SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na binawi na ni Lapu-Lapu City, Cebu Mayor Junard Chan ang kanyang polisiya na “no vaccine, no entry” at nagbabawal sa mga unvaccinated individuals na makalabas ng kanilang bahay. Tinukoy ni Sec. Roque ang polisiya ni Chan na naglilimita sa access ng mga unvaccinated individuals sa public at private markets, supermarkets, convenience stores at department stores at payagan lamang ang mga fully vaccinated individuals na makapasok sa mga nasabing establisimyento simula Agosto 25. “That EO .. by the mayor has been revoked,” ayon kay…
Read MoreAuthor: admin 2
27 ‘FAKE NEWS’ SITE TARGET SA CYBER LIBEL NA IKINASA NI PACQUIAO
NAGKASA ng ‘giyera’ laban sa fake news ang kampo ni Senador Manny Pacquiao upang magsilbing babala sa mga tinaguriang social media trolls. Sa kasagsagan ng kanyang pagsasanay sa nalalapit na laban kontra sa American welterweight champion na si Errol Spence Jr., nahaharap din sa giyera kontra social media trolls si eight-time world division boxing champ Senator Pacquiao. Ito ay sa gitna ng pagkalat ng mga fake news laban sa senador hinggil sa umanoy maanomalyang multi-billion sports complex project sa Sarangani. Ani Pacquiao, determinado siyang mapanagot ang mga socmed trolls na…
Read MoreMGA PESTE SA AGRIKULTURA, ‘DI NAKALUSOT
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang lagayan na naglalaman ng labing-apat na piraso ng buhay na beetles at larva. Nadiskubre ang mga peste sa agrikultura sa plastic tubes na itinago sa packages ng snacks, biscuits, noodles at chocolates noong Hulyo 29 nang dumating ito sa Central Mail Exchange Center (CMEC). Ang beetles ay kilalang insektong kumakain ng mga halaman. Kilala rin ito bilang garden pests na sumisira sa mga pananim. Ang larvae nito ay kumakain ng plant roots…
Read MoreBOC HUMATAW SA JULY TARGET COLLECTION
SA kabila ng epekto ng patuloy na matinding limitasyon dahil sa pandemya ng coronavirus disease – 2019 (COVID-19) sa kalakalan at komersiyo, napakaganda pa rin ng koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC) nitong Hulyo. Masasabing humataw ang BOC dahil nakakolekta ito ng P58.183 bilyon, samantalang ang tudlang koleksiyon nito sa Hulyo ay P53.751 bilyon lamang. Kaya, pumalo sa P4.432 bilyon ang sobra nito sa tudla o 8.2 porsiyento ang katumbas nito. Base sa preliminary report ng BOC-Financial Service, 14 sa 17 Collection Districts ng ahensiya ang nakaabot ng kanilang target.…
Read MoreP86-M PULANG SIBUYAS HINARANG SA BOC-SUBIC
HINDI nakalusot sa Bureau of Customs Port of Subic (BOC-Subic) nitong Hulyo ang 23 forty-footer containers mula China nang madiskubreng pulang sibuyas ang laman ng mga ito, sa halip na mga tinapay. Ayon sa BOC-Subic, mga tauhan ng Field Station ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Subic District Command ng Enforcement and Security Service (ESS) ang humarang sa mga sibuyas. Pumalo sa P86.250 milyon ang kabuuang halaga ng mga kinumpiskang sibuyas na naka-consigned sa isang “Duar Te Mira”. Ayon sa BOC-Subic, nang dumating ang dalawang batches ng…
Read MoreLISTAHAN NG MGA PWEDENG LUMABAS SA PANAHON NG ECQ
IPINALABAS na ng Task Force COVID Shield ngayong Martes ang listahan ng mga taong papayagan makalabas ng kanilang tahanan sa panahon ng enhanced community quarantine sa Kalakhang Maynila simula Agosto 6. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni task force commander Police Lieutenant General Israel Dickson na ang mga employers at manggagawa ng essential manufacturing, establishments, services, at industries ay papayagan na makalabas ng kanilang tahanan. Kasama rin sa authorized persons outside residence (APORs) ang mas maraming tao na may important appointments, ibang vocations, at emergencies.…
Read MoreDAILY JAB AVERAGE PUMALO NA SA 500K
PUMALO na sa mahigit 500,000 ang daily average ng administered COVID-19 vaccine na naitala ng pamahalaan nuong isang linggo. Sa pag-uulat ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi nito na nakapagtala sila ng daily average na 523, 018 dose. Lumalabas din aniya na nasa higit 3 milyon ang nabakunahan noon lamang isang linggo o sa nakaraang pitong araw na umabot sa 3,661,123 jabs. Sinabi pa niya na nasa 9.1 milyong mga Filipino na ang…
Read MoreCOMMUNITY PANTRIES SA NCR TABLADO
HINDI pabor ang Local Government Units (LGUs) sa community pantry sa panahon ng ECQ sa National Capital Region (NCR) habang hinihintay ang ayuda na manggagaling sa pamahalaan. Ang pangamba kasi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ay baka ito pa ang pagmulan ng pagkahawa-hawa ng tao ng variants ng COVID-19. “Well, alam ninyo ang problema kasi natin sa community pantry kung magpapapila ka tapos maging superspreader event eh siguro i-coordinate na lamang para maibahay-bahay na lang po ito. As much as possible kasi ang purpose ng ECQ…
Read MoreP13-B GUGUGULIN SA CASH GRANTS
SINABI ng Malakanyang na gagastos ang pamahalaan ng P13 bilyon para pondohan ang cash grants sa mga low income Metro Manila residents bunsod ng nalalapit na two-week enhanced community quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque Jr. na ang pondo ay huhugutin mula sa savings o ipon ng mga ahensiya ng pamahalaan alinsunod sa Administrative Order 41 na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Mayo at koleksyon mula sa Bureau of Treasury. “This is for 10.7 million residents worth P13.1 billion. That is…
Read More