LAS PIÑAS NAGNINGNING

NAGLIWANAG na muli ang Las Piñas matapos ilunsad ang ikalawang taon ng Christmas Lighting Ceremony — isang makulay na selebrasyon ng tradisyon, komunidad, at ang kilalang sining ng paggawa ng parol na tatak-Las Piñas. Ginawa ang programa sa People’s Park, sa tapat ng iconic Bamboo Organ Church sa Brgy. Daniel Fajardo. Tampok ang Giant Christmas Tree na gawa sa lokal na materyales—sumisimbolo ng pagiging malikhain, mainit na pakikisalamuha, at kulturang ipinagmamalaki ng lungsod. Panauhing pandangal si dating senadora Cynthia Villar, na nagpahayag ng mensahe ng inspirasyon sa mga Las Piñeros:…

Read More

DISTRICTING LAW BIGONG IPASA NG BTA

NABIGO ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na maipasa ang districting law noong Nobyembre 30 na deadline nito ngunit nangako nitong Lunes na kukumpletuhin ang batas na mahalaga sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bago matapos ang taon. Sa isang pahayag, sinabi ni BTA Parliament Floor Leader at tagapagsalita na si Atty. Jet Lim, ang katayuan ng batas sa pagdidistrito ng BARMM, na nagsasabing ang parliament ay “nagtatrabaho nang may kasipagan, transparency, at malawak na partisipasyon ng publiko upang maisabatas ang batas sa pagdidistrito.” Napansin…

Read More

3 BARKO NG CHINA NAMATAAN MALAPIT SA ZAMBALES

TATLONG barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang nakita sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas malapit sa Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo. Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG for the West Philippine Sea (WPS), ang PCG vessel BRP Cabra (MRRV-4409) ay “patuloy na aktibong hinahamon at hinaharangan ang pag-abante ng CCG vessel CCG-21562.” Binanggit din niya na sinusubaybayan ng PCG ang dalawang iba pang CCG barko, ang CCG-3305 at CCG-4305, sa pamamagitan ng radar sa mga katubigan malapit sa Zambales. Giit ni Tarriela,…

Read More

6 PANG PULIS NA SANGKOT SA RAPE, ROBBERY SUMUKO

INIHAYAG ni Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., hawak na ng pulisya ang natitira pang mga sangkot sa rape at robbery na mga tauhan ng PNP-DEU unit ng Calabarzon. Matatandaan na pinasok ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit ng Calabarzon, ang bahay ng Grade 9 student sa Cavite upang hanapin ang nobyo nito na umano’y sangkot sa ilegal na droga. Dahil wala ang target doon sa bahay ay ang biktima ang binalingan at hinalay ng kanilang team leader na may ranggong Lieutenant Colonel noong Nobyembre…

Read More

Para agad ma-locate – Remulla PICTURE NI ZALDY CO IPOST SA SOCIAL MEDIA

NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa na agad na ipagbigay-alam sa pamahalaan kung makita nila si Zaldy Co. “Hiling ko sa lahat ng Pilipino sa buong mundo: kung makita ninyo si Zaldy Co, piktyuran ninyo, ipadala agad, i-post agad sa internet para may ideya ang gobyerno kung nasaan siya,” saad ni Remulla sa press briefing sa Malacañang. Ayon sa kalihim, pinaniniwalaang nasa Portugal ang dating Ako Bicol representative at posibleng may hawak na Portuguese…

Read More

Inton: anti-corruption o pulitika sa 2028? RESIGN SARA MUNA NG AKBAYAN KADUDA-DUDA

NAGPAHAYAG ng pagdududa ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pahayag kamakailan ng isa sa mga lumahok sa Nov. 30 anti-corruption rally na pumapabor pagbitiwin muna sa pwesto si Vice President Sara Duterte bago hingin ang pagbaba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Binanggit ni Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, na sa isang panayam ng True FM kay AKBAYAN President Rafaela David ay kinumpirma nitong tatanggapin nila ang mga nagnanais makiisa sa kilos protesta kahit “VP SARA RESIGN” ang panawagan ng mga ito at nirerespeto rin nila ang…

Read More

KOORDINASYON, KAHANDAAN NG PNP NASUBUKAN SA TRILLION PESO MARCH

IPINAKITA ng Philippine National Police ang maayos na koordinasyon at mataas na antas ng kahandaan sa pagdaraos ng Trillion Peso March. Mula Command Center hanggang kalsada, kumilos ang PNP bilang isang organisadong puwersang may malinaw na direktiba at mabilis na tugon. Sa Command Center, tutok ang mga opisyal sa real-time updates mula sa CCTV feeds at ground units na nakapwesto sa pangunahing lugar ng pagkilos. Tahimik ngunit masinsinan ang operasyon, na sinabayan ng mabilis na pag-aayos ng deployment at pagpapalitan ng impormasyon. Pinangunahan ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio…

Read More

BARZAGA SINUSPINDE NG 60 ARAW SA ‘DISORDERLY BEHAVIOR’

PINATAWAN ng 60 araw o dalawang buwang suspensyon na walang sahod at anomang benepisyo si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga matapos mapatunayang guilty sa Ethics complaint na inihain ng kanyang mga dating kapartido sa National Unity Party (NUP) kaugnay ng mga umano’y hindi angkop na social media post. Sa ulat ni House committee on ethics and privileges vice chair Rep. JC Abalos sa plenaryo kahapon, sinabi nitong napatunayang lumabag si Barzaga sa Section 1(a), Rule 20 ng House Rules; Section 4(c) ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and…

Read More

P155.2-M JACKPOT SA ULTRALOTTO 6/58, NASUNGKIT NG CAVITEÑO

INSTANT milyonaryo ang isang maswerteng Caviteño matapos masolo ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa draw nitong Linggo ng gabi. Nakuha ng mananaya ang winning combination na 26-08-20-03-58-27, na may katumbas na ₱155,223,593.80. Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang tiket sa Sunny Brooke 1, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite. Samantala, 24 na indibidwal ang nakatsamba ng five-number match at makakakuha ng tig-₱120,000 bawat isa. Ginaganap ang UltraLotto 6/58 draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo. (TOTO NABAJA) 111

Read More