BINATA MALUBHA SA BUGBOG NG TIYUHING KANO

INOOBSERBAHAN sa pinagdalhang ospital ang isang 25-anyos na binata makaraang bugbugin umano ng tiyuhing American national na nanunuluyan sa isang hotel sa San Marcelino Street Ermita, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Nasa malubhang kalagayan sa Manila Medical Center ang biktimang si Jade Gaduan, jobless, residente ng Pasig City. Samantala, nahaharap sa kasong serious physical injuries ang suspek na kinilalang si Derrick Thomas Steward, 38, isang US citizen, negosyante. Base sa ulat nina Police Staff Sergeant El-Ar Malonzo at Police Staff Sergeant Bernard Miño Jr., nakatalaga sa Lawton Police Community…

Read More

65-ANYOS NA BOTANTE SA ALBAY, NAMATAY MATAPOS BUMOTO

PATAY ang isang 65-anyos na senior citizen matapos bumoto sa halalan nitong Lunes, ayon sa ulat Philippine National Police (PNP). Kinilala ng Police Regional Office 5 (PRO-5) ang namatay na si Nestor Rensales, nawalan ng malay bandang alas-6:05 ng umaga matapos bumoto sa Oas South Central School sa Barangay Ilaor Sur sa bayan ng Oas sa lalawigan ng Albay. Ayon kay Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, si Rensales ay inatake sa puso at agad nilapatan ng paunang lunas ng medical personnel ng Commission on Elections (Comelec)…

Read More

KAGAMITANG PANDIGMA NASAMSAM NG MILITAR

CAMP SIONGCO, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng tropa ng 601st Infantry (Unifier) Brigade ang iba’t ibang uri ng malalakas na kagamitang pandigma sa nagpapatuloy na clearing operations ng mga sundalo sa Brgy. Mao, sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, isang araw bago ang ang eleksyon. Ayon kay Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, ang pagkakarekober sa mga armas ay bunga ng sunud-sunod na clearing at combat patrol operations na isinagawa ng mga tropa, batay sa impormasyong ibinahagi ng mga…

Read More

EU OBSERVERS SA 2025 POLLS BINIGYAN NG GO SIGNAL NG COMELEC

PINAYAGAN din ng Commission on Elections (Comelec) ang mga miyembro ng European Union (EU) Election Observation Mission members na pumasok sa polling precinct matapos bumoto ang mga botante para sa Eleksyon 2025. Nauna nang sinabi ng Comelec na ang mga miyembro ng poll-watching mission ay hindi papayagan sa loob ng presinto dahil sa election law ng bansa. Noong Huwebes, sinabi ni Garcia na tinanggihan ng Comelec ang kahilingan ng EU observers na payagang makapasok sa mga polling precinct. Binanggit ni Garcia ang 1987 Constitution gayundin ang probisyon ng Omnibus Election…

Read More

WALANG ABERYA SA PAGBOTO NI ISKO

NAGING maayos at walang naranasang aberya sa proseso ng pagboto ni dating Manila mayor Isko Moreno Domagoso para sa 2025 national and local elections nitong May 12. Dumating alas-10:15 si Yorme sa Manuel L.Quezon Elementary School at natapos siyang bumoto alas-10:20. Sa panayam kay Domagoso, sinabi nitong maayos naman ang pagpasok ng kanyang balota sa automated counting machine (ACM) gayundin sa kanyang resibo ay tama ang lumabas na mga pangalan sa ibinoto sa kanyang balota. “Ako mismo chineck ko yung binoto ko, ayun ok naman ang lumabas so far okay…

Read More

YAMSUAN BUMOTO SA TAHANAN VILLAGE

KASAMA ang maybahay na si Cathy, bumoto kahapon ng umaga si Congressman Brian Raymund Yamsuan sa Tahanan Village, BF Homes, Parañaque. Dumating si Yamsuan sa Tahanan Village Covered Court ng alas-nuebe ng umaga at nakaboto makalipas ang may 30 minuto sa Polling Precinct 512A. Bago bumoto ay dumalo muna sa misa sina Yamsuan, kanyang pamilya at ilang supporters sa Resurrection of Our Lady Parish (ROLP). Si Yamsuan ay tumatakbo ngayong halalan bilang kinatawan sa Kongreso ng Distrito Dos ng Parañaque City. (Danny Bacolod) 181

Read More

ARAW NG HALALAN

EDITORIAL  NGAYON ang Araw ng Halalan. Mahigit 68 milyong Pilipinong botante ang inaasahang lalahok sa midterm election para punan ang mahigit 18,000 posisyon mula sa Senado, hanggang puwesto sa lokal, kabilang ang sa Bangsamoro region. Pinakamaraming bilang ng mga botante ang Calabarzon na may 9,714,079. Sumusunod ang mga rehiyon ng Region III, NCR, Region VII, at Region V. Pinakamalaki namang voting provinces ang Cebu, Cavite, Bulacan, Pangasinan, Laguna, Negros Occidental, Batangas, Pampanga, Rizal, at Iloilo. Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na magiging mapayapa at maayos ang 2025 midterm elections.…

Read More