INIHAYAG ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nasa 46 porsiyento ng mga Pinoy ang hindi boboto sa Mayo 2022 elections kung magpapatuloy ang COVID 19 pandemic. Sinabi ni Zubiri na batay ito sa kanyang pinakomisyon na survey sa Pulse Asia kaugnay sa kahandaan ng taumbayan sa vaccination program at sa national elections. “Hindi po natin sila masisisi kung ganun ang kanilang pangamba at posisyon. Mas mahalaga naman po talaga ang buhay kaysa sa pagboto,” saad ni Zubiri. “Nakakatakot lang dahil posible pong ang mahahalal na mga lider ng…
Read MoreAuthor: admin 2
School electrification ng One Meralco Foundation, malaking tulong ngayong pandemya
Ngayong pandemya, isang matinding hamon para sa mga guro at mag-aaral sa mga malalayong paaralan sa bansa ang kawalan ng access sa kuryente. Bago pa man dumating ang COVID-19, libu-libong pampublikong paaralan na sa bansa ang walang power supply. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa ilan sa mga pinaka-malalayong isla at kabundukan sa bansa. Isa na rito ang Corocawayan Elementary School sa isla ng Camandag, Sto. Nino, Samar. Ang mismong isla ay dalawang oras kung babangkain mula sa mainland kaya naman hindi ito maabot ng serbisyo ng kuryente. ISA ang…
Read MoreCONCEPCION: PAMPRIBADONG SEKTOR, SUPORTADO ANG DALAWANG LINGGONG ‘LOCKDOWN’ PARA MAISALBA ANG ATING BUHAY AT PANGKABUHAYAN
Kasunod ng mga naiulat na nagpositibo sa Delta variant sa bansa, sinang-ayunan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion, kasunod ng talakayan sa pampribadong sektor, ang panukalang magpatupad muli ang pamahalaan ng dalawang linggong lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant. “We have to protect the lives of the most vulnerable ones most especially our unvaccinated kababayans and continue the aggressive vaccination rollouts while addressing the problem of Delta,” saad ni Concepcion. Binigyang-diin ni Concepcion ang kahalagahan ng 4th quarter o huling bahagi ng taong…
Read MorePAGBIBIGAY NG HIWALAY NA INSENTIBO KAY HIDILYN, IKINUKONSIDERA NG SENADO
PINAG-AARALAN na ng Senado ang pagbibigay ng hiwalay na insentibo kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz. Sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pinag-aaralan na ng kanilang tanggapan kung magkano ang maaaring ibigay kay Diaz. Kasabay nito, ipinasa ng Senado ang mga Resolutions na nagbibigay pagkilala kay Air Force Sergeant Hidilyn Diaz dahil sa pagsungkit ng unang gold medal para sa bansa sa Olympics. Kasama sa inadopt ng Senado ang Senate Resolution Nos. 793, 794, 795, 796, 797, 798, 799, 800, 801, 802, 803, 804 at 805 na…
Read MorePAGBANGON NG MARAWI PINABIBILISAN NI DUTERTE
WELCOME kay Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan ang pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA) na bilisan ang rehabilitasyon sa Marawi City. Umaasa ang mambabatas na sa marching order na ito ni Pangulong Duterte ay agad tutugon ang Task Force Bangon Marawi dahil matagal na aniya ang paghihintay ng mga apektadong residente sa nabanggit na lungsod matapos itong kubkubin ng mga rebelde. “My heart leaped with gladness when the president ordered to fast-track all the rehabilitation efforts to Marawi. I am one with…
Read MoreCOVID-19 CASES SA NCR TUMAAS PA
PATULOY sa pag-akyat ang bilang ng mga naitatalong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Ngayong linggo ay umakyat sa 47% ang mga naitalang kaso na mas mataas kumpara noong nakalipas na linggo. Sa press briefing sa Malacanang, kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pag-akyat ng kaso. “Dito sa NCR, tumaas tayo ng mga 47% itong linggong ito compared doon sa nakaraang linggo,” ayon kay Duque. Sinabi ni Duque na nakapagtala ang Metro Manila ng mahigit 900 bagong kaso ng impeksiyon kada araw sa…
Read MoreARMORED VAN, CLOSE VAN NAGBANGGAAN
SUMABOG ang unahang gulong ng armored van na naging dahilan upang sumalpok ito sa isang closed van sa Pandacan, Manila noong Lunes ng gabi. Nagkaayos din ang driver ng Philippine Army Armored vehicle at ang driver ng aluminum closed van Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-11:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa north bound lane ng Mabini Bridge sa Pandacan. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang northward lane ng Mabini bridge, Pandacan, nang sumabog ang kanang harapang gulong ng armored…
Read More‘ADIK’ NA POLICE COLONEL SINIBAK
LAGUNA – Sinibak sa serbisyo ang isang police colonel nang magpositibo sa isinagawang random drug testing ng Police Regional Office Calabarzon noong Mayo 19, 2021. Ayon kay Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Eliseo DC Cruz, bagong lipat lamang sa PRO4-A si P/Lt. Col. Marlou Dumagat Besona nang magpositibo ito sa ilegal na droga. Agad nagsagawa ng administrative proceedings kay Besona at napatunayang guilty sa paggamit ng ilegal na droga na nagresulta sa hatol na ‘dismissal from the service.’ Hindi na naghain ng motion for reconsideration si Besona kaya epektibo…
Read MoreGINANG NA SOLO SA BAHAY, PINATAY
QUEZON – Patay ang isang 52-anyos na ginang matapos na tadtarin ng saksak sa loob mismo ng kanyang bahay sa bulubunduking barangay sa bayan ng Padre Burgos, sa lalawigang ito. Noong Lunes ng umaga nang madiskubreng wala nang buhay ang biktimang si Imelda Santos habang nakabulagta sa ibabaw ng cabinet sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Yawe. Tadtad ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay. Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ng suspek na posibleng nakilala ng biktima kaya pinatay ang…
Read More