SANGKOT SA DROGA NAMATAY SA SELDA

CAVITE – Isang preso ang namatay sa Custodial Center ng Bacoor City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Pedro Villatura, 66, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:50 ng gabi nang nakaramdam ng hirap sa paghinga si Villatura dahilan upang isugod sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA) 229

Read More

17 DELTA VARIANT NATUKOY SA LAGUNA

LAGUNA – Umakyat na sa 17 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng Provincial Health office nitong Martes. Naitala ang nasabing bilang matapos lumabas ang resulta sa isinagawang genome sequencing makaraan ang halos tatlo hanggang apat na linggong paghihintay. Hindi na tinukoy kung saang lugar nagmula ang mga pasyenteng nagkasakit. Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad, nakarekober na ang mga pasyente ngunit isasailalaim pa rin sa swab test para mahanap ang kanilang mga naging close contact. Samantala, minamadali na ang pagbabakuna sa…

Read More

Nagpaputok nang sitahin 2 VANDALS NA NPA NAPATAY NG PNP-PRO5 *1 pang CTG nabitag

NAPATAY ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) nang paputukan ng mga rebelde ang mga awtoridad makaraang sitahin sa pagsusulat ng “DUTERTE IBAGS” sa pader sa Brgy. Lower Binogsacan, Guinobatan, Albay noong Lunes. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, bahagi ng pagsisikap ng PNP na matiyak ang kaligtasan na mga Bicolano sa pagsasagawa ng police and mobile visibility sa buong sulok ng rehiyon. Dahil naka-full alert ang buong PNP kaugnay sa huling State of the Nation Address ni…

Read More

MGA PROGRAMA PARA SA ECONOMIC RECOVERY, SUPORTADO NG SENADO

TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na susuportahan ng Senado ang lahat ng programa ng gobyerno na may kinalaman sa economic recovery. Sinabi ni Sotto na tututukan nila sa 3rd regular session ng 18th Congress ang mga programa para labanan ang COVID 19 at ang vaccination program. Sa pagbubukas ng sesyon nitong Lunes, kabuuang 21 senador ang dumalo kabilang na ang 13 na physically present habang 8 ang virtually present. Sa kanyang speech sa pagbubukas ng sesyon, sinabi ni Sotto na patuloy na maglalaan ang Senado ng pondo…

Read More

EDUKASYON AT DAGDAG AYUDA, PINATUTUTUKAN SA ADMINISTRASYON

UMAASA si Senador Grace Poe na tututukan ng gobyerno sa huling 11 buwan ng panunungkulan ang kapakanan ng mga estudyante at guro upang magpatuloy ang pagkatuto sa gitna ng kinakaharap na Covid19 pandemic. Sinabi ni Poe na umaasa siyang bago ang pagsisimula ng klase sa Setyembre ay mabibigyan na ng bakuna ang lahat ng mga guro at ibang estudyante.’ “Magpapasukan itong Setyembre ang ating mga estudyante. Sana at least ang mga teachers natin lahat mabakunahan na. At ‘yung ibang mga estudyante din naman ay mabigyan ng proteksiyon,” pahayag ni Poe.…

Read More

IMBITASYON NG HNP, TINANGGAP NA NI ZUBIRI

KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na tinanggap na niya ang imbitasyon ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) para mapabilang sa kanilang senatorial slate sa 2022 elections. “Yung HNP, kinausap din ako ni Speaker Lord (Allan) Velasco and I’ve accepted also their invitation to be part of their slate. Lalo na’t taga-Mindanao ako,” saad ni Zubiri sa press briefing sa Senate Media. Sa kabilang dako, sinabi rin ni Zubiri na nakikipag-ugnayan na rin sa kanya ang 1Sambayan subalit hindi pa anya ito tinatanggap dahil ayaw nilang mabigyan siya ng…

Read More

SONA 2021 TUMAGAL NG HIGIT 2 ORAS

INABOT ng dalawang oras at 45 minuto ang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng hapon. Kabilang sa mga present sa SONA sina: DOTr Sec. Arthur Tugade, Papal Nuncio Archbishop Charles Brown, DOT Sec. Bernadette Puyat, DILG Sec. Eduardo Año, DOH Sec. Francisco Duque III, PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, maging ang mga aktor na sina Robin Padilla at Philip Salvador. Isa sa mga ibinida ng pangulo ang paghabol o pagtugis sa water concessionaires na kanya umanong maipagyayabang sa kanyang mga anak.…

Read More

Tututukan sa pagbabalik ng Senado 4 PANUKALANG BATAS PARA SA WORKERS

SA pagbabalik ng sesyon ng Senado sa 3rd Regular session ng 18th Congress, inihayag ni Senador Joel Villanueva ang apat na priority bills para sa kapakanan ng manggagawa, sa loob at labas ng bansa, bago sumapit ang halalan sa 2022. Ayon kay Villanueva, nangunguna sa tututukan ng Senate committee on labor and employment na kanyang pinamumunuan ang pagtatatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos. “Napapanahon na pong magkaroon ng isang bahay para sa ating mga OFWs at migrant Filipinos. Mas dama po natin ang kanilang mga suliranin ngayong…

Read More

Supply galing sa Bilibid 2 ARESTADO SA P240K SHABU

ARESTADO ang umano’y dalawang bigtime na tulak ng hinihinalang mga drug lord sa loob ng New Bilibid Prison, sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng NCRPO RID-RDEU, PDEG nitong Lunes ng madaling araw sa Pasay City. Dakong alas-3:00 ng madaling araw nang ikasa ng magkasanib na pwersa ng NCRPO RDEU, PDEG at Pasay City Police Station ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Darren Decena ng Cuyegkeng ng Pasay City, at Bernadeth Barrientos ng Ampaya Compound, Brgy. Putatan, Muntinlupa City. Nasamsam kina Decena…

Read More