NAIS ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na ipaimbentaryo ang mga drogang nakumpiska ng mga ito upang malaman kung nakupitan ito at ibinalik sa kalsada. Ginawa ni Barbers ang kautusan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at maging sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos lumabas sa pagdinig ng komite noong Martes na droga ang ibinabayad sa mga asset at informant sa nakaraan. “As of now, we have no clear knowledge or understanding on the disposition of previously seized drugs that…
Read MoreAuthor: admin 2
Rep. Romualdez sa law enforcement agencies PAGTUGIS SA HOARDERS AT SMUGGLERS PAIGTINGIN
HINIMOK ni House Speaker Martin Romualdez ang law enforcement agencies na higit pang paigtingin ang pagtugis sa mga hoarder at smuggler ng agricultural products, partikular na ng bawang at sibuyas, sa bansa. Sa isang pahayag, ikinatuwa ng lider ng Kongreso ang pagiging epektibo ng mga raid na ginagawa ng law enforcement agencies sa mga warehouse at container van na hinihinalang naglalaman ng mga smuggled na produkto. Ayon sa mambabatas mula sa Leyte, lumilitaw na itinatago lang ng mga “tusong negosyante” ang mga agricultural products para manipulahin ang presyo. Dagdag pa…
Read MorePEKENG YOSI, NADISKUBRE SA TRAFFIC VIOLATION
DAHIL sa isang simpleng paglabag sa batas trapiko, nadiskubre ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang pekeng 18 kahon ng sigarilyo na tinatayang P1,440,000 ang halaga, sa loob ng closed van sa MTPB – Central impounding area sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila. Binitbit ng mga awtoridad ang driver ng closed van na si alyas “Johndreyl”, 31, at pahinanteng si alyas “Sixto”, 40-anyos. Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-SMaRT, bandang 1:45 ng hapon noong Martes nang sitahin ng mga…
Read MoreHONORARIUM NG POLL WORKERS NAIS ITAAS
HINILING ng Commission on Elections (Comelec) na itaas ang honorarium ng poll workers ng hanggang P10,000. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nararapatan nang taasan ang honorarium para sa poll workers, simula sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30. Ayon sa opisyal, gagawa ang Comelec ng paraan upang maging P10,000, P9,000, P8,000 ang matatanggap ng poll workers sa araw ng halalan. Paliwanag ni Garcia, ang planong madagdagan ang honorarium ng mga manggagawa sa halalan ay dahil manual na idaraos ang botohan. Ang karaniwang natatanggap ng…
Read More24 BODEGA, BISTADO SA ONION HOARDING
TUMATAGINTING na P150 milyong halaga ng sibuyas ang kinumpiska ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa 24 na bodega sa Lungsod ng Maynila at Camanava sa Metro Manila. Sa kalatas ng BOC, pinasok ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba mula sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Philippine National Police-Crime Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 24 bodega sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio. Bulilyaso ang sandamakmak na sibuyas, bawang at…
Read MorePRAYORIDAD, INILATAG NG BAGONG BOC CHIEF
SA hangaring tiyakin ang pag-usad ng kalakalan, inilatag ni bagong Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga prayoridad ng kawanihan sa ilalim ng kanyang liderato. Sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC), kabilang sa mga prayoridad ng bagong talagang BOC chief ang pagtugis sa mga sindikato sa likod ng malawakang smuggling sa iba’t ibang panig ng bansa. Pasok din sa kanyang talaan ang pagrerebisa ng mga umiiral na prosesong angkop aniyang gawing simple para sa mas malawak na kalakalang inaasahang magsasampa ng mas mataas na koleksyong kalakip ng mga pumapasok at…
Read MoreBARANGAY TANOD PATAY SA KABARO SA INUMAN
BATANGAS – Patay ang isang 49-anyos na barangay tanod nang pagsasaksakin ng kanyang kabaro sa inuman sa Lipa City noong Linggo ng gabi. Kinilala ng Lipa City Police ang napatay na si Rogelio Dalisay, residente, at tanod ng Barangay Bulacnin, Lipa City. Nilalapatan naman ng lunas sa Metro Lipa Medical Center ang isa pang barangay tanod na si Expelito Recio, 46-anyos. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang dalawang biktima at iba pang mga bisita sa bahay ng kanilang barangay captain nang dumating ang suspek na si June Africa, isa ring barangay tanod.…
Read MoreP3.7-M KUSH MULA CANADA, NASAMSAM SA SUBIC FREEPORT
MAHIGIT dalawang kilo ng high grade marijuana o kush, ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang controlled delivery operation sa Subic Bay Freeport Zone noong Lunes ng hapon. Isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Zambales Provincial Office, Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, at Port of Subic ang operasyon at naaresto ang 32-anyos na si alias “Niko” na siyang tatanggap ng package. Nakumpiska ng mga awtoridad ang 5 pouches na naglalaman ng tinatayang 2,336 grams ng dried leaves at fruiting tops ng marijuana na…
Read More2 SUNDALO SA RESCUE MISSION PATAY SA AMBUSH
PATAY ang dalawang miyembro ng Philippine Army na kasama sa isinasagawang search and rescue operation sa bumagsak na Cessna plane sa Albay, nang tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) noong Lunes ng umaga. Ayon sa pahayag ng Southern Luzon Command na nakabase sa Lucena City, kapwa agad namatay ang mga sundalong sina Pvt. John Paul C. Adalim, at Pvt. Mark June Esico dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang dalawa ay parehong kasapi ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army. Ayon…
Read More