NANCY BINAY TINALO BAYAW SA MAKATI

PORMAL nang naproklama bilang bagong alkalde ng Makati City si Senator Nancy Binay. Natalo ni Senator Binay ang kanyang bayaw na si incumbent Makati 2nd district Rep. Luis Campos. Nakakuha si Binay ng 114,898 votes habang 85,664 votes lang si Campos. Sinamahan si Binay sa kanyang proklamasyon ng kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang mister na si Benjamin Angeles, mga anak na sina Boogie, Anya, Pepi, at ama na si dating mayor at vice president Jejomar Binay, ina na si Dr. Elenita Binay; at mga kapatid na sina Junjun, Anne,…

Read More

SANA TAMA ANG DESISYON N’YO

MANINIKTIK ni GREGORO SAMAT HINDI pa tapos ang botohan habang tinitipa ko ito pero nananalangin ako na tama ang desisyon ng sambayanang Pilipino sa pagpili nila ng mga lider na mamumuno sa atin at sa bansa sa susunod na tatlong taon. Hanggang kasi sa huling mga oras bago nagtungo sa mga presinto ang mga botante, maraming kandidato sa local, mula sangguniang bayan (SB) hanggang congressman ang namimili ng boto ang kanilang coordinators. Sana hindi pera ang nagdesisyon kung sino ang mananalo at magiging lider natin kundi ang konsensya para sa…

Read More

TAMA BANG HUMINGI NG PAHINTULOT SA COP SA LUGAR ANG MAGKO-COVER NA MEDIA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KAYA natin natanong ‘yan dahil sa nangyari sa amin bandang alas-2:21 ng madaling-araw kahapon, May 12, 2025. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Montalban, Rizal ay bigla kaming kinat at pinalibutan ng limang police mobile at mga motor na pawang mga nakasibilyan. Mga ilang minuto pa bago kami nilapitan ng isa sa mga tao na binanggit natin. Paglapit sa amin ng isang tao na nakasibilyan at naka-short sa driver side ng aming sasakyan ay binuksan ng aming driver ang bintana matapos katukin…

Read More

SAKSI NGAYON TEAM, 2 BESES HINULI NG MGA NAKASAKAY SA POLICE CARS NA PAWANG NAKASIBILYAN?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KINOKONDENA natin ang hindi lang isa kundi dalawang beses na pagpalibot ng mga nakasibilyang tao na nakasakay sa police mobile ng Montalban, Rizal sa mga kasama natin na nagko-cover sa May 12, 2025 election sa naturang lugar. Bandang alas-2 ng madaling, May 12, habang binabagtas ng SAKSI NGAYON TEAM sa pamumuno ng senior writer na si Joel Amongo, ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Brgy. San Jose, Montalban ay biglang kinat ang kanilang marked vehicle ng dalawang police mobile na pawang walang plaka, samantala…

Read More

ELEKSYON 2025: ABERYA, RAMBOL, KARAHASAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KATULAD sa mga naunang halalan, hindi pa rin naiwasan ang aberya kahapon sa mga presinto kung saan nagaganap ang botohan. Bukod dito, nagkaroon din ng ilang kaguluhan at pamamaril na kumitil ng ilang buhay. Ayon sa Department of Education (DepEd) Election Command Center, nakatanggap ito ng kabuuang 160 ulat mula sa iba’t ibang field offices hanggang 1:30 ng hapon ng Lunes. Karamihan sa mga ulat ay may kaugnayan sa mga problema sa Automated Counting Machine (ACM), nawawalang pangalan sa listahan ng mga botante, at mga isyung…

Read More

VP SARA HANDA SA RESULTA NG IMPEACHMENT TRIAL

NAKAHANDA si Vice President Sara Duterte anoman ang maging hatol ng Senate impeachment trial, na pansamantalang itinakda sa Hulyo. Matatandaang sinampahan ng impeachment complaint si VP Sara noong Pebrero ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng lumalaking hidwaan sa pagitan ng pamilya Duterte, pamilyang Marcos at mga dati niyang kaalyado. Matapos bumoto kahapon, sinabi ni VP Sara sa isang ambush interview na handa siya sa anomang kalalabasan ng impeachment trial sa Senado na magdedetermina ng kanyang ‘political future.’ Bukod sa maalis sa tanggapan, isang guilty verdict ng senator-judges ang…

Read More

Sa naharang na P441-M cash sa Mactan airport VOTE BUYING, MONEY LAUNDERING SINISILIP

MAY hinala ang mga awtoridad kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang P441 million cash na naharang mula sa 11 suspects sa Mactan-Cebu International Airport nito lamang weekend ay posibleng bahagi ng election-related illegal activities, kabilang na ang vote-buying at money laundering. “The involvement of multiple foreign nationals strongly suggests the alarming possibility of foreign interference in our sovereign electoral process,” ang sinabi ng AFP. Tiniyak ng AFP sa mga Pinoy ang kanilang commitment na pangalagaan ang integridad ng democratic institutions at ito’y nakahanda para magbigay ng…

Read More

POWER SUPPLY NANATILING MATATAG SA HALALAN – NGCP

INIULAT ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nanatiling matatag ang kanilang mga pasilidad at transmission lines upang masiguro ang maayos na operasyon ng vote counting machines (VCMs). Batay sa datos ng NGCP, hanggang alas-11 ng umaga nitong Lunes, umabot sa 9,220 megawatts (MW) ang demand sa Luzon, habang nasa 17,168 MW ang kabuuang kapasidad ng rehiyon. Sa Visayas, nakapagtala ito ng 1,735 MW, habang mayroon itong 3,048 MW na suplay. Sa Mindanao naman, umabot ang demand sa 1,615 MW, habang may 3,636 MW na kapasidad. Pansamantalang sinuspinde…

Read More