KORAPSYON INAMIN SA SONA

MISTULANG nakapuntos si Senator Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Pangulong Mayor Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa isiniwalat ng pambansang kamao na mas mataas ang korapsyon ng kasalukuyang administrasyon kaysa mga nakalipas. Kung inyong matatandaan mga ka-SAKSI, nagalit si Pangulong Mayor Duterte kay Senador Pacquiao dahil sa alegasyon nito kung saan hinamon pa nito ang pambansang kamao na maglabas ng datos o ebidensya kaugnay sa kanyang mga paratang at binalaan pa nito si Pacquiao na sa oras na hindi nito mapatunayan ang kanyang alegasyon ay kanya itong ikakampanya na huwag iboto…

Read More

NAKAKULONG NA OFW SA RIYADH, HUMINGI NG TULONG

DUMULOG sa AKOOFW si Lourdes dela Cruz na nakakulong sa deportation jail ng Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa ipinadala niyang mensahe sa aking telepono, labing isang buwan na siyang nakakulong sa nasabing kulungan. Ngunit, bago pa man siya madala sa deportation center jail (jawasat), isang taon at pitong buwan siyang nakulong sa Malaz jail. Ayon kay Lourdes: “Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo na matulungan kaming mailapit at makahingi ng tulong sa ating pamahalaan  para sa mga katulad ko na may money claims dito po sa jawazat”. Idinagdag…

Read More

KAWAWA NA NAMAN TAYO KAPAG ECQ NA

DELIKADO na naman ang buhay ng nakararami sa mga residente sa National Capital Region (NCR) simula sa ­Agosto 6 na tatagal hanggang 20 dahil muling ipatutupad dito ang “enhanced community quarantine” (NCR). Napakarami na namang mga manggagawa na itinuturing na hindi esensiyal ang matitigil ang hanapbuhay. Kung hindi sila magtatrabaho, siyempre wala silang suweldo sa loob ng labinglimang araw. Pokaragat na ‘yan! Ang sagot ng administrasyong Duterte ay bibigyan ng P1,000 bawat manggagawang apektado ng ECQ. Magiging P4,000 kada pamilya kung apat ang miyembro nito dahil P1,000 nga bawat isa.…

Read More

2 WANTED SA MURDER ARESTADO SA PNP-PRO5

“TRUTH is always self-evident,” pahayag ni PNP-PRO 5 Regional Director Jonnel C. Estomo nang madakip ng kanyang mga tauhan ang isang most wanted person sa kasong murder sa Masbate City. Ang suspek na si Antonio Albao Montilla, residente ng Barangay Balete, Aroroy, Masbate, ay inaresto sa ikinasang law enforcement operation sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder, na inisyu ni Presiding Judge Teofilo B. Tambago, ng RTC Branch 45, Fifth Judicial Region, Masbate City. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing kaso ng suspek. Ayon kay Estomo,…

Read More

DALAGITA NALIGO SA DAGAT, NALUNOD

CAVITE – Natagpuan ang bangkay ng isang 15-anyos dalagita sa Tanza noong Lunes ng umaga makaraang malunod sa dagat sa Naic matapos na magkayaang maligo kasama ng ilang mga kaibigan noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Mary Ann Asne, ng Block 15, Lot 113, Phase 3, Ciudad Verde, Timalan, Naic. Ayon sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police Station, dakong alas-10:30 noong Lunes ng umaga nang nadiskubre ng isang Carlo Reymundo, 35, mangingisda, ang nakalutang na bangkay ng biktima sa dagat sa sakop ng Brgy.…

Read More

3 TIMBOG SA P340K SHABU SA VALENZUELA

NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyong halaga ng umano’y shabu nang madakip ang tatlong drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City noong Lunes ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang arestadong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46, construction worker; Darius Cabrales, 55, aircon technician, at Ernesto Savarez, 50, construction worker, pawang ng Brgy. Marulas. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela Police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-7:30 ng gabi nang…

Read More

4 ARESTADO SA TUPADA SA CALOOCAN

ARESTADO ang apat na indibidwal nang salakayin ng mga awtoridad ang isinasagawang tupada sa Caloocan City noong Lunes ng hapon. Kinilala ni NPD-District Special Operation Unit (NPD-DSOU) chief, P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang mga arestado na sina Johnny Banal, 55; Noli Esquilona, 44, Ryan Capoquian, 30, at Ernesto Domingo, 68, pawang mga residente ng lungsod. Ayon sa imbestigasyon ni P/MSgt. Julius Mabasa, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU mula sa isang concerned citizen ng ulat hinggil sa nangyayaring tupada sa gilid ng ilog sa Brgy. 35, Maypajo, Dagat-Dagatan. Agad bumuo…

Read More

2 BARANGAY SA NAVOTAS, GRANULAR LOCKDOWN

ISINAILALIM sa granular lockdown ang Barangay Tanza 1 at 2 sa Navotas City dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa nasabing mga barangay. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco noong Agosto 2 ang Executive Order No. TMT-163 Series of 2021, nakasaad na 44 sa 174 na inilabas na test results ng Philippine Red Cross Molecular Laboratory, ang positibo sa COVID 19. “Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa nasabing mga barangay.…

Read More

3 PATAY SA COVID SA MALABON, VALENZUELA

DALAWA ang naitalang namatay sa Malabon City at isa naman sa Valenzuela City dahil sa COVID 19 noong Agosto 2. Bunsod nito ay umakyat sa 467 ang COVID death toll sa Malabon City. Ayon sa City Health Department ng nasabing lungsod, 79 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 14,317 ang positive cases, mula sa nasabing bilang ay 512 ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Baritan (18), Concepcion (11), Flores (4), Hulong Duhat (2), Longos (10), Muzon (4), Niugan (1), Potrero (2), San…

Read More