6 ARESTADO SA SUGAL, SHABU

ARESTADO ang anim na sugarol kabilang ang apat na babae, matapos makumpiskahan ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang mga arestado na sina Joel Mahusay, 43; Benjamin Dela Cruz, 22; Jean Rose Almonte, 21; Elsie Soriano, 18; Joan Mangaring, 39, at Marita Mijares, 41-anyos. Ayon sa imbestigasyon ni P/MSgt. Randy Billedo, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa nangyayaring illegal gambling activity na…

Read More

P95-M MARIJUANA WINASAK SA KALINGA

UMANI ng papuri mula kay Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga tauhan ng Police Drug Enforcement Group (PDEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagwasak nila sa P95 milyong halaga ng marijuana kasunod ng ikinasang marijuana eradication sa Tinglayan, Kalinga. Ayon sa ulat na isinumite kay P/General Eleazar mula sa PDEG, sa pamumuno ni P/BGen. Remus B. Medina, winasak ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA ang 22,500 piraso ng fully grown marijuana at 420 kilo ng pinatuyong mga dahon nito na…

Read More

2 CONCEPCION CRIME GROUP MEMBERS, NAKORNER

NADAKIP ang notoryus na miyembro ng Concepcion criminal gang sa isinagawang law enforcement operation ng Police Regional Office 5 –Albay PNP, kaugnay sa kasong paglabag sa probisyon ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa lalawigan ng Albay. Ayon kay PNP Bicol Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, naglunsad ng manhunt operation sa Brgy. Alongong, Libon, Albay sa bisa ng warrant of arrest laban sa akusadong si Jonathan Lascano y Cabrillas, 44-anyos, residente ng nasabing lugar. Sa nasabing operasyon, habang si Lascano ay binabasahan ng miranda doctrine ay…

Read More

Operasyon ng PNP-PRO5 pinaigting TAX COLLECTOR NG CPP-NPA HULI SA ENTRAPMENT

HULI sa akto ang kolektor ng Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri (RBKU) at miyembro ng New People’s Army sa isinagawang entrapment operation ng PNP-PRO5 sa pangunguna ng Daet MPS, noong Miyerkoles ng hapon sa harap ng Golden Palace Restaurant, Zabala St., Purok 4, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte. Sa report na natanggap ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang revolutionary tax collector na si Edelyn Royo y Quierra, 37-anyos, dalaga, at residente sa Mabini St., Purok 2, Brgy. Kanluran, San Vicente, ng naturang probinsya. Ayon kay Major Malou Calibaquib, tagapagsalita…

Read More

May apat na kaso ng Delta variant BULACAN NAIS ITAAS SA MECQ

BUNSOD ng naitalang apat na kaso ng COVID Delta variant at sa mabilis at patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease, pinaniniwalaan ng COVID Provincial Task Force na mga Delta variant na ang naitalang latest active cases sa nakalipas na 10 araw. Kaya naman hihilingin ni Governor Daniel Fernando sa national government partikular na sa COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions, na isailalim ang probinsiya sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) with some restrictions o kaya ay Modified ECQ with heightened restrictions. Sa isinagawang virtual meeting ng Bulacan COVID-19…

Read More

SOLON: NUTRITION PLAN NG QUEZON I-UPDATE

PINAREREPASO ng isang mambabatas sa Kamara ang Provincial Nutrition Action Plan ng Quezon upang palakasin ang pagtugon sa malaking problema ng malnutrisyon sa lalawigan. Apela ito ni Rep. Helen Tan sa pamahalaang panlalawigan kaugnay ng panawagan ni Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government sa lahat ng pamahalaang lokal sa bansa na i-update ang kanilang nutrition plans kasabay ng pagpapatupad ng full devolution sa susunod na taon. “Tunay na napapanahon ang kagyat na pagpapalakas ng mga plano at pagkilos ng ating lalawigan sa nutrisyon dahil sa mas…

Read More

PAGPATAY SA NEGOSYANTE SA NE, PINAIIMBESTIGAHAN

AGARANG pinaiimbestigahan ng Anak Mindanao (AMIN) party-list ang karumal-dumal na pagpatay at pagsunog sa isang negosyanteng Muslim sa Nueva Ecija. Naghain ng resolusyon si Anak Mindanao (AMIN) Partylist Rep. Amihilda Sangcopan para imbestigahan ang pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Nadia Casar sa Nueva Ecija ng diumano’y limang pulis sa nabanggit na lalawigan. Sa paunang imbestigasyon, sinasabing si Casar at ang driver ng nirentahang transport network vehicle service (TNVS) ay kinidnap noong July 20 sa Barangay Tagpos, Sta. Rosa, Nueva Ecija. Ninakawan umano ang drayber ng TNVS ng cellular phone…

Read More

PH 1st OLYMPIC GOLD SA BOXING Halos abot-kamay na ni Paalam

Ni ANN ENCARNACION LALABAN para sa gold medal sa men’s flyweight si Carlo Paalam matapos manaig kay Tanaka Ryomei ng Japan sa kanilang semi­finals match up kahapon sa Kokugikan Arena. Nanalo si Paalam sa bisa ng unanimous decision (5-0) sa kabila ng pagiging mas matangkad at agresibo ni Tanaka. Makakalaban ng 23-­ anyos na Pinoy ang taga-Great Britain na si Galal Yafai sa finals sa Sabado. Gaya ng kanyang plano, naging maingat ngunit hindi nagpabaya si Paalam sa pakikipagtuos sa hometown bet na si Tanaka. Ito’y sa kabila ng napa­ulat…

Read More

P.5-M sa bawat non-medalist Pinoy Olympians HINDI UUWING LUHAAN

Ni ANN ENCARNACION BILANG pasasalamat sa kanilang magiting na kampanya sa 2020+1 Olympics, pagkakalooban ng Philippine Olympic Committee (POC) at MVP Sports Foundation ng ­kalahating ­milyong piso (P500,000) ang bawat atletang Pilipino na ­nabigong makasungkit ng medalya sa Tokyo. “The non-medalists in the ­Tokyo Olympics will receive incentives of P500,000 each. No one will be left behind,” sabi ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. Naniniwala ang POC at MVP Sports Foundation ni business tycoon Manuel V. Pangilinan na karapat-dapat bigyan ng insentibo maging ang non-medalists na ­miyembro ng Team…

Read More