Ni EDDIE ALINEA AGOSTO taong 1936, panahon ng ilang makabuluhang kaganapan sa sports sa daigdig. Sa Yankee Stadium sa New York, si Joe Louis, tinaguriang “Brown Bomber” sa boksing ay nakaganti sa kanyang TKO na pagkatalo sa Alemang si Max Schmeling noong Hunyo 1935 nang pahintuin niya si Jack Sharkley, dating kampeon sa heavyweight, sa third round sa harap ng 35,000 apisyonado. Ngunit ang XI Games of the Olympiad na binuksan sa loob ng tinawag na “Kurtinang Bakal” sa Berlin noong Agosto 1 sa pangunguna ni Adolf Hitler at humigit-kumulang…
Read MoreAuthor: admin 2
Kung hindi gagawin ang ECQ – Palasyo ACTIVE COVID-19 CASES SA PINAS PAPALO SA .5M SA SETYEMBRE
SINABI ng Malakanyang na maaaring pumalo sa 525,000 ang active COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Setyembre kung hindi inilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20. Ang babala ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos na ilagay sa ilalim ng ECQ, strictest quarantine classification ang Kalakhang Maynila, sa pangatlong pagkakataon simula noong Marso 2020. “The projections we have is that we will have active 525,000 COVID-19 cases by end of September if we keep our current quarantine classifications.…
Read MoreGOBERNADOR INIIMBESTIGAHAN SA ‘DI NATAPOS NA PROYEKTO
INIIMBESTIGAHAN na ng Office of the Ombudsman ang reklamong inihain ng Presidential Anti – Corruption Commission (PACC) at ng Department of Justice kaugnay ng umano’y katiwalian laban sa isang gobernador, asawa nito at 15 iba pa dahil sa kwestiyonable o hindi umano natapos na mga proyektong imprastraktura na nagkakahalaga ng tinatayang P149 milyon. Ito ay kaugnay sa nakatengga o hindi pa rin natapos na proyekto na may kinalaman sa Nueva Vizcaya Convention Center, Improvement at Expansion ng Provincial Capitol Building 1 and 2 , at Conference Hall sa Lower Magat…
Read MoreTEASER SA SAP FUNDS ANOMALY, INILABAS NI PACQUIAO
INILABAS na ni Senador Manny Pacquiao ang “teaser” video na nagbubunyag sa mga anomalya sa distribusyon ng pondo ng programa, isang buwan bago pa man ang ipinangakong pagbubunyag sa mga detalye sa likod ng multi-billion Special Amelioration Program (SAP). Sa pamamagitan ng video, layon ni Pacquiao na maisiwalat sa publiko ang sistematiko at kaduda-dudang alokasyon ng bilyun-bilyong pondo ng SAP ng Department of Social Welfare and Development at isa sa kanilang financial service providers na Starpay. Sa paglalabas ng naturang 8 minutong video na may pamagat na “Hiwaga ng Ayuda”,…
Read More12-17-ANYOS PA LANG PWEDENG BAKUNAHAN
TANGING ang mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 na may comorbidity ang papayagan mabakunahan laban sa COVID-19. Ayon kay testing czar at deputy chief implementer of the National Action Plan Against COVID-19 Secretary Vince Dizon, ang bakunang Pfizer ang ituturok sa mga ito. “Opo, kung mayroon pong Pfizer puwede po yan pero kung wala kailangan pong maghintay. Maghintay lamang po muna,” ani Dizon. Para naman sa ibang kabataan na gusto na ring pabakunahan ng kanilang mga magulang, ang paliwanag ni Dizon ay iaasa nila ang bagay na ito…
Read MorePONDO SA AYUDA SAPAT
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi mauubusan ng pondo ang pamahalaan para sa ayuda sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa gitna ng COVID-19 pandemic. Pinanghawakan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez, na mayroong available funds kung saan kabilang na rito ang dividends ng Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCC) at savings mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Ang Kongreso aniya ay maaaring magbigay ng supplemental budget kung kinakailangan. “Hindi po tayo mauubusan ng pondo, iyan ang assurance natin sa…
Read MoreHUWAG MANIWALA SA FAKE NEWS!
ITO ang naging pahayag ng Malakanyang sa kumakalat ngayon sa social media diumano’y ipinatutupad na karagdagang COVID-19 restrictions, kabilang na ang hindi pagpayag sa mga unvaccinated na makalabas ng kanilang bahay. Hindi rin aniya totoo na hindi kasama ang mga ito sa makakakuha ng ayuda sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi dapat maniwala ang publiko sa “fake news” na ito. Ani Sec. Roque, malabong magpatupad ang pamahalaan ng ganitong limitasyon lalo pa’t hindi pa nakakamit ng Pilipinas ang population protection” o…
Read MorePAG-EXPORT NG LABOR HINDI MAGIGING POLISIYA NG PINAS
HINDI magiging polisiya ng bansa ang pag-export ng labor sa ibang bansa sakaling maging batas ang pagtatayo ng isang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos o DMWOF dahil isa sa layunin nito ang paglikha ng trabaho sa loob ng bansa, ayon kay Senator Joel Villanueva. Sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa SB No. 2234 nitong Miyerkules, ipinaliwanag din ng senador na may mandatory review ang oversight committee ng Kongreso sa sitwasyon ng paggawa sa bansa 10 taon matapos maitayo ang DMWOF para malaman kung kailangan pa ng serbisyo ng kagawaran.…
Read MoreTULAK NASUKOL NG PNP BICOL
TINATAYANG 50 gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Naga City Police Station 6, PDEA Cam Sur at Cam Norte sa ikinasang buy-bust operation noong Agosto 3 sa Vista Mall parking lot, Brgy. Del Rosario, Naga City. Sa isinumiteng ulat kay PNP-PRO5 Reginal Director Jonnel C. Estomo mula sa Naga City Police Office, na pinamumunuan ni P/Col. Marlon M. Catan, City Director, dakong alas-6:15 ng gabi nang mangyari ang palitan ng droga at bayad sa pagitan ng poseur buyer at suspek na kinilalang si Cesar C. Novelo, 45,…
Read More