DOT: P95-M PRESIDENTIAL AID INILAAN SA NEGROS

NANGUNA sa relief operations sa Negros sina DOT Secretary Christina Garcia Frasco at Education Secretary Sonny Angara kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo. Kasama sa tulong ng gobyerno ang pagkakaloob ng P95 milyong presidential aid para sa Negros matapos bisitahin ang lugar. Ang inilaang pondo ay upang palakasin ang rehabilitation efforts ng gobyerno. Sa nasabing pondo, P50 milyon ang mapupunta sa probinsya ng Negros Occidental, at tig-P10 milyon sa La Carlota City at munisipalidad ng La Castellana at Moises Padilla.…

Read More

7 GENERALS, 3 COLONELS SAPOL SA PNP RESHUFFLE

ALINSUNOD sa General Order ni PNP Acting chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa isinailalim sa balasahan ang pitong heneral at tatlong colonel. Kabilang sa pitong heneral na isinailalim sa panibagong balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ay si PBGen. Wilson Asueta na uupo bilang bagong hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group mula sa Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM). Habang si PBGen. Eleazar Matta na mula naman sa Police Regional Office 9 o Zamboanga Peninsula PNP, ay siyang papalit kay Asueta sa DICTM. Buhat…

Read More

INTERESTED BUYERS NG LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS DUMAGSA SA ADUANA

DUMAGSA sa Bureau of Customs ang mga interesadong bumili ng luxury vehicles ng mag-asawang government contractors na sina Pacifico “Curlee” Discaya At Cezarah “Sarah” Discaya na umano’y nasa likod ng multibillion flood control scandal. Inihayag ng BOC, maraming interested bidders ang nagtungo nitong Huwebes sa Aduana para personal na masilip ang pitong luxury cars ng mag-asawang Discaya na pakay na isubasta sa Nobyembre 20, 2025. Nabatid na huling araw ngayon ng public viewing ng mga mamahaling sasakyan na nagsimula pa noong Nobyembre 12, 2025. Ang nasabing luxury vehicles ay naka-display…

Read More

Senador tumakbo sa Supreme Court CIDG: HANDANG ARESTUHIN SI BATO KUNG MAY ICC WARRANT

INIHAYAG ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II na wala pa silang natatanggap na anomang dokumento o warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Gayunman, tiniyak ni Morico na handa silang tumulong sakaling ipasagawa sa kanila ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP). “Kung sakaling makatanggap kami ng kopya ng warrant of arrest ng ICC, handa kaming isilbi. Bahagi ng aming mandato ang imbestigahan at arestuhin ang…

Read More

BARZAGA KINASUHAN NG SEDITION SA MADUGONG RALLY SA MAYNILA

KINUMPIRMA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsampa ito ng kasong inciting to sedition laban kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa Quezon City Prosecutor’s Office. Ayon kay CIDG Director Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, ang reklamo ay may kaugnayan sa kaguluhan sa Recto at Mendiola sa Maynila noong Setyembre 21 sa gitna ng tinaguriang “Trillion Peso March.” Kasama si Barzaga sa 97 indibidwal na kinasuhan. Hiwalay ito sa nauna nang kaso laban sa kanya dahil sa pagdalo sa rally kontra gobyerno sa Forbes…

Read More

REPORMA SA DPWH INILATAG NI PBBM

NAGLATAG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ng iba’t ibang reporma upang palakasin ang katapatan, integridad, at pananagutan sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa press conference sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na layunin ng mga repormang ito na maiwasang maulit ang mga isyu ng katiwalian sa mga proyekto ng imprastraktura at matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama para sa kapakinabangan ng mga Pilipino. “Upang masigurong maisusulong ang katapatan, integridad, at pananagutan sa pamahalaan, nagsasagawa tayo ng mga reporma…

Read More

NARTATEZ PINAGTIBAY LABAN NG PNP KONTRA KATIWALIAN

MULING pinatunayan ng Philippine National Police (PNP) ang paninindigan nito para sa tapat, makatarungan, at marangal na paglilingkod sa bayan sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. Sa High Command Conference na ginanap noong Nobyembre 12, 2025 sa Camp Crame, Quezon City kasama ang Integrity Commission Initiative (ICI) at iba pang pangunahing ahensya ng pamahalaan, binigyang-diin ni Chief Nartatez na ang serbisyo ng PNP ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi sa pagtataguyod din ng katotohanan at tiwala ng publiko. “Bilang tagapangalaga…

Read More

Pagtuon sa katatagan matapos ang sunod-sunod na bagyo

Ang pagtutok ng DBM sa disaster funds ay kasunod ng magkakasunod na bagyong tumama sa iba’t ibang rehiyon ngayong taon. Ang Bagyong Tino na nanalasa sa Visayas at hilagang Palawan ay nakaapekto sa halos 2 milyong Pilipino, at nag-obliga sa mahigit 40,000 pamilya sa Cebu na lumikas dahil sa malawakang pagbaha. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 188 ang nasawi dahil sa bagyo. Pagkaraan nito ay nanalasa naman ang Super Typhoon Uwan sa mga silangan at hilagang lalawigan, na nagpalikas sa 1.4 milyong residente…

Read More

Sa pagbubukas ng plenary debates sa Senado ng 2026 GA bill KAHANDAAN SA KALAMIDAD, PONDO NG LGUs DIDIINAN NG DBM

BIBIGYANG-DIIN ng Department of Budget and Management ang panindigan nitong palakasin ang lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna sa pag-umpisa ngayong linggo ng Senate plenary deliberations para sa P6.793 trilyong 2026 General Appropriations Bill. Sa mga unang yugto ng pagtalakay, lumitaw na pangunahing prayoridad ang alokasyon ng pondo para sa mga lokal na pamahalaan at mga programang may kaugnayan sa disaster response, na sumasalamin sa pagtutok ng administrasyong Marcos sa pagpapalakas ng mga komunidad at mabilis na pagbangon mula sa mga kalamidad. Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman,…

Read More