ISASANGGUNI na ni Senador Lito Lapid kay President Ferdinand Marcos Jr. ang problema sa matinding baha sa lalawigan ng Pampanga upang mahanapan ng permanenteng solusyon. “Hindi lang dito sa Pampanga halos buong Pilipinas, halos nationwide itong kalamidad natin. Sana huwag silang mag-alala nandyan ang mga local official natin, nandyan ang ating mahal na Pangulo, hindi kayo pababayaan. Kami, kaming mga Senador, ako mismo at isasama ko na ang mga Senador na kasama ko, lahat ng local official, kailangan wag nating pabayaan ang mga kasama natin. Kailangan tulong-tulong at magkaisa tayo,”…
Read MoreAuthor: admin 3
TULONG INIHATID SA IBA’T IBANG LUGAR
PINANGUNAHAN ni Senator Mark Villar ang relief operations noong Sabado, Hulyo 26, sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na pag-ulan dala ng habagat at bagyo. Binisita ni Villar ang iba’t ibang komunidad sa Marikina City, Rizal, Bulacan, at Quezon City. Namahagi rin siya ng relief goods kabilang ang food packs, bottled water, hygiene kits, at iba pang mahahalagang supply. (Danny Bacolod) 185
Read MoreAredumstrico naghigpit sa membership MGA KATUTUBO PINAG-IINGAT SA PAGSAPI SA IP GROUPS
UMAPELA ang pamunuan ng Aredumstrico Agricultural Forest Village Development Foundation Inc. (AAFVDFI) sa lahat ng mga katutubong Aeta at Dumagat sa buong Central Luzon, na maging mapanuri at mapagmatyag sa pag-apply ng membership gayundin sa nais mag-avail ng kanilang mga programa para sa Indigenous People (IP). Ayon kay Suprema Bae Kalikasan Lorelyn Tobias, presidente ng AAFVDFI, ipinatawag niya ang lahat ng Indigenous Peoples (IP) tribal chieftains mula sa mga lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bangsamoro at Bataan upang paalalahanan hinggil sa umano’y nagaganap na paniningil at…
Read MoreDOH NAALARMA SA PATULOY NA PAGTAAS NG KASO NG DENGUE
PATULOY na naalarma ang Department of Health (DOH) sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa para sa buwan ng Hunyo. Ito ay matapos makapagtala ang DOH na umabot sa 10,733 ang naitalang kaso ng dengue mula Hunyo 15 hanggang 28. Mas mataas ito kumpara sa 8,233 kaso na naitala sa unang dalawang linggo ng parehong buwan. Naghahanda na rin ang ahensya sa posibleng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha nitong nakaraang linggo. Kasabay nito, nanawagan ang ahensya sa…
Read MoreHindi sinipot ni Baste TORRE ‘WIN BY DEFAULT’
DINAGSA ng mga manonood ang boxing match sana nitong Linggo sa pagitan nina Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Philippine National Police chief, Gen. Nicolas Torre III. Si Torre ay maagang dumating sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila kung saan marami rin ang kumagat sa anunsyo at nagtungo sa stadium upang manood. Dahil hindi dumating si Duterte, itinuring na “win by default” ang laban ni Torre kontra kay Duterte, matapos hindi dumalo ang acting mayor sa “Boxing for a Cause” na nakatakda nitong Linggo sa Coliseum. Ang “Boxing…
Read MoreKONGRESO HINDI TINANGGALAN NG POWER NG SC SA IMPEACHMENT
HINDI maituturing na pagtatanggal sa kapangyarihan ng Senado at Kamara sa impeachment ang naging ruling ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri sa paggiit na hindi naman pinipigilan ang kahit sino na muling maghain ng impeachment complaint sa susunod na taon. “Of course not, because it does not stop the instigators or those who are trying to push for the impeachment to file again next year. Hindi naman sinabi ng Supreme Court, hindi na kayo maka-file…
Read MoreKOTONGAN SA NAIA NAKALKAL!
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) USAP-USAPAN ngayon ang panibagong kabulukan na nagaganap sa loob ng Bureau of Customs (BOC), partikular na sa mga nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang kotongan umano ng P2 million ang isang pasahero na pamangkin mismo ng isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP). Nabatid na ang biktima ay isang negosyanteng babae na nakabase sa Compostela Valley, Davao de Oro. Sakay ng Cathay Pacific flight number CX 903 ang biktima na galing umano sa bansang Hong Kong at dumating sa NAIA Terminal 3…
Read MoreRESOLUSYON SA APELA NG MOVE IT HIRIT NG LCSP SA MOTORCYCLE TAXI TWG
UMAPELA ang Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) na maglabas na ng resolusyon ang Interagency Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) sa apela ng Move It. Ayon sa LCSP, noong Abril 2025 ay pinarusahan ng TWG ang Move It dahil sa paglabag sa mga limitasyon ng fleet at hindi pagsunod sa mandatoryong mga kinakailangan sa pag-uulat na itinakda sa ilalim ng motorcycle taxi pilot study. Kaugnay nito, inutusan ng TWG ang Move It na bawasan ang laki ng fleet nito alinsunod sa alokasyon ng gobyerno at itigil ang operasyon…
Read MoreMANGINGISDA TULUNGAN DIN KAHIT ‘DI BINAHA – TULFO
KAILANGAN din bigyan ng ayuda ang mga mangingisda tuwing may bagyo o masama ang panahon, kahit hindi sila binaha. Ito ang panawagan ni Senador Erwin Tulfo sa pamahalaan matapos dumalaw sa lalawigan ng Palawan kamakailan. “‘Pag may bagyo o masama ang panahon, hindi nakapaghahanapbuhay ang mga mangingisda natin at wala silang makain at pamilya nila sa buong panahon na may bagyo o masama ang panahon,” ayon sa mambabatas. Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Palawan kay Sen. Tulfo, July 19 pa hindi nakapagpalaot ang may 11,000 fishermen…
Read More