SUMALISI SA BAHAY, KINUYOG NG TAMBAY

KINUYOG ng mga tambay ang isang 29-anyos na lalaki makaraang sumalisi sa isang bahay at tinangay ang isang cellphone noong Sabado ng madaling araw sa Zone 46, Barangay 497, Sampaloc, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Joshua”, residente ng Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ng Sampaloc Police Station 4 ng Manila Police District, bandang alas-12:35 ng madaling araw nang humingi ng tulong ang biktimang si alyas “Daniel”, 28-anyos, sa mga barangay tanod dahil sa nawawalang cellphone sa kanyang bahay. Hanggang sa madiskubreng tinangay ng suspek ang cellphone. Bunsod…

Read More

1 SA TANDEM TIMBOG SA SNATCHING

NADAKIP ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang angkas habang tuluyang nakatakas ang driver ng motorsiklo makaraang hablutin ang cellphone ng isang biktima noong Biyernes ng gabi sa panulukan ng Rizal Avenue at Tayuman Street, Sta. Cruz, Manila Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Bernardo”, 23, residente ng Sta. Cruz, Manila habang tuluyang nakatakas ang kasabwat nito na si alyas “Kenneth”, ng Balut, Tondo Batay sa ulat nina Police Executive Master Sergeant Peter Joseph Villanueva ng Sector 2 ng Station 3,…

Read More

KAPUNAN KABILANG SA MGA LILITIS KAY VP SARA

KUMPIRMADO nang kasama si Atty. Lorna Kapunan sa private lawyers na maglilitis kay Vice President Sara Duterte kapag natuloy ang impeachment trial. Hanggang kahapon ay hindi pa isinisiwalat ng Prosecution Panel kung sinu-sino at ilan ang private prosecutors na tutulong sa kanila sa paglilitis sa Pangalawang Pangulo. Gayunpaman, inamin ni Kapunan sa isang panayam na kasama siya sa private prosecutors at tumanggi itong pangalanan ang kanyang mga kasama mula sa pribadong sektor. Kaugnay nito, kinontra ni Kapunan ang depensa ni Duterte na walang impeachment case dahil ibinalik ito ng Senate…

Read More

Para maibalik tiwala ng bayan BICAM SA BUDGET BUBUKSAN SA PUBLIKO

IGINIIT ni House minority leader Rep. Marcelino Libanan na kailangang ituloy ang plano ng liderato ng Kamara na buksan sa publiko ang Bicameral conference committee sa pambansang pondo. Ginawa ni Libanan ang pahayag matapos sabihin ni House Speaker Martin Romualdez na sinusuportahan nito ang panawagang buksan sa publiko ang deliberasyon sa pambansang pondo pagdating sa Bicameral conference committee. “We fully support the Speaker’s initiative to shine a light on one of the most crucial and sensitive phases of the budget process. Allowing the public to witness the bicam discussions upholds…

Read More

Atty. Angeles duda sa iniyabang na 287 solons SUPORTA SA SPEAKERSHIP BID NI ROMUALDEZ ‘DI SOLIDO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DUDA si dating Press Secretary at political analyst Atty. Trixie Cruz-Angeles sa pinalalabas ng House of Representatives na 287 sa 317 mambabatas ang lumagda sa manifesto of support para manatili si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker sa 20th Congress. “There is no such 287,”pahayag ni Angeles sa isang panayam. Ipinaliwanag ni Angeles na ang hindi paglagda ni Cebu Rep Duke Frasco sa manifesto of support ay malinaw na indikasyon na may mga mambabatas ang hindi na nakalinya sa liderato ni Romualdez. Si Frasco na Deputy…

Read More

Health Advocates nangangamba TOBACCO LOBBYIST SA MALAKANYANG?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IKINABABAHALA health advocates at media watchdogs ang posibilidad na pagpasok ng impluwensya ng mga tobacco lobbyist sa loob mismo ng Malacañang. Ito ay kasunod ng lumutang na mga balita na si Dave Gomez, dating opisyal ng Philip Morris International sa lokal nitong kaalyado na PMFTC Inc., ay itinutulak na pumalit kay Jay Ruiz bilang pinuno ng Presidential Communications Office (PCO). Para sa mga naturang grupo, ang pagpasok ni Gomez ay posibleng magdulot ng mas malalim na problema. Ayon sa mga source na may kaalaman sa deliberasyon…

Read More

OFW SA JEDDAH HUMIHINGI NG AGARANG SAKLOLO

HUMIHINGI ng agarang tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Judylen Alisoso, na nagtatrabaho sa Jeddah sa ilalim ng Thawabet Resources Company, sa pamamagitan ng kanyang local agency sa Pilipinas na Camox Phils. Ayon sa kanyang pahayag, walong buwan na siyang nagtatrabaho sa Jeddah ngunit palaging delay ang kanyang sahod, at sa tuwing tatawag sa kanyang agency upang humingi ng tulong, ang tanging sagot ay “settle mo lang” sa employer ang problema. Bukod sa delayed na sahod, labis ang takot ni Alisoso sa kanyang kaligtasan dahil sa mga…

Read More

Laking tipid ng consumers ngayong Hunyo HALOS P2 BINABA SA SINGIL NG PRIMELECTRIC HOLDINGS INC.

NAGPATUPAD ng malaking bawas-singil sa kuryente ang Primelectric Holdings Inc. (PHI) ngayong buwan ng Hunyo 2025 sa pamamagitan ng mga subsidiary nitong utility companies—ang MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa Iloilo City, Negros Electric and Power Corporation (Negros Power) sa Central Negros, at Bohol Light Company, Inc. sa Bohol—na nagbigay ng ginhawa sa libu-libong kabahayan at negosyo sa rehiyon ng Visayas. Sa Bohol, makikinabang ang mga konsyumer ng Bohol Light sa pagbaba ng ₱0.75 kada kilowatt-hour (kWh), na katumbas ng humigit-kumulang ₱150 na matitipid kada buwan para sa…

Read More

ILLEGAL LOGGER, QUARRY SYNDICATE SA CAMSUR PINAHULI NI SEN-ELECT TULFO SA NBI

ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) si Brgy. Chairman Ariel Bengua ng Pasacao, Camarines Sur at ilan pang kasamahan dahil sa illegal logging at quarrying batay na rin sa reklamo ng mga residente. Hunyo nang lumapit ang ilang residente ng Pasacao kay Senator-elect Erwin Tulfo para isumbong ang walang habas na ilegal na pagputol ng mga kahoy at illegal quarry sa nasasakupan ni Bengua. Agad namang nakipag-ugnayan si Sen. Tulfo kay NBI Dir. Jaime Santiago para matuldukan na ang pang-aabuso sa kalikasan sa naturang lugar. Kasamang…

Read More