WALANG katotohanang tumigil ang Bureau of Customs (BOC) sa ipinatrabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga. Katunayan, ang pinakabagong nagawa ng BOC tungkol sa numero unong kampanya ng administrasyon ay ang pagkumpiska ng P5.2 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na higit na kilala sa tawag na shabu, o meth, nitong Hulyo 30. Ang nakasabat sa shabu ay ang pinagsamang mga elemento ng BOC-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG). Nadiskubre ang 763 gramo ng shabu…
Read MoreAuthor: admin 2
MALING IMPORMASYON NAKARATING SA PANGULO
PINANINIWALAANG hindi nabigyan ng tamang impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kaso ng ilang immigration officials patungkol sa “Pastillas scheme”. Nauna nang ipinahayag ng pangulo na ang mga nasabing opisyal ay nasibak sa serbisyo matapos ang 6-month preventive suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman (OMB) na ngayon ay nakabalik sa serbisyo habang patuloy ang pagdinig sa kanilang kaso. Kaugnay nito, pinupuri natin sina Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevara at Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval sa pagtutuwid sa sinabi ng pangulo na ang mga…
Read MoreKAPE AT TINAPAY ANG PAGKAIN ARAW-ARAW
ISANG sumbong ang ipinarating sa AKOOFW ni Marilyn Cabantugan na nagtatrabaho sa Abdul Azis Ibn Ray, Riyadh, Saudi Arabia. Sabi ni Marilyn, nakarating siya sa Saudi, sa pamamagitan ng I-Excell Manpower Corporation. Tapos na ang 2-taong kontrata ni Marilyn noong Mayo 15 ng taong kasalukuyan. Ngunit, hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang payagan ng kanyang amo na makauwi sa Pilipinas. Sabi ni Marilyn, “nu’ng 6 months pa lang po ako rito ay pinagbintangan na po nila akong kumuha ng pera. Pinapulis po ako, kaya ako natakot, kaya humingi po…
Read MorePILIPINAS NAGPAKITANG GILAS SA 2020 TOKYO OLYMPICS
GUMAWA ng kasaysayan ang mga atletang Filipino na kumatawan sa bansa sa 2020 Tokyo Olympics. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapag-uwi ang bansa ng gintong medalya dala ng weightlifter at two-time Olympic medalist na si Hidilyn Diaz. Ito rin ang unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon na muling makapag-uuwi ng higit isang medalya ang bansa dahil sa kahusayang ipinamalas ni Pinay Boxer Nesthy Petecio na lalaban para masungkit ang ikalawang ginto ng Pilipinas. Tinalo ni Diaz ang walong weightlifter sa Women’s 55-kg category, kabilang ang world record holder na si Liao…
Read MoreNCR PLUS BORDERS HIHIGPITAN
(CYRILL QUILO) MAHIGPIT na ang pagbabantay sa mga border sa paligid ng National Capital Region (NCR) plus simula alas-12 ng hatinggabi ng Linggo, Agosto 1. Bagaman sa isang linggo pa magsisimula ang muling pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng Metro Manila ay naglatag na ng border control points dito at sa karatig lalawigan ng Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite. Nabatid na iniutos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay JTF Covid Shield Commander at PNP Deputy Chief for Operations, Lt. Gen. Israel Dickson, na…
Read MoreORGANISADONG PAGBABAKUNA IPINANAWAGAN NG SOLON
NANAWAGAN sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan si ACT-CIS Party-list Representative Rowena Niña Taduran na pag-ibayuhin ang pagpapalaganap ng kaalaman at isulong ang mas organisadong pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mamamayan. Ayon sa House Asst. Majority Leader, nakapagpapagulo lamang sa kasalukuyang sitwasyon ang mga salita kaugnay sa diumano ay pagtanggi ng mamamayan na magpabakuna. “I don’t believe there’s a massive vaccine hesitancy in Filipinos. The problem lies in the lack of supply and vaccinators and the vaccination process is mostly disorganized,” ayon kay Taduran. Sinabi ng mambabatas na ang…
Read More3 COVID-19 DEATHS NADAGDAG SA VALENZUELA
TATLO ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Hulyo 30, habang isa naman ang binawian ng buhay sa Navotas City sa sumunod na araw, ayon sa health office ng nasabing mga lungsod. Umakyat na sa 564 ang COVID death toll sa Valenzuela City kasabay nang paglobo sa 466 ng active cases sa siyudad matapos na 58 ang nagpositibo sa virus at 31 lamang ang gumaling. Pumalo na sa 21, 765 ang mga tinamaan ng COVID sa Valenzuela, at sa nasabing bilang ay 20,735 na ang gumaling. Samantala pumanhik…
Read More2 SUGATAN SA PAMAMARIL NG HIT AND RUN SUSPECT
SUGATAN ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang mabundol ng isang Mitsubishi Sedan habang sugatan din ang isang traffic enforcer at isang bystander nang mamaril ang tinutugis na hit and run suspect sa Tondo, Manila noong Biyernes ng tanghali. Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si John Gabriel Villegas y Orosco, 29, ng Blk. 188, Lot 8, Sta. Maria St., Pembo, Makati City. Habang nasa maayos nang kondisyon sina alyas “George,” 16-anyos na biktima ng hit and run; Mark Melan y Sumulong, miyembro ng Manila Traffic and…
Read MoreP10-M AYUDA INILAAN PARA SA NCR LOCKDOWN
SIMULA ngayong araw, daan-daang sako ng bigas at tone-toneladang delata ang ipamamahagi ng ACT-CIS party-list sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bilang tulong sa mga maaapektuhan ng lockdown simula sa Agosto 6. Ayon kay ACT-CIS Rep. Eric Yap, ang pinamili ng mga bigas at delata ay galing sa personal na budget niya at mga kasamang sina Cong. Jocelyn Tulfo at Nina Taduran. “Alam namin na said na sa pondo ang gobyerno pati na ang LGUs (local government units) kaya naisipan namin na tumulong na rin sa pagbibigay ng ayuda…
Read More