DPA ni BERNARD TAGUINOD MULA nang sumabog ang katiwalian sa flood control projects, tila nagpakasimple na ang mga kongresista dahil bihira ka nang makakakita ng magagarang mga sasakyan na nakaparada sa Batasan Pambansa Complex. Kung may mga ulat na ang problema sa University of the Philippines (UP) ay kakulangan ng parking area dahil maraming mayayamang estudyante na nag-aaral sa unibersidad na ito na itinayo para sa mga mahihirap at kuwalipikadong estudyante, ganyan din ang problema sa Batasan Pambansa. Maraming kongresista ang overacting sa kanilang security dahil bukod sa kanilang sinasakyang…
Read MoreAuthor: admin 3
MARCOS VS MARCOS NA NGAYON
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI na nakapagpigil si Senator Imee Marcos, siya na mismo ang nagbulgar sa bisyo ng kanyang kapatid na si Pangulong Junjun Marcos. Sa huling araw ng rali ng Iglesia Ni Cristo (INC) noong Lunes ng gabi, Nobyembre 17, 2025, sinabi ni Super Ate na matagal nang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si PBBM. Aniya, presidente pa ang kanilang ama (Ferdinand Marcos Sr.) ay gumagamit na ng illegal na droga si Junjun Marcos. Sa katunayan ay mga sundalo pa at miyembro ng Presidential Security Group (PSG)…
Read MoreDAPAT BANG PILITIN MGA ESTUDYANTE NA PAREHONG GAWIN ANG THESIS AT INTERNSHIP?
GEN Z ni LEA BAJASAN TUWING ilang buwan, nagiging mainit ang X sa mga diskusyon tungkol sa buhay-estudyante, at nitong linggo ang usapan ay kung dapat ba ang mga estudyante ay gumawa ng thesis, internship, o pareho. Habang nagbabasa ako ng mga post, naiisip ko, bakit nga ba kailangan pang pagpilian? Para sa marami sa atin, ang thesis ay hindi talaga daan para matuto. Isa itong mahabang proseso na puno ng stress at gastos, na kailangan lang tapusin para maka-graduate. Kung hindi naman talaga nakatutulong ang thesis sa paglago ng…
Read More‘NUISANCE PROJECTS’ SA KATUBIGAN SA METRO MANILA NA-AUDIT NA
NATAPOS na ang audit sa mga proyekto at istrukturang itinuturing na “nuisance” o sagabal sa daloy ng tubig sa Metro Manila. Sa clean-up operations sa Buhangin Creek sa Mandaluyong, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na kumpleto na ang fact-finding sa mga proyektong nagdudulot ng pagbaha at humaharang sa mga waterway. Ayon kay Artes, naisumite na ng Commission on Audit (COA) ang resulta ng imbestigasyon sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno at hinihintay na lamang ang kanilang aksyon. Dagdag pa ng MMDA chief, hindi bababa sa 52 booster pumps…
Read MoreNobyo patay na rin PNP: VIVA MAX ACTRESS HINDI NAMATAY SA BUGBOG
NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na hindi dulot ng pambubugbog ang pagkamatay ng Viva Max actress na si Gina Lima, na natagpuang walang buhay sa condo unit ng kanyang dating nobyo na si Ivan Ronquillo sa Quezon City. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni QCPD Spokesperson Maj. Jennifer Gannaban na base sa autopsy report ng Regional Forensic Unit, ang mga pasa sa hita ni Lima ay “non-fatal” o hindi sapat para ikamatay niya. Batay sa post-mortem findings, nakita rin ang congested at edematous lungs at heart congestion…
Read More3 PATAY SA BUY-BUST SA QC
PATAY ang tatlong suspek matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation nitong Martes sa Quezon City. Ayon kay PDEG spokesperson Lt. Marlon Sy, target ng PNP Drug Enforcement Group ang grupo matapos tangkaing i-estafa ang mga operatiba gamit umano ang “double-cross” modus. Nasa target list at intelligence packet na umano ang mga hindi muna pinangalang suspek mula pa noong Agosto. Pero nang ibunyag ang buy-bust money, bigla umanong nagpaputok ang lider, dahilan para mauwi sa palitan ng putok. Nakawala naman ang isa pang kasamahan nila at patuloy…
Read MoreOMB NAGLUNSAD NG MOTU PROPRIO INVESTIGATION SA PASABOG NI ZALDY CO
INAABANGAN kung aabot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman matapos ang pasabog ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na paiiralin ng anti-graft body ang “motu proprio investigation” sa lahat ng indibidwal na idinawit ni Co sa kanyang revelation video, na kinabibilangan ng kasalukuyang Pangulo. Gayunman, iginiit ni Remulla, illogical ang paratang ni Co na may “insertions” kung saan umano’y nakinabang ang Pangulo. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang lawak at katotohanan ng alegasyon. (JULIET PACOT)…
Read MoreBERSAMIN: ‘DI AKO NAG-RESIGN
ITINANGGI ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin na siya ay nagbitiw sa tungkulin, taliwas sa anunsyo ng Malacañang na “out of delicadeza” umano ang kanyang pag-alis sa Gabinete. “Masarap pakinggan ang out of delicadeza. Pero di naman totoo ‘yan, di ako nag-resign,” aniya. “I bow to the prerogative of the President… pero wala akong ibinigay na resignation letter.” Ayon pa sa kanya, ang tanging sulat na ipinadala niya ay kung paano siya papalitan, at iyon ay pinirmahan lamang niya nitong November 18, samantalang November 17 pa diumano in-announce ng Malacañang…
Read MoreBawasan ang kadaldalan – Paras LACSON ‘WAG MAG-ABOGADO PARA KAY MARCOS JR.
NANAWAGAN si dating Negros Oriental rep. Jacinto Paras kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, chair ng Senate Blue Ribbon Committee, na maging neutral at huwag masyadong “lawyering” sa administrasyong Marcos. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Paras na dapat manahimik si Lacson at tumuon sa kanyang trabaho, batay lamang sa aktwal na testimonya ng mga testigo at ipinrisintang ebidensya. “He should reform himself at maging neutral, just keep quiet and stick to his work and base his statements on the actual testimony and evidence presented, rather than nakipagsapalaran ka…
Read More