BUMIRA si Vice President Sara Duterte at idineklarang “hindi na stable” ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng malalaking anomalya sa flood control projects. “Our institutions are clearly abused… walang nangyayari sa ating bansa,” banat ng Bise Presidente. Giit niya, matagal na nilang alam na si House Speaker Martin Romualdez ay tumatanggap ng kickbacks, hindi lang sa flood projects kundi pati sa ilegal na sugal. Hindi na rin daw siya nagulat sa testimonya na male-maletang pera ang idinedeliber sa bahay nina Romualdez at Cong. Zaldy Co.…
Read MoreAuthor: admin 3
6 ARESTADO SA DRUG DEN
PANGASINAN – Anim katao ang nadakip sa pagsalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Arellano Bani, Barangay Pantal, Dagupan City. Ayon sa ulat na ipinararating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, na-dismantle ng kanyang mga tauhan ang isang drug den at anim na drug personalities ang naaresto sa ikinasang anti-narcotics operation na pinangunahan ng PDEA-Pangasinan Provincial Office (PDEA PangPO). Nagsimula ang operasyon bandang alas-2:35 ng noong Lunes ng umaga sa pangunguna ng PDEA PangPO, sa tulong ng PNP Drug Enforcement Group – Special Operations…
Read MoreBANGKAY ITINAPON SA GILID NG SEMENTERYO
CAVITE – Isang inaagnas na bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa gilid ng isang sementeryo sa Himlayan Paraiso, Brgy. Sabutan, sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Inilarawan ang biktima na tinatayang 44 hanggang 55-anyos, nakasuot ng stripe na polo at itim na pantalon at naagnas na ang katawan. Ayon sa ulat, naglalakad si alyas “MJ”, isang caretaker, sa gilid ng sementeryo sa nasabing lugar nang maamoy nito ang isang masangsang na bagay at nakita ang isang bangkay na lalaki bandang alas-8:15 ng umaga. Isinailalim na…
Read MoreP5.5-M PHIL. CURRENCY NASABAT SA JAPANESE
MAHIGIT P5.5 milyong undeclared Philippine currency ang nasabat mula sa isang Japanese passenger sa Mactan-Cebu International Airport noong Setyembre 21. Paliwanag ng BOC, P50,000 lamang ang pinayagang ibalik sa pasahero alinsunod sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas, habang kinumpiska ang sobra at isinailalim sa Warrant of Seizure and Detention. Ayon kay Port of Cebu District Collector Atty. Felipe De Vera, patunay ito ng mahigpit na pagbabantay ng mga frontliner sa mga paliparan. Sinabi naman ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, bahagi ang operasyon ng mas pinaigting na kampanya kontra money…
Read MoreCONVENIENCE STORE HINOLDAP NG TANDEM
CAVITE – Natangay ang tinatayang P4,000 cash na kita ng isang kilalang convenience store makaraang pasukin at holdapin ng riding in tandem na nagpanggap na mga customer sa Bacoor City nitong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang mga suspek na kapwa nakasuot ng itim na helmet, itim na jacket, nakasuot ng t-shirt, naka-short at sakay ng isang itim na motorsiklong NMAX V1. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang pumasok ang isa sa mga suspek na nagpanggap na customer sa isang convenience store sa Molino 5, Bacoor…
Read MoreMALAKI IBINABA NG KRIMEN SA METRO MANILA – NCRPO
MALAKI ang ibinaba ng kaso ng krimen sa Metro Manila sa loob lamang ng isang buwan, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Batay sa datos ng Comparative Integrated Reporting and Analysis System (CIRAS), bumagsak ang kriminalidad kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Pinakamalaki ang ibinaba sa kasong carnapping ng motor vehicles na pumalo sa 80.95%. Bumaba rin ng 54.78% ang mga kasong rape, 12.96% ang physical injuries, at 5.17% ang carnapping ng motorsiklo. Bukod dito, tumaas din ang Crime Solution Efficiency (CSE) mula 68.57% noong…
Read MorePASAHERO MINOLESTIYA NG HABAL-HABAL DRIVER
ARESTADO ang isang 44-anyos na habal-habal driver makaraang molestiyahin ang 34-anyos niyang pasahero sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Capulong Street, Barangay 105, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Randy”, binata, residente ng Barangay 101, Tondo. Ayon sa ulat nina Police Master Sergeant Romulo Dabban at Police Corporal James De Luna, dakong alas-2:34 ng madaling araw nitong Lunes nang iturn-over ni Police Staff Sergeant Mary Angelie Malicse ng Children and Women’s Protection Desk ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District, ang…
Read MoreVIRAL RIDER NA MAY ANGKAS NA BATA, IPINATAWAG NG LTO
BATAY sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mahigpit na ipatupad ang mga panuntunan sa kaligtasan sa kalsada, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ang rehistradong may-ari ng motorsiklo na nakita sa viral post sa social media kasama ang dalawang back riders, kabilang ang isang menor de edad. Sinabi ni LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, dismayado siya sa inilarawan niyang pagiging iresponsable ng ilang tao na nakompromiso ang kaligtasan ng tila…
Read MoreDe Lima sa ICI: KATOTOHANAN SA FLOOD SCAM HUWAG ITAGO SA TAUMBAYAN
“MAHIYA naman tayo sa mga Pilipino. Ninakawan na nga ng trilyon piso, pagkakaitan pa ba sila ng buong katotohanan?” Ito ang banat ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos tumanggi ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na isapubliko ang imbestigasyon nito sa anomalya sa flood control projects. Giit ni De Lima, hindi maiiwasang magduda ang taumbayan sa resulta ng ICI kung itatago nila ang kanilang mga hearing. “Paano natin malalaman kung tumutugma ang mga detalye ng naunang pagdinig sa Kongreso kung hindi nila ilalabas ang proceedings? Paano…
Read More