NASAMSAM ng mga tauhan ng Taguig City Police ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon at naaresto ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation nitong Lunes. Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig Police ang operasyon sa South Union Drive, Arca South, Barangay Western Bicutan. Arestado ang dalawang mataas na value target na kinilalang sina alyas Christian, 23, at alyas Alex, 26, parehong residente ng Barangay South Signal Village. Nasabat sa operasyon ang 164.3 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 milyon, isang P500 bill na ginamit…
Read MoreAuthor: admin 3
Sa selebrasyon ng National Children’s Month SAKSI NGAYON FEEDING AND GIFT GIVING PROGRAM DINAGSA
NAGING matagumpay ang isinagawang selebrasyon ng National Children’s Month sa pamamagitan ng SAKSI NGAYON FEEDING AND GIFT GIVING PROGRAM na ginanap sa Barangay Paang Bundok, Iriga St., La Loma, Quezon City noong nakaraang Sabado, Nobyembre 29, 2025. Ang pagdiriwang ng National Children’s Month na pinangunahan ng media company na SAKSI NGAYON ay dinagsa o dinaluhan ng maraming mga bata mula sa nabanggit na lugar. Masayang tinanggap ng mga bata ang mga munting regalo mula sa SAKSI NGAYON kasama ng partners nito mula sa iba’t ibang kumpanya na may malasakit sa…
Read More5/6 at loan sharks maghahari na naman! Bagong interest loan cap ng SEC hinimok na pag-isipan
May niluluto na naman ang gobyerno — at ayon sa mga consumer advocate, mukhang hindi ito ulam para sa masa kundi lason sa bulsa. Sa binubuong bagong panukala ng Securities and Exchange Commission (SEC) kasi, papatawan raw ng mas mababang interest cap ang maliliit na utang. Parang maganda, diba? Pero ayon sa grupo ng CitizenWatch Philippines, imbes na proteksyon, peligro raw ito sa mga karaniwang Pilipino. Ikinabahala ng grupo na magpapasko na, pero imbes na mas lumuwag ang access sa maliit na pautang — lalo pa itong maaaring humigpit. Sa…
Read MoreMas maliwanag na bukas, hatid ng One Meralco Foundation sa mga komunidad sa Bulacan at Palawan
Nagtulungan ang One Meralco Foundation (OMF) at mga empleyado ng Meralco upang mapailawan ang paaralan at mabigyan ng multimedia equipment ang mga katutubong mag-aaral ng Calupisan Elementary School Mahalagang bahagi ng araw-araw na mga gawain ang kuryente — mula sa paghahanda sa umaga, pagpasok sa trabaho at paaralan, at pag-uwi kinagabihan para maglaan ng oras kasama ang pamilya. Pero sa Pilipinas, may mga komunidad at indibidwal pa rin na walang maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente. Kaya naman pursigido ang One Meralco Foundation (OMF), ang corporate social responsibility unit ng…
Read MoreINTERNATIONAL PROGRESS INC., DEDMA SA SIGAW NA TULONG
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP SA kabila ng pagkakalathala sa ating kolum noong Nobyembre 23 tungkol sa panawagan ng overseas Filipino worker (OFW) na si Daisy Villamar Gabriel, tila bingi at bulag umano ang International Progress Inc. — ang ahensiyang nag-deploy sa kanya, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na tugon o agarang aksyon upang iligtas ang kanilang manggagawa na nasa kritikal nang sitwasyon sa Saudi Arabia. Ayon sa nakalap nating impormasyon, isinugod na sa ospital kamakailan si Daisy matapos tuluyang bumigay ang kanyang pangangatawan dahil…
Read MoreP100-M KOTONG NG BI CORRUPT OFFICIALS SA FAKE WORKING VISA NG CHINESE?
BISTADOR ni RUDY SIM BISTADO na naman ang muling nagbabalik na raket ng Bureau of Immigration, matapos ang Pastillas Scam ay natuklasan na mahigit isang libong Chinese nationals naman ang pinalusot para lang mabigyan ng working visa at maging legal ang kanilang paninirahan sa bansa. Sa isang liham noong November 6 ng “Ligan & Uy” law firm kay BI Commissioner Joel Anthony Vayado este ay mali, Viado pala, nabatid na ikinagulat umano ng isang kompanya na “COMMSEC INC.” ang dami ng nakarehistradong pangalan ng foreign workers sa isinagawang inspeksyon ng…
Read MoreMGA AKUSASYON, HANDANG HARAPIN NI CONG. SANDRO MARCOS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA harap ng akusasyon at pulitikal na ingay, tumindig nang tuwid si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos. Aba’y sa halip na umiwas, nagpakita siya ng pambihirang tapang at kahandaang harapin ang anomang usapin kaugnay ng kontrobersiyang sumasaklaw sa mga flood control project. Sa isang sulat na may petsang Nobyembre 26, 2025, malinaw at walang pag-aalinlangang sinabi ni Marcos na handa siyang humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) anomang oras, at bukas siya sa anomang tanong na maaaring makatulong…
Read MoreAGFO naglabas ng manifesto MILITARY HINDI PAPAYAG SA UNCONSTITUTIONAL ACTS
KASABAY ng paggunita ng bansa sa kaarawan ni Andres Bonifacio, naglabas ng manifesto of unwavering support ang mga dati at aktibong opisyal mula sa AFP, PNP, PCG, BJMP at BFP para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang kanilang Commander-in-Chief. Sa pahayag ng Association of General and Flag Officers (AGFO) sa kanilang ika-60 anibersaryo sa Camp Aguinaldo, mariin nilang kinondena ang anomang panawagan para sa military adventurism o unconstitutional acts laban sa administrasyon. “We strongly condemn and reject any call for the AFP to engage in unconstitutional acts or military adventurism,”…
Read MorePUBLIKO HINIKAYAT NI PBBM PANGALAGAAN YAMANG-TUBIG
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na pahalagahan at responsableng gamitin ang likas na yaman ng bansa, lalo na ang tubig, kasabay ng paglulunsad ng isang malaking proyekto sa Bulacan. “Ladies and gentlemen, let this milestone encourage us to value the resources that we are blessed with, use them responsibly, and take part in building a more inclusive, sustainable future for everyone,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Nob. 28. Ipinahayag ito ni Marcos habang pinangungunahan ang inagurasyon ng Tunnel No. 5 ng Angat Water…
Read More