. Nakuha ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit sa pag-iingat ng suspek ang tinatayang 1.5 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P10,200 ang halaga. Ayon sa imbestigasyon, hirap na makakuha ng trabaho ang suspek kaya pinasok ang pagtutulak ng bawal na droga. Inihahanda na ng pulisya ang…

Read More

11 TIMBOG SA ONLINE SABONG

SWAK sa hoyo ang 11 sabungero na nabulagang nag-o-online sabong sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan. Tiklo nang inguso noong Martes ng hapon ng Barangay Intelligence Network (BIN) ng Barangay Tonsuya sa Malabon City sina Emmanuel Patio, 31; Cyrill Samarro, 27; Yaser Varona, 26; Roger Semillano, 56; Roberto Lucahin, 53, at Erehicito Jacutin, 33. Ayon sa tip, may mga nanonood at tumataya sa online sabong sa Damata Letre, Brgy. Tonsuya at nang salakayin ng mga parak ang nasabing lugar dakong alas-3:40 ng hapon ay nahuli sa akto ang mga…

Read More

9 PATAY SA COVID SA CAMANAVA

SIYAM ang naitalang namatay sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela noong Agosto 11, habang umakyat sa 2,858 ang active cases sa nasabing mga lungsod. Apat ang namatay sa Malabon City kaya’t umakyat na sa 491 ang COVID death toll sa lungsod.  Umabot naman sa 43 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 14,930 na ang positive cases sa lungsod, 708 dito ang active cases. Habang 36 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Acacia (1), Bayan-bayanan (3), Catmon (6), Concepcion (1), Flores…

Read More

2 HOLDAPER HULI SA HOT PURSUIT OPS NG PNP-BICOL

ARESTADO ang dalawang holdaper nang makorner ng mga tauhan ng ng Labo MPS sa isinagawang hot pursuit operation noong Agosto 2 sa Hillcrest Subdivision, Brgy. Bulhao, Labo, Camarines Norte. Ito ay matapos dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima ng mga suspek na sina Velmar Ortua y Mañago, 20, at Roel Ortua y Paitan, 18, kapwa residente ng Purok 2, Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte. Ayon sa salaysay ng biktima, habang naghihintay siya ng masasakyan pauwi dakong alas-7:10 ng gabi nang holdapin siya ng mga suspek at tinangay ang kanyang cellphone…

Read More