INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inisyatibong “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” na layong palakasin ang kapasidad ng local government units (LGUs) sa pamamagitan ng mas mataas na suportang pinansyal. Sa paglulunsad sa Malacañang Palace, binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng LGUs bilang frontliners sa serbisyo publiko. Ayon sa Pangulo, sa loob ng mahigit tatlong dekada, nagsilbing tulay ang Local Government Support Fund (LGSF), bukod pa sa National Tax Allocation (NTA), sa pagitan ng pambansang pamahalaan at mga lokal na komunidad. Gayunman, inamin niya na naging mabagal…
Read MoreAuthor: admin 3
PEBRERO 25 PLANONG IBALIK BILANG REGULAR HOLIDAY
ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang ibalik bilang regular holiday ang Pebrero 25 bilang paggunita sa EDSA Revolution. Sa House Bill No. 7911, iginiit nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Percival Cendaña, Dadah Ismula at Dinagat Islands Rep. Arlene Bag-ao na dapat ideklarang regular holiday ang araw na ito upang kilalanin ang mapayapang pag-aalsa na nagpanumbalik ng demokrasya noong 1986. Nakasaad sa panukala na ipinakita ng People Power Revolution ang nagkakaisang paninindigan ng sambayanan para sa kalayaan, constitutional government, at rule of law. Iminumungkahi rin na maglaan ng pondo ang pamahalaan…
Read MoreAFP HANDANG UMAYUDA SA PNP SA EDSA COMMEMORATION
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinikilala nito ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag kasabay ng inaasahang public assemblies sa Metro Manila para sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Bagaman pangunahing tungkulin ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapanatili ng kaayusan, handa ang militar na tumulong kung hihilingin ng awtoridad, ayon kay AFP Public Information Office chief Col. Xerxes Trinidad. Ayon sa AFP, may nakahandang security at readiness measures ang AFP-National Capital Region Command upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang iginagalang…
Read MoreMAAYOS NA PAMAMAHALA AT TRANSPARENCY SA PYEA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA panahon kung kailan ang transparency at accountability ay hindi na lamang opsyon kundi inaasahang pamantayan, makatuwiran lamang na masusing busisiin ang pamamahala ng Philippine Young Entrepreneurs Association (PYEA). Hindi maikakaila ang mahalagang papel ng PYEA sa pagbubukas ng oportunidad para sa kabataang negosyante—lokal man o internasyonal. Ngunit kasabay ng impluwensyang ito ay ang mas mataas na antas ng pananagutan. Kapag may mga tanong tungkol sa liderato, proseso ng eleksyon, at paggamit ng pondo, ang pinakamabisang tugon ay hindi pananahimik kundi paglilinaw. Isa sa mga lumulutang…
Read MoreOFW SA RIYADH MAY MALUBHANG KARAMDAMAN, HUMIHINGI NG AGARANG REPATRIATION
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NANANAWAGAN ng agarang tulong ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Diana Rose Macabuhay, 28-anyos, kasalukuyang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia, matapos makaranas ng seryosong problema sa kalusugan habang nasa poder ng kanyang employer. Ayon sa sumbong na ipinadala sa OFW JUAN, si Macabuhay ay dumating sa Saudi Arabia noong Pebrero 23, 2025. Siya ay na-deploy sa pamamagitan ng lokal na ahensyang Global Professional Resources Philippines Inc. at ipinadala sa foreign agency na Abdulwahed Recruitment Office. Sa kanyang salaysay,…
Read MorePAGBABAGO KAYANG GAWIN SA CUSTOMS – NEPOMUCENO
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NOON pa naman ay nagtayo na ng mga istrukturang militar ang China sa mga islang sakop natin, pero ano ang mga naging hakbang at ginawa natin? Sa totoo lang, wala tayong lakas na tulad ng China, bukod sa kulang tayo sa armas laban sa mga Intsik, na maging ang US nga ay tila kimi na banggain. Ayaw natin ng digmaan sa mga panahong ito, at ang dapat gawin ay palakasin ang ating sariling militar at isamoderno ang ating AFP at mga hukbong pangseguridad. Mas…
Read MoreANTI-DYNASTY LAW DAPAT MAGSIMULA SA LOCAL – COMELEC
DAPAT magsimula muna sa local ang pagpapatupad ng anti-political dynasty law, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, sa local government posts muna bago ang posibleng ban sa national positions habang suportado niya ang naturang panukalang hakbang. Mas makabubuti aniya kung ipatutupad ng bansa ang ganitong batas upang mas maraming tao ang makatakbo sa halalan. Ayon kay Garcia, kalimitang sinasabi na ang makapagpapaurong sa pagbabago ng ating bansa ay kapag tutok ang kapangyarihan sa lokal. Sinabi ni Senador Risa Hontiveros, ang chair Senate Panel on…
Read MorePROJECT HILAMOS UMARANGKADA SA QC
ISINAGAWA ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGEN Randy Glenn Silvio, katuwang si Joy Belmonte, ang Project HILAMOS sa Barangay Sikatuna (Lot 141, Maginhawa St.) at 76 Maginhawa St., Barangay Teachers Village East, Quezon City. Tampok sa inisyatiba ang muling pagpipinta sa mga pader na may vandalism upang gawing makukulay na lokal na obra ang mga napabayaang lugar. Layunin nitong isulong ang kalinisan at kaayusan, palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at buhayin ang pagmamalaki sa mga pamayanan. Nakiisa ang mga opisyal ng Barangay Teachers Village…
Read MoreERWIN TULFO: OFWs BIGYAN NG INTEREST-FREE LOAN PARA SA PRE-DEPARTURE REQUIREMENTS
NAGHAIN si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Sen. Erwin Tulfo ng panukalang batas na magbibigay ng interest-free loan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Sa ilalim ng Senate Bill No. 1696 o ang “OFW Pre-Employment Loan Assistance Act,” ang mga OFW na may valid contract ay pwedeng humiram ng hanggang P100,000. Prayoridad dito ang mga “first-time” OFW na sasailalim din sa libreng financial literacy seminar bago lumipad pa-ibang bansa. “Bilyon-bilyong dolyar ang ambag ng mga OFW sa ating ekonomiya, pero madalas mag-isa lang silang nagkakandakuba sa hirap para…
Read More