CAVITE – Natangay ang tinatayang P4,000 cash na kita ng isang kilalang convenience store makaraang pasukin at holdapin ng riding in tandem na nagpanggap na mga customer sa Bacoor City nitong Lunes ng madaling araw.
Inilarawan ang mga suspek na kapwa nakasuot ng itim na helmet, itim na jacket, nakasuot ng t-shirt, naka-short at sakay ng isang itim na motorsiklong NMAX V1.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang pumasok ang isa sa mga suspek na nagpanggap na customer sa isang convenience store sa Molino 5, Bacoor City, Cavite.
Pagkapasok, agad itong nagdeklara ng holdap at kinulimbat ang tinatayang P4,000 cash mula sa cashier na si alyas “Henrix”, 37-anyos.
Matapos makuha ang pakay, sumakay ang suspek sa motorsiklo ng kasama na nag-aabang sa labas at tumakas sa direksyon ng Molino.
Nagsasagawa naman ng backtracking sa CCTV ang pulisya para sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
158 