SABAY-SABAY na nanumpa nitong Miyerkoles ang mahigit sa 7,000 pulis bilang bahagi ng pagpapalakas ng hanay ng Philippine National Police ngayong taon.
Sinabi ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang 5,100 ay kabilang sa attrition quota habang nasa 2,000 naman ang regular recruitment quota para sa 2026.
May paalala naman ang hepe ng Pambansang Pulisya sa mga bagong pulis na maging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Naging mahigpit ang proseso sa mga bagong recruit kabilang ang sistemang faceless, contactless at nameless para maiwasan ang paboritismo sa recruitment.
Samantala, inaasahang magsisilbi ang mga bagong pulis sa iba’t ibang units ng PNP, habang nakatakda naman ang hiwalay na oath-taking ng mga bagong recruit sa PRO BARMM matapos ang halalan.
(TOTO NABAJA)
56 