KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na suspendido ang kanilang plenary sessions mula August 9 hanggang 11 dahil sa muling pagsailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng Metro Manila. Sinabi ni Zubiri na nagkasundo ang mga senador na huwag munang magkaroon ng sesyon sa gitna ng pinaiiral na protocol. “Yes, that’s confirmed,” saad ni Zubiri. Una nang sinabi nina Senate President Vicente Sotto III at Zubiri na pinag-aaralan nila ang suspensyon ng sesyon. Sinabi ni Sotto na posibleng mahirapan ang ilan nilang empleyado sa pagko-commute kahit skeletal schedule…
Read MoreAuthor: admin 2
LGUs HINDI NA MAGLALABAS NG Q PASS
HINDI na magpapalabas ang Local Government Units (LGUs) ng bagong quarantine pass na gagamitin sa dalawang linggong pagsasailalim sa Metro Manila (MM) sa ECQ simula sa Agosto 6 hanggang 20. “Iyon pong tinatawag na quarantine pass. Kung ano ang pinractice noong araw ng mga local government units eh iyon na lamang po muna ang gagawin namin ngayon because mabilisan po kasi ito eh dahil we’re talking about 5 more days from now para mag-imprenta kami, mag-collate na naman kami ng mga pangalan, masyadong mabigat po,” ayon kay MMDA chair Benhur…
Read More2.5M DOSES NG BAKUNA TINIYAK PARA SA LGUs
TINATAYANG 2.5 million doses lamang ng bakuna laban sa COVID-19 ang maaaring ibigay ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs). “Well gaya po ng sinabi ng resolusyon eh kung subject to supply po eh pagbibigyan naman po iyan. Pero ang alam ko po noong huling tinanong si Sec. (Carlito) Galvez, ang siguradong-sigurado eh hanggang 2.5 million pero subject to supply. Titingnan po nila kung maabot nila ang 4 million,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa kabilang dako, sinabi naman ni MMDA chair Benhur Abalos na handa silang ilarga ang…
Read MoreSimula sa Biyernes BORDER CONTROL SA LOOB NG NCR
NAGPAPATUPAD na ngayon si DILG Secretary Eduardo Año ng border controls na naglalayong hindi payagan ang mga residente ng Metro Manila na makalabas o makapunta sa karatig-lalawigan na posibleng maging dahilan para maikalat ang Delta variant. Sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque na may ikinasa nang pag-kontrol ang DILG sa labas ng Kalakhang Maynila. Subalit pagdating aniya sa Agosto 6, sa pagsisimula ng ECQ sa MM, ipatutupad ang border controls sa loob na ng NCR. Kaugnay nito, bantay-sarado na sa pamamagitan…
Read MoreHiwalay na biyahe sa bakunado at hindi pa TRANSPO BUBBLE PAG-AARALAN
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na pag-aaralan ng Technical Working Group (TWG) ang panukala na magkaroon ng transpo bubble kung saan magkakaroon ng exclusive buses at iba pang public transportation na para lamang sa mga bakunadong indibidwal. Aniya, ang nasabing panukala ay pormal na isusumite sa Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-aralan ng TWG at desisyunan. Samantala, kumbinsido naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na kailangang panatilihin ang public transportation sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Sinabi ni Abalos sa virtual press briefing ni…
Read MoreBISA NG VACCINATION CARD, PALAWAKIN
INIREKOMENDA ni Senadora Grace Poe ang pagpapalawak ng saklaw ng vaccine card upang mas malayang makagalaw ang mga nabakunahan nang indibidwal at maging madali sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na makabiyahe para sa kanilang trabaho. “Ngayong muli na namang ipinatupad ang dalawang linggong lockdown, kailangang magkaroon ng recovery plan sa ekonomiya para hindi magsara ang mga negosyo at hindi mawalan ng trabaho ang mga tao sa gitna ng pandemya,” saad ni Poe. Una nang inihain ni Poe ang Senate Bill No. 2321 para palawakin ang layunin ng vaccine card…
Read More3 BOC PORTS IBINAHAGI ANG ‘GOVERNANCE BEST PRACTICES’
UPANG mapalaganap ang mahuhusay at kagilas-gilas na sistema ng pangangasiwa ng organisasyon sa makabagong panahon, ibinahagi ng tatlong pantalan ng Bureau of Customs (BOC) ang kani-kanilang “best practices” sa isa’t isa. Isinagawa ito ng Port of Manila (POM), Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) at Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo 28, sa pamamagitan ng zoom tele conference. Ang aktibidad ay batay sa tinawag ng BOC na “Inter-port Governance Sharing”. Ibinahagi ng POM at NAIA ang kanilang karanasan mula sa paghahanda hanggang sa aktuwal na presentasyon tungo sa…
Read MoreSi Atty. Marietta D. Zamoranos ang CCC Chairperson BOC PINUNO NG ASEAN CUSTOMS
ITINALAGANG chairman ang Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas sa naganap na ika-30 ASEAN Customs noong Hunyo 8 hanggang 10. Ang aktibidad na ito kung saan nagkita-kita at nagpulong ang mga pinuno ng Customs agency ng mga bansa sa ASEAN ay binigyan ng responsibilidad ang BOC ng Pilipinas na pamunuan ang Customs Coordinating Committee (CCC). Ang layunin nito ay upang madagdagan ang kahusayan sa koordinasyon sa mga aktibidad at aksyon ng ASEAN Customs. Kasama sa naging tungkulin nito ang pagiging regional coordinator ng ASEAN Technical Working Groups (TWGs) tulad ng…
Read MoreP50-M HALAGA NG SIGARILYO WASAK SA BOC-CDO
UMABOT sa P50 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang winasak ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro (CDO) nitong Hulyo 28, sampung buwan makalipas ang pagkakakumpiska sa naturang ilegal na mga produkto. Ang multimilyong halaga ng sigarilyo ay kinabibilangan ng 1,700 master cases na katumbas ng 85,000 reams ng mga sigarilyo na ang mga tatak ay “Two Moon”, “Mighty”, “Marvel” at “Royal”. Ayon sa BOC-CDO, ipinadala ito sa DENIAN Dry Goods Trading. Batay sa talaan ng BOC-CDO, dumating sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan mula China ang…
Read More