DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI lamang sa social media pinag-uusapan ang ipinakita ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magiging kulungan ng mga makakasuhan ng non-bailable case sa flood control projects anomaly, kundi maging sa palengke at tambayan. May kanya-kanyang opinyon ang mga tao tulad ng kaya lang daw ipinakita na ang magiging kulungan ng mga inaakusahang magnanakaw sa kaban ng bayan ay para mapahupa ang galit ng mga tao dahil magtatatlong buwan na ang nakalipas ay wala pang nakukulong. Nagagalit ang mga tao dahil kapag maimpluwensya ang…
Read MoreAuthor: admin 3
SILIPIN ANG MGA KAALYADO NI ZALDY CO!
PUNA ni JOEL O. AMONGO HABANG wala si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, kailangang ipatawag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga kaalyado nitong nasa Pilipinas. Nabatid na kasama sa mga party-list na sinuportahan ni Co ay ang Wifi, BHW, United Senior Citizens at Ako Bicol na dati siyang kinatawan nito. Ang magiging pahayag ng party-list representatives na ito ay mahalaga para lalo pang tumibay ang mga alegasyon laban kay Zaldy Co sa pamimigay ng bilyun-bilyong pisong pondo na pinaniniwalaang pinagmulan ng korupsyon. Sa isinagawang mga pagdinig…
Read MoreVIRAL VIDEO NG PUSA: PAALALA SA LAHAT NG FURPARENTS
GEN Z ni LEA BAJASAN HIHIMAYIN ng Korte Suprema (SC) ang plano ng Sandiganbayan na tuldukan sa loob ng anim hanggang walong buwan ang lahat ng kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control projects. Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na handa silang aksyunan agad ang anumang panukala ng Sandiganbayan para mapabilis ang pagresolba ng mga kaso. “Any suggestions or recommendation coming from Sandiganbayan to expedite the cases involving flood control projects, for sure, we will review immediately…
Read MoreSUPREME COURT TUTUTUKAN PLANONG MADALIIN ANG FLOOD CONTROL CASES
HIHIMAYIN ng Korte Suprema (SC) ang plano ng Sandiganbayan na tuldukan sa loob ng anim hanggang walong buwan ang lahat ng kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control projects. Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na handa silang aksyunan agad ang anumang panukala ng Sandiganbayan para mapabilis ang pagresolba ng mga kaso. “Any suggestions or recommendation coming from Sandiganbayan to expedite the cases involving flood control projects, for sure, we will review immediately and see to it that…
Read MorePULIS NA SANGKOT SA PAMAMASLANG SA BARANGAY KAGAWAD AT KINAKASAMA, IPINASISIBAK NI PNP CHIEF NARTATEZ
ILOCOS NORTE — Ipinag-utos mismo ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang agarang pagsibak sa isang police corporal na sangkot sa pagpatay sa barangay kagawad at live-in partner nito sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte. Ayon kay Nartatez, sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang suspek na pulis, na ngayon ay hawak na ng mga awtoridad matapos ang ikinasang follow-up operation. Batay sa imbestigasyon, kumakain umano sa beranda ng kanilang bahay ang biktimang si Joshua Bernardo, barangay kagawad, at ang kanyang kinakasama na si Eloisa…
Read More2 PATAY SA PAGSABOG SA ILEGAL NA PABRIKA NG PAPUTOK SA BULACAN
BULACAN — Dalawang lalaki ang nasawi matapos sumabog ang isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Brgy. Partida, Norzagaray nitong Miyerkules ng umaga. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-11:00 ng umaga nang yumanig ang lugar sa malakas na pagsabog mula sa nasabing pabrika. Agad rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at rescue team, at naapula ang apoy dakong alas-11:50 ng umaga. Pagkatapos ideklarang fire out, tumambad sa mga rumesponde ang dalawang sunog na bangkay ng mga lalaki sa loob ng gumuhong istruktura. Inaalam pa ng…
Read MoreNATAKOT SA GALIT NG BAYAN? ICI ISASAPUBLIKO NA FLOOD CONTROL PROBE
NATAKOT din ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa galit ng taumbayan kaya nagpasya ang mga ito na isapubliko na sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno. Ayon sa Makabayan bloc, malinaw na takot sa public outrage ang nagtulak sa ICI para buksan ang mga pagdinig — pero binalaan nila ang publiko na maging mapagmatyag laban sa posibleng cover-up para iligtas ang mga “big fish” na sangkot. “The public outrage has now forced them to livestream the proceedings. We call…
Read MoreCONG. MEOW BARZAGA SINIBAK NA SA RESERVE FORCE NG AFP
KINUMPIRMA kahapon ng Philippine Army ang isinagawang delistment kay Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga mula sa kanilang Reserve Force, effective 21 September 2025. Ayon kay Col. Louie Dema-ala, ang nasabing aksyon ng Hukbong Katihan ay kasunod ng masusing pag-aaral sa sirkumstansya kaugnay sa kaso nito batay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Rules and Regulations, specifically GHQ, AFP SOP No. 7, “for actions deemed equivalent to grave offenses.” Inihayag din ni Col. Dema-ala na isa sa mga naging batayan sa delistment ni Cong. Meow Barzaga ang pagpapahayag umano nito…
Read MoreMARCOS, ICI TENGANG-KAWALI SA PULSO NG MAMAMAYAN – SOLON
NAGTETENGANG-KAWALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang itinatag nitong Independent Commission of Infrastructure (ICI) sa panawagan ng sambayanang Pilipino na isapubliko ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects. “Ang ICI kaya, kailan? Huwag namang magtengang-kawali ang ICI sa ganitong panawagan,” ani Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima. Giit ng kongresista, dapat buksan sa publiko ang imbestigasyon para malaman ng taumbayan kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng komisyon. “Kahit araw-araw may press conference ang ICI, kulang pa rin. Gusto ng mamamayan makita kung sino…
Read More